14

6.1K 145 5
                                    

Kipkip kipkip ang kumot na syang tanging saplot na nasa katawan nya ay inut inot na bumangon ako mula sa kama.

"Where are you going?" Malambing na tanong ni Luc na kinagulat ko at napasinghap pa ako dahil ang pagkakaalam ko ay mahimbing na natutulog pa ito.

Naramdaman ko ang init ng katawan nito mula sa likuran ko.

"L---luc!" Niyakap ako ni Luc mula sa likuran ko.

Ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko.

Sinubsob nito ang mukha nito sa pagitan ng leeg at balikat ko saka iniyakap ang dalawang braso sa bewang ko at pagkatapos ang pinaulanan ako nito ng mumunting halik sa leeg at pisngi ko.

"Smells so good.....so sweet..." bulong nito na lihim na kinahigit ng hininga ko.

Ramdam na ramdam ko ang nakakapasong init ng katawan nito na nakadikit sa likuran ko na nagdudulot sa pakiramdam ko ng mga nakakakilig na pamilyar na pakiramdam.

"G---get off me Luc!" Walang puwersa na wika ko dito at pumiksi pa ako para sana makalayo dito pero humigpit ang pagkakawak nito sa bewang ko at muli ay nagulat ako ng hinila ako nito pahiga at mabilis na kinubabawan ako nito.

Nagtama ang mga mata namin at nabasa ko sa mga mata nito fondness na sumungaw dito.

Agad na nag iwas ako ng tingin dahil nakaramdam ako ng pagkakilig at pagkapahiya pagkat muli ay sumagi sa isipan ko ang mga nangyari kagabi pagkatapos nya akong halikan sa tapat ng condo ko....

Nagpadaig ako sa nararamdaman ko na mali para kay Luc at hinayaan ko at ipinaubaya ko ang sarili ko dito.

Tinangay ng hangin lahat ng inhibisyon, galit at sama ng loob  na nararamdaman ko para dito, sa pamamagitan lamang ng mga halik nito muli ay binuksan nito ang nakapinid ng pinto ng puso ko at hinayaan na nakabukas ito para ganap na ipamukha sa akin na mahina ako.....

Na marupok ako....

Na isang halik, yakap napapawi na lahat ng di magandang nararamdaman ko para sa lalaki na ito....

Na nakakalimutan ko ang nangyayari sa paligid ko dahil natutuon lahat ng pansin ko dito....

Buong simpatiko na ngumiti ito na nagpawala sa tamang lugar nang puso ko....

"Nope...." sagot nito at saka humiga sa tabi ko at niyakap ako pahapit sa katawan nito.
"I want to be lazy today Lyka" anito saka pinugpog ako ng halik sa leeg at mukha ko.
"I just want to be with you today" bulong pa nito na naghatid ng kilig na naman sa puso ko.

Nagtagpo ang mga mata namin at unti unti na nilapit ni Luc ang mukha nya at ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang paglapat ng mainit na labi nito sa labi at muli ay nagpatangay na naman ako sa agos na likha ni Luc.....

---------------------


"Ma'm sorry po pero naka indifinite leave si Sir Jaime, di ko po alam kung kailan babalik si Sir Jaime" apolegic na sagot ng secretary ni Jaime nang muli ay tanungin ko ito kung pumasok na si Jaime.

Bumagsak ang balikat ko na nadinig gayunpaman ay ngumiti ako dito.

"Ganun ba? Pag tumawag ang Sir Jaime mo pakisabi na kailangan na mag usap kamo kami tungkol dun sa kasal namin" bilin ko dito.

"Opo Ma'm, ewan ko nga kay Sir Jaime bigla bigla nag leave eh malapit na po ang kasal nyo pa'no ako makakalafang n'yan ng madami wala pa s'ya" tumatawang sagot nito at pumilatik pa ang mga daliri.

Napangiti ako dito at nagpaalam na pupunta na sa opisina ko.

Habang naglalakad ako papunta sa opisina ko ay napatingin ako sa window glass saka marahan na nagpunta dun.

Tanaw na tanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang mga sasakyan na parang mga langgam.

Napangiti ako nang sumagi sa isip ko na dati nung bata pa ako ay naglalaro sa imahinasyon ko pag nakikita ko ang ganitong mga senaryo at nag iilusyon ako na ako ay ang reyna at tinitingala ng mga tao pag ganito na nakadungaw ako sa salamin at natatanaw ko ang mga nasa ibaba.

Sana ganun lang kadali na bumalik sa nakaraan na wala pa akong ganito kalala na problema.

Huminga ako ng malalim at saka muling naglakad papunta sa opisina ko.

Binati ako ng sekretarya ko na tinanguan ko naman saka pumasok na nang opisina ko.

Nang makapasok ako at makaupo sa swivel chair ko ay kinuha ko mula sa pangalawang drawer ang resgnation paper na ginawa ko nung isang linggo pa.

Napagpasyahan ko na na mag resign sa trabaho at muling bumalik sa Canada.

Gusto ko lamang na magkausap kami ni Jaime para makahingi ng tawad at magkaayos kami kahit man lang manatili kami bilang magkaibigan.

Wala na din naman akong balak na ituloy pa ang kasal kasi na realised ko na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa din akong pagmamahal kay Luc at unfair naman kay Jaime na ipilit ko pa ang sarili ko sa kanya gayung may nangyayari sa amin ni Luc.

Kay Luc na alam ko na walang maibibigay na kasiguraduhan sa kung anung meron kami.

Kaya naman napagpasyahan ko na na magpakalayu layo na lang ulit dahil alam ko na yun ang makakabuti para sa akin at kay Jaime siguro di kami ang nakalaan sa isa't isa....may ibang babae na mas karapat dapat dito.....

Napapikit ako nang muli ay makaramdam ng pagkaliyo....

Nahilot ko ang noo ko.

Ilang araw ko nang nararamdaman ito, pero ipinagwawalang bahala ko na lamang kasi  plano ko naman na pag nakabalik na ako sa Canada ay duon na lamang ako magpapatingin.

Napapitlag pa ako ng tumunog ang cellphone ko at nang mabasa ko ang pangalan ni Luc na syang tumatawag ay agad na pinindot ko ang end call saka muling bumalik sa tambak na papeles na nasa lamesa ko.....


Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon