32.1

5.9K 138 2
                                    

Ring ng cellphone ang nagpabalik sa isip ko sa kasalukuyan.

Nang tinignan ko ang screen ay nabasa ko ang pangalan ni Mommy ay agad na sinagot ko ito.

"Yes Mom?" Tanong ko agad at bahagyang lumayo sa natutulog na si Lyka.

"Lucas...mabuti at sumagot ka agad---"

"Mom if may sasabihin ka sabihin mo na agad para matapos na kasi busy ako" malamig na sansala ko dito.

Natigilan ito at ilang saglit na tumahimik ang nasa kabilang linya.

"Ahm....Lucas anak namimiss ka na namin ng Daddy at kapatid mo dumalaw ka naman sa amin this coming sunday...B---birthday ko yun anak remember?" Pagpapaalala nito sa akin.

Napahawak ako sa batok ko pagkaalala na sa linggo na nga pala ang birthday ni Mommy at mukhang katulad ng nakaraang dalawang taon ay mukhang hindi na naman ako makakadalo.

Una, ayaw ko na maiwan si Lyka na mag isa,
Pangalawa, ang kambal kong mga anak ay mas kailangan ako,
At panghuli ay ayaw ko talagang dumalo sa birthday na yun.

Paano ko magagawang magsaya gayun ang mag iina ko nandito sa hospital?

"I'll try my best Mommy" tanging nasabi ko dito.

"L---lucas anak nam---" kung ano man ang sasabihin ni Mommy ay hindi ko na pinansin at pinatay ko na agad ang cellphone ko.

Agad na ibinulsa ko na ang cellphone saka muling naupo sa tabi ni Lyka.....

Puno nang pagmamahal na hinaplos ko ang malambot na buhok nito at buong ingat na hinalikan ang noo nito.

"Gising ka na Mahal ko para..." nakangiting kinuha ko ang kamay nito at dinama ng pisngi ko.
"Para sabay natin na pupuntahan ang Baby Rael at Baby Azel natin"

__________________

Amoy chlorine ang naamoy ko na tila gumising sa natutulog na diwa ko.

Biglang nawala ang bigat ng ulo ko pagkaalala sa huling pangyayari bago ako mawalan ng malay.

Tinangka ko na bumangon pero napaigik ako sa sakit na naramdaman ko sa may bandang tiyan ko.

Nang kapain ko ito ay agad na bumadha ang pagkataranta at pagkabaha sa loob ko ng mapansin ko na impis na ang tiyan ko.

"B----baby k---ko" nagsisimula ng mangilid ang mga luha ko nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Luc.

"Lyka why are crying?" Nababahalang tanong nito sa akin at agad na dinaluhan ako.

"L---luc ang b--baby natin----"

"Shhh...mabuti at bumalik ako at nadala agad kita dito sa hospital kaya naman hindi naman nalagay sa peligro ikaw and don't worry our babies are fine nasa NICU lang sila ngayon dahil nga napaaga ang panganganak mo Sweetheart" sabi nito habang marahan na hinahagod ang likod ko.
"And I'm so sorry....sorry kasi nagalit ako...God...hindi ko lubos maisip kung anung magagawa ko sa sarili ko kung may nangyari sa iyo at sa mga babies" dagdag pa nito na.

"It's okay and I'm sorry too kasi pinag alala kita and thank you kasi bumalik ka agad at naligtas kami ng anak mo" sagot ko dito at agad na nakaramdam ako ng relief sa isipin na di ko naman pala nalagay sa peligro si Babies....

Teka mga Babies? Nagtatanong ang mga mata na napatitig ako kay Luc.

Ngumiti naman ito na tila nakuha ang tinatanong ng isip ko.

"Yes... My Sweet....tama ang dinig mo, kambal ang mga anak natin at pareho silang lalaki....finally dumating na din ating Azrael at Azsazel!" Mababakas ang excitement sa mukha ni Luc habang nagsasalita.

Hindi ko naman napigilan ang galak na sumapuso sa dibdib ko.

Ang Isipin na hindi lamang isa kundi dalawa pa ang naging bunga ng pagmamahal ko kay Luc ay nagdudulot sa puso ko ng ibayong saya....

"Isa na lang ang kulang ang ating little Azenith" biro nito na isang pinong kurot ang isinagot ko.

"Sira ka talaga Lucas...kapapanganak ko pa lamang oy!" Nakairap na sagot ko dito.

Napahalakhak naman ito at hinuli ang kanang palad ko at hinagkan ang likod nun.

"Thank you Lyka kasi dahil sa iyo may Azrael at Azsazel na tayo at matatawag na talaga tayong pamilya" anito at ang sunod na hinagkan naman nito ay ang noo ko.

Napapikit ako at tahimik na ninamnam ang saya at kilig na hatid ng pasasalamat nito at halik sa akin....




Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon