24

5.6K 105 2
                                    

Di ko mapigilan na hindi mapakunot noo pagkakita kay Lyka na may kaagapay ulit na binata.

Mabilis ang mga hakbang na lumapit ako sa dalawa at nang malapit na ako ay mabilis na hinablot ko ang braso ni Lyka.

Nakalarawan sa mukha ni Lyka ang pagkagulat nang lumingon ito sa akin pero agad naman na napangiti ito nang mapagsino ako.

"Luc!" Masigla ang boses na agad na bumitaw ito sa kasama nito at mabilis na lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

Lalayo na sana agad ito ng bigla kong hapitin ang beywang nito saka siniil ng halik ang mapulang labi ni Lyka.

Kagyat naman na tinugon nito ang halik ko at ilang sandali pa ay naramdaman ko na  naglambitin ang dalawang braso nito sa leeg ko.

Nalunod sa galak ang puso ko sa aksiyon ng dalaga.

Malakas na tikhim ang nagpagising sa aming dalawa ni Lyka na siyang nagpahiwalay sa aming dalawa.

Namumula ang mukha nito na marahan akong tinulak papalayo saka humarap sa lalaki na kasama nito na may pilyong ngiti na naglalaro sa mukha nito.

"Lyka is he....?"  pabitin na tanong nito sa una.

"Ahmm....Kuya Troy s---si Luc ahm....ano...kasi" Lyka is blushing and it make her so beautiful in my eyes.

"Her boyfriend" mabilis na sambit ko saka nakipagkamay sa lalaki.

Narinig ko ang pagsinghap ni Lyka,

"B---boyfriend"  

Halata ang pagkagulat sa boses nito.

Bakit ba hindi eh we are just currently dating each other tapos ang tapang ng apog ko na ipangalandakan na kami na kahit hindi naman.

"Troy Brosas,  Lyka's cousin" nakangiting tugon naman nito na kinapanatag nang dibdib ko.

Tumingin ito kay Lyka at inakbayan.

"Una na ako couz, mukhang may date pa kayo ng boyfriend mo" halata ang panunukso ni Troy kay Lyka na mas ikinapula ng mukha nito lalo.

"Kuya Troy!"

Tatawa tawang nagpaalam na ito at naiwan na kaming dalawa.

"B---bakit ka nagsinungaling Luc?"

"Saan banda?" Nakakunot noo na tanong ko saka lumapit dito.

Hinaklit ko ang makitid na beywang nito at nagkalapit ang mga katawan namin.

Napatingala ito sa akin.

I prefer woman na kasing tangkad ko o kaya kaunti lang ang pagitan namin at si Lyka lamang ang dalagang dinate ko na hanggang dibdib ko lamang.

"Sa---"

"Di pa ba tayo?" Nakangiting tanong ko dito.

"T---tayo na ba?" Ganting tanong nito.

Ngumisi ako at mabilis na siniil ng halik ang malambot na labi nito.....

------------------------

"Oh shit! Late na ako!" Napapailing na wika ko habang nakatingin sa rolex watch ko.

Masyado kasi akong subsob sa trabaho na nakalimutan ko nang may usapan pala kami ni Lyka na magkikita.

Time is so fast na second year anniversary na pala namin dalawa at excited pa naman si Lyka sa mga plano naming gawin.

Naudlot na nga  ang plano namin na magpunta sa Bangkok para mag unwind last month.

At partly kasalanan ko kasi sangkaterba ang mga trabaho na dapat kong gawin.

So in a way dapat bumawi ako sa mga pagkukulang ko as her boyfriend.

Kinuha ko ang pulang kahita sa drawer ng desk ko at maingat na binuksan.

Napangiti ako ng maluwang nang ganap na tumambad sa paningin ko ang laman nito.

It was the beautiful diamond ring perfect for my sweet Lyka.

For two years na kami ni Lyka ay napaka smooth nang takbo ng relationship namin dalawa.

Di kami nag aaway na dalawa siguro kasi napaka bait ni Lyka at mapagpasensiya idagdag pa na nauunawaan nito ako sa sobrang pagka busy ko at nawawalan na ako ng time sa kanya.

Ika nga nito ganun din daw ang Daddy nya sa kanila pero palaging sinasabi daw ng Mommy nya na para daw sa kanila ng kapatid nya kung bakit kandakuba sa trabaho ang Ama nito.

At yun sa akin naman daw ay alam daw nya na gusto kong wag mabigo ang Daddy ko sa akin kaya naman nauunawaan nya ako kung bakit madalas ma cancel ang mga dates namin.

Kaya naman napakasaya ko at gusto na masemento na ang kung ano kaming dalawa.

I mean ako at siya ay mawawala na at ang maiiwan na lamang ay ang kami.

Ayaw ko na syang pakawalan pa....

Mahal na mahal ko sya at gusto ko na, na makasama sya sa habambuhay....

Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon