"P---pakiulit nga Maggie kasi di ko naintindihan?" Nangangatal na pakiusap ko kay Maggie.
At awtomatikong napahawak sa kamay ko partikular sa aking palasingsingan kung saan nakasuot ang engagement ring ko.
Nasa isang sulok kami ng cafeteria.
Dumadagundong ang dibdib ko na tila nagpapabingi sa akin kaya naman marahil namamali lamang ako ng dinig.
"Lyka...I've said that Jaime cancel your wedding" malungkot na tugon nito.
"N---no...." napapailing na di pa din ako naniniwala na magagawa ni Jaime na ikansela ang kasal namin.
Ang sabi nya hayaan ko muna syang makapag isip at pahupain ang galit na nararamdaman at pag handa na sya ay pakikinggan nya na ako.
It's been two weeks already....
At hindi ganito ang inaasahan ko na susunod na mangyari...."Yes Lyka" ani Maggie at saka tumayo sa pagkakaupo nya sa harapan ko at lumapit sa akin saka marahan na hinimas himas ang likod ko.
"Kahit ako man nagulat sa ginawa ni Jaime,heck! one week na lang kasal nyo na tapos prinosponed nya, shyet lang! Nasayang ang effort ko" maarteng dagdag pa nito na pumipilantik pa ang daliri sa kanang kamay.Sa halip na matawa ako ay napaluha na ako nang tuluyan.
"Kasalanan ko 'to Maggie, I need to talk to Jaime, we need to talk and settle everything, I want to..." humihikbing wika ko.
"I understand Lyka" ani Maggie na muling hinagod nito ang likod ko.
"But first you need to cheer up, look oh namumugto na ang mga mata mo at namumutla ka pa Girl" nag aalalang puna nito.
"Anuman ang problema n'yo maaayos din yan tiwala lang" dagdag pa nito.Nakagat ko ang labi ko para ipitin ang paghikbi.
"Thank you Maggie sa lahat" pagpapasalamat ko dito kasi nandito ito at di ako pinapabayaan.
"No need to thank me bayad ako" nakangising biro nito saka kinindatan ako.
Ngumiti ako dito ng pilit at saka kumuha ng tissue paper para punasan ang mga luha sa mga mata ko.
Saka napahawak ng mahigpit sa aking singsing.....
------------------
Natigilan ako sa paglalakad ng mamataan ang lalaking nakapamulsa sa kanyang leather jacket at nakaharap sa akin.
"L-----Luc...." napatiim bagang ako at naikuyom ang aking mga kamao.
Nagsisimula na naman kumabog ang dibdib ko na ayaw kong maramdaman.
"Saan ka galing Lyka?" Tanong nito saka nagsimulang humakbang papalapit sa akin.
Napaatras naman ako.
Ginabi na ako ng uwi pagkat pumunta pa ako sa condo ni Jaime dahil hindi sya sumasagot sa mga tawag ko ni reply sa mga text ko wala ding sagot pero wala akong Jaime na nadatnan dun.
"Tumawag ako sa opisina mo at sinabi ng sekretarya mo na di ka daw pumasok" tila naninita ang boses nito at mabilis na hinawakan ang kanang braso ko.
"W---wala akong obligasyon na magpaliwanag sa iyo" sagot ko dito at pumiksi pero mahigpit na hawak hawak pa din ni Luc ang braso ko.
Luc grinned and pulled me closer to his body.
I gasp then my heart flow in happiness that shock me.
Still...my heart recognized Luc even If I deny my feelings it still whimper and kept asking this man.
And I can't accept it....
This man ruined my life...
He blocked my pathway...
He mess up my supposed to be happy wedding....
Then and now he always know how to inflicate wounds and pain in my heart....
"I'm just concerned Lyka, look at your self you look pale are you having enough sleep? Are you properly eating meals?" Sunod sunod na tanong nito.
Mababakas sa nakakunot noo nitong mukha ang pag aalala.
Dahilan para sumulak at bumugso ang inis na nararamdaman ko para dito.
Ikinuyom ko ang mga kamao ko at pinagbabayo ang malapad na dibdib nito.
"H---hey Lyka!" nagulat na wika nito at saka hinuli ang dalaway kamay ko at pinigil ang mga ito.
"Because of you asshole! Jaime may been back out of our wedding because of what shit you did to me! My most awaited wedding may will never come" naiiyak na singhal ko dito.
Luc clenched his teeth and his face become dark.
Sapat para sa ilang sandali ay makadama ako ng pag aalinlangan at ng takot...
"Sinabi ko na dati pa Lyka that you're mine at walang makakaagaw sa pagmamay ari ko" anito.
"Di mo ako pag aari!" Sigaw ko dito at muli ay nagpumilit na kumawala mula sa pagkakahawak nito.
"Yes Lyka, I'm not your master but I owned your heart even if you deny it with your mouth your eyes shouting it at me so loud so I don't hesitate and claimed you 'coz you are mine" nakangising wika ni Luc at biglang hinapit ang katawan ko at mariin na hinalikan ang labi ko....