"E---excuse me everyone" pukaw ko sa tatlo na abala na sa pag uusap sa preparasyon sa kasal namin ni Jaime.
"Yes Lyka?" Ani Jaime na ngumiti pa nang matamis sa akin.
"I---i just...." napalunok ako at binasa ko ang nanunuyo ko nang labi. "I need to go to the Comfort Room" paalam ko dito saka bumaling ang tingin ko kina Maggie at Luc.
"Oh...sure Lyka don't mind us" natatawang wika ni Maggie.
Ngumiti ako dito saka tumango at muli nagawi na naman ang dalawang mata ko kay Luc na nakatingin naman kay Maggie.
Ewan ko ba sa sarili ko kasi parang naiinis ako sa sarili ko na hindi naman.
Kanina pa kasi nag uusap ang tatlo,
Oo sumasagot ako pag tinatanong nina Maggie at Jaime ang opinyon ko pero si Luc...Di ba dapat matuwa ako kasi kung kumilos at magsalita si Luc ay parang ngayon lang nya ako nakilala...
Na di man lang ako tapunan ng pansin nito....
Pero bakit ang dibdib ko ay sumisikip at nahihirapan ako na huminga pag buong ngiti na nakikipag usap si Luc kay Maggie?
Bakit pakiramdam ko ay lihim na pinagseselos ako ni Luc?
At ang suwail na puso ko ay naninibugho,
Gusto na magalit, magwala....
Angkinin at ipangalandakan ang mayroon kami ni Luc dati..Di ba tinapos ko na ang lahat sa amin?
Lumayo na ako at kinalimutan ang lahat at masuwerte na muling nakahanap ng pagmamahal sa katauhan ni Jaime...
Pero ..... napahawak ako sa dibdib ko at saka mabilis na tumayo at nagmamadaling naglakad papunta sa Comfort Room.
Nang makapasok ako na ako ay napapikit ako nang mariin at napahikbi nang mahina.
Pero...ang sakit sakit na nang dibdib ko pakiramdam ko anumang sandali ay sasabog na ito....sa sobrang panibugho na nararamdaman ko.... lihim na panaghoy na puso ko.
Stop it Lyka! Saway ng isip ko.
Pull yourself together...your feelings for Lucas is just a fragment of your past attachment on him...Love?
Hah! That was Loved! past tense Lyka! Meaning nakaraan na! tapos na! Nawala na! At di na babalik pa! Pangaral ko pa sa puso ko.Napakagat labi ako at saka sunod sunod na tumango.
Tama...tama...
Nang maayos ko na ang nagtatalo kong sarili ay ang panlabas na anyo ko naman ang inayos ko.
Ayaw ko na magtaka at mag alala si Jaime pag nakita na parang nais stress ako at isipin na ang pag aayos namin sa kasal namin ang dahilan.
Isa pa dapat na taas noo na humarap ako kay Luc para naman patas na kaming dalawa at pareho nang magpanggap na di kilala ang isa't isa.
Katatapos ko lamang na mag retouch nang bumukas ang pinto ng Comfort Room at mula sa malaking salamin nito ay kitang kita ko na nanlaki ang mga mata at bibig ko nang mapagsino ko ang tao na basta na lamang pumasok dito.
"L---luc?!" Bulalas ko at saka agad na pumihit papaharap dito na isang pagkakamali pagkat inilang hakbang lamang nito ang pagitan naming dalawa at agad na sinaklit ang bewang ko ng braso nito at saka gamit ang isa pang kamay nito ay tinaas nang palad nito ang baba at sinibasib ako nang mapusok na halik nito.
"Hmuuhp..." pilit na kumawala ako sa tila bakal na pagkakahawak nito sa katawan ko pero di ako nagtagumpay.
Mas lalo nito pang nilalim ang pananalakay sa labi ko at gamit ang eksperto nyang dila ay pilit nyang ibinubuka ang bibig ko para sa muli nitong pananalakay.
Muli nagpumiglas ako at nagpilit na kumawala pero muli din nitong hinigpitan ang pagkakahawak nya sa katawan ko at mas lalo pa nyang nilapit ang katawan ko sa katawan nya at mas humigpit pa ang pagkakahawak din nito sa buhok ko na di ko na napigilan na di mapadaing sa sakit dahil sa pati anit ko yata ay matatanggal na na tila siya yatang hinihintay na pagkakataon ni Luc at agad nang pumasok at nanalakay ang dila nito sa loob ng bibig ko.
Napaungol ako at nanlaban di lamang dito kundi pati na din sa sarili ko na unti unti nang nadadarang at malapit nang matukso na tugunin ang halik nito.
Ayaw ko.....alam ko na mali...na di ito tama...pero....
Pero.... natagpuan ko na lamang ang sarili ko na tinutugon na din ang halik nito.
At nang tila mapupugto na ang hininga ko sa paghahalikan namin ay bigla na lamang na tinapos ito ni Luc at saka lumayo sa akin.
Lihim na nakaramdam ako nang pagtutol.
Nagtataka na nagtaas ako ng tingin para magtagpo ang mga mata namin ni Luc.
Napugto ang humihingal ko pang paghinga nang mabasa ang galit sa mga mata nito.
"L--luc...." nakaramdam ako nang pagkatakot.
Luc grin.
"I'm glad that finally...." he move closer to me and touch my cold and sweaty face.
"Finally you are here again Lyka" Luc whisper at my left ear.
"Consider the kiss we shared just a moment ago as my welcome Gift my sweet Lyka" he softly added and quickly plant a kiss again in my swollen lips, afterwards as if nothing happen that he walks towards the door and left me.Speechless and Miserable.....
Nanghihinang napasandal na lamang ako sa dingding.
Di pa din ako makapaniwala sa katatapos pa lamang na nangyari sa pagitan naming dalawa ni Luc....