Naluluha na tahimik kong pinagmasdan ang paglabas sa simbahan ng lalaking mahal ko at nang Asawa nya mula dito sa kinakukublihan ko.
Alam ko na masakit sa dibdib ang ginagawa kong ito....
Ang tignan mula sa malayo ang mahal mo na kinakasal sa iba...
Pero kailangang gawin ko ito para na din sa closured at acceptanced na di talaga kaming dalawa...
Na walang kami...mahal ko s'ya...
Alam ko kahit papaano kahit konti may naramdaman din sya para sa akin....Masaya na ako dun kahit pa pakiramdam ko isa lang akong trophy girlfriend para sa kanya.
The mere fact na niyaya nya ako na magpakasal, ibig sabihin nakikita nya ang sarili nya kasama ko na tumanda.
Ayos na ang lahat isang buwan na lang at ikakasal na kami...
Pero nakilala nya ang babaeng yun at may nangyari sa kanila na nagbunga kaya naman.....
Kaya naman hiniwalayan nya ako at ang babae na yun ang inalayan nya nang apelyido nya.
Ang kasama nyang humarap sa dambana kani kanina lang.Ang sakit...
Napakasakit....
Mahal na mahal ko s'ya pero di na s'ya sa akin.
Bakit ba napasakit pag niloko ka nya, pinagtaksilan, iniwan saka mas pinili yung tao na yun na dahilan ng pagkasiphayo mo?
Sana kahit pabalat bunga man lang pinakita nya sa akin na medyo nahirapan sya sa desisyon nya na iwan ako at panagutan ang babaeng binuntis nya.
Umiyak ako sa harap nya, nagmakaawa na wag iwan na handa kong tanggapin akuin at maging ina nang anak nya...pero buo na ang Isip nya na iwan ako....
Bakit napakadali na masaktan ka pag yung taong nanakit sa iyo ay mahal na mahal mo?
Masarap magmahal... tama...
Masakit naman pag nalaman mo na niloko ka at tapos iiwan ka para sa iba...
Sabi nga nila walang number 2 kung kuntento ka na sa number 1,
Madami tuloy naglalaro sa utak ko.
May kulang ba sa akin?
Nagkulang ba ako sa pagpapadama na mahal ko sya?
Na sya ang pinakamahalagang tao sa buhay ko?
Saan ako nagkulang?
Saan ako nagkamali?
Di pa ba ako sapat para sa kanya?
Ano pa bang kulang sa akin?
Bakit kailangan pagdaanan ko lahat nang ito?
Bakit sa akin pa?
At ang mas masakit at mahirap tanggapin ay bakit kahit sinaktan nya ako at iniwan ay mahal na mahal ko pa rin sya....
Di ko kayang magalit ni magtampo sa lalaking mahal ko...
Napasinghap ako at agad na napayuko saka nagpunas ng panyo sa mukha ko na tigmak na nang luha....
Saka muling tumingin sa dalawa na ngayon ay papasakay na nang bridal car.
Nang makasakay na ang dalawa at umandar ang sasakyan papalayo sa simbahan ay muling yumuko ako at muli ay nagsimula na naman dumaloy papalabas ang mga luha sa mga mata ko....