08

6.5K 169 6
                                    

"What brought you here Mr. Torres?" Pormal man ang mukha ko sa pagtatanong ko kay Luc ay nagrarambulan naman ang mga daga sa dibdib ko.

Di ito sumagot at sa halip ay nagtuloy tuloy ito sa kusina ko.

Naiiling na napasunod na lamang ako dito.

"Mr. Torres?" Tawag ko dito.

Dumiretso ito sa may ref at saka ito binuksan.

Nilabas nito ang carrot cake na binake ko kahapon para ibigay kay Jaime.

"Mr. Torres wag mong balakin na kainin ni tikman yan, para yan sa fiance ko" wika ko dito.

Pero ngumisi lamang ito sa akin at walang babalang kumuha ng platito at tinidor at pati na din table knife at nang akma na sana itong hihiwa ay mabilis na nilayo ko ang plate ng carrot cake.

"What the heck Lyka?!" Bulalas nito.

"Sinabi ko na Mr. Torres na di ito sa iyo para.ito.sa.fiance ko." Madiin ang mga kataga na sagot ko dito.

Sumimangot ito at nagtagis ang mga bagang pero agad naman na ngumiti ito ng matamis sa akin.

"Nagugutom na ako Lyka will you cook for me?" Malambing na Pakiusap nito sa akin.

"P----pero" napapalunok na balak ko sanang tumanggi pero mabilis na nakalapit na si Luc sa akin at mabilis na naagaw ang carrot cake na hawak hawak ko.

"L---luc!"  Tinangka ko na muling kunin ito pero itinaas na nito yun plate na hawak hawak nito sa ere gamit ang kaliwang kamay kaya naman kahit na magtatatalon ako para makuha yun carrot cake ay wala pa ding saysay kasi naman ang tangkad nito bukod pa sa mahaba ang mga braso nito.

"Finally Lyka you call me again by my given name" nakangiting wika nito sa akin.

"Stop pestering me Luc!" Naiinis na sagot ko dito.
"Sabihin mo na ang kailangan mo para makaalis ka na dito sa bahay ko kasi mind you busy ako sa pag aasikaso sa kasal namin ng fiance ko" humakbang ako papalapit dito at tiningala ito.
"And may I ask you papaano ka nakapasok sa bahay ko ng basta basta, that's tresspasing you know?" Sita ko dito.

Nagulat na naman ako nang bigla ako nitong hinapit sa beywang ko at napasubsob ako sa malapad na dibdib nito.

"I still have my spare key" tugon nito.

Naamoy ko ang pamilyar na pabango nito at di ko mapigilan na di mapapikit.

"I miss you Lyka..." bulong nito at saka hinalikan ang buhok ko.

"L---luc stop it please" pakiusap ko dito.

Pakiramdam ko kasi ay nagsisimula na akong traydurin ng Puso ko.

Napupuno ng galak ito dahil lamang sinabi ni Luc na na miss nya ako.

Marahan na nilayo ko ang sarili ko kay Luc.

"Lyka...."

"Ano ba Luc!" Sansala ko dito.
"Sabihin mo na ang dahilan kung bakit ka naparito and get lost!"
Sikmat ko dito.

Luc heaved a sigh and brush using his right hand his  hair.

"I want to unwind and gusto ko na kasama ka" nakangiting sagot nito.

"Are you nuts?" Di makapaniwalang bulalas ko.

He nodded at me then he grin.

"I miss you Lyka ako ba di mo na miss?" Tanong nito.

Saka dahan dahan na humakbang ito papalapit sa akin.

"L---luc stop it" saway ko dito.
Di ko na nagugustuhan ang pinatutunguhan nitong tagpo naming dalawa.

"Stop what Lyka?" Pagmamaang maangan nito.

Napasinghap ako ng dumampi na ang likod ko sa may counter.
Mabilis na sana akong aalis nang kulungin ako ni Luc gamit ang dalawang kamay nito.

"L---luc?!" Napapasinghap na tiningala ko ito at nagtagpo ang mga paningin namin na dalawa.

"What Lyka?" Nakangising tanong nito ulit.

"L-lumayo ka nga sa akin!" Halos mabulol bulol na ako sa sobrang kaba at lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa sobrang lapit ng mga katawan naming dalawa.

"Hmm....ayaw ko nga" nakangising mas lalo pa nitong nilapit ang mukha nito sa mukha ko.

"L---luc ano ba! Di ka na nakakatuwa" nagpapanic na hinawakan ko ito sa braso nito at malakas na tinulak pero nawalang saysay din pagkat di man lang natinag ito.

"Why Lyka I was just inviting you na sumama sa akin there's nothing wrong with it right?" He ask.
His voice is husky.

My heart again begin to race so fast....

I am losing Air in my lungs....

My body tremble in secret....

Just being so close with this jerk is dangerous in my health....

"M---mali kasi di tama ito!" Biglang dumilim ang mukha nito.

"At ano ang tama ha Lyka!" Anito at pagigil na pinisil ang braso ko.
"Ang iwan ako ng walang ni ha ni ho at pagkatapos ng dalawang taon eto ka at malalaman ko na ikakasal ka na sa iba!" Napaigik ako sa sakit dulot ng pagpisil nito.

"So what?!" Naiiyak na sagot ko dito.
"So what? Karapatan ko na sumaya at magmahal ulit ng iba, di lang sa iyo umiinog ang mundo ko Luc" nagpumiglas ako dito at nagpilit na kumawala sa pagkakahawak nito at nang magawa ko ito ay pinagsusuntok ko ang dibdib nito.
"Pinagtaksilan mo ako Iniwan para sa babae na yun pero ang tanga tanga ko kasi tinanggap ulit kita kasi mahal kita pero anung sinukli mo? nakuha mo akong saktan dahil mas naniwala ka sa Asawa mo hah!" Galit na nagpahid ako ng mga luha ko gamit ang likod ng kanang palad ko.
"You don't respect me Luc, di ka na nga naging tapat sa akin ako naman si Gaga inintindi kita at tinanggap ulit sa buhay ko kahit alam ko na di na katulad dati ang relasyon natin o baka naman dati nang ganun yun di ko lamang alam kasi bulag ako dati sa sobrang pagmamahal ko sa iyo, nagawa mo nga akong lukohin at Iwan di ba?" Pagak na tumawa ako at pagkaraan ay napasigok.

"Lyka....." tinangka nito na aluin ako pero mabilis na umiwas ako dito.

"Don't touch me Jerk!" Sagot ko at saka nagpunta sa may pinto at binuksan ito at saka bumalik kay Luc at marahas na tinulak ito papalabas.
"Get out Luc at  wag ka nang magpupunta pa ulit dito!" Matalim ang mga mata na tumingin ako dito.
"Di ka na welcome dito"  sabi ko at pabalyang sinara ang pintuan....

Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon