01

15.4K 233 4
                                    

Agad na napangiti ako nang pagpasok ko sa kwarto ay nandun pa din si Lucas at himbing na himbing pa din sa pagtulog.

Marahil dala nang pagod at puyat sa trabaho nya.

Kadalasan kasi pag nasa apartment ko sya ay madaling araw pa lamang ay umaalis din agad sya.

Dahan dahan na humiga ako sa kama at mula sa likod nya ay maingat ko syang niyakap at malapad ang ngiti sa labi na dinikit ko ang mukha sa balikat nya.

"Hmm...why?" Pahinamad na tanong ni Lucas sa akin.

"Nothing Luc....I just wanna feel your warm body and sniff your masculine scent" malambing na sagot ko dito.

Humarap ito sa akin pero nanatili na nakapikit ang mga mata ni Lucas.
Kinabig ako nito papalapit sa dibdib nya at kinintalan ako nang halik sa noo ko.

Napapikit ako at naramdaman ko na tumalbog ang puso ko sa saya.

"I love you Luc....." malambing na bulong ko dito.

Wala itong tinugon pero naramdaman ko na humigpit ang pagkakayakap nito sa akin.

Napakasaya ko sa bawat araw na nakakasama ko si Luc.
Sa bawat yakap at halik na pinagsasaluhan namin na dalawa.

Naaalala ko pa two years ago nang nakipaghiwalay si Luc sa akin para pakasalan ang babaeng nabuntis nya.
Akala ko that time di ko makakaya pag iniwan nya ako pero nagawa ko at maluwag na tinanggap ko sa sarili ko na marahil di kami para sa isa't isa.

Pero four months ago ay muling nagtagpo ang landas namin na dalawa at nalaman ko na hiwalay na si Luc at ang Asawa nya although sa mata nang Batas at ng mga tao ay mag asawa pa din sila kasi di naman nag file si Luc o ang asawa nito sa korte para sa annulment.

Yung anak naman nila ay nasa piling ng Asawa nito at pag tinatanong ko si Luc about sa bata kung kamusta na ito kung ano ang progress nang anak nito ay palaging iniiba ni Luc  ang topic kaya naman di ko alam ang mga detalye sa anak nilang mag asawa.

Yun na nga nagkita kami sa party ng isang common friend namin at nagkuwentuhan kaming dalawa kasi kahit di sa maayos na paraan kami naghiwalay ni Luc ay di naman ako nagtanim nang galit o tampo man lang dito.

After nun ay wala na akong maalala pa at kinabukasan nagising na lamang ako na katabi sa higaan si Luc at masakit ang katawan ko lalong lalo na ang maselang parte sa pagitan ng mga hita ko tanda na may nangyari sa amin ni Luc at simula nun parang normal lang na bumalik kami nito sa dati nung kami pang dalawa ang may relasyon.

"Ahm....Luc gusto mo na sabay na tayong mag breakfast katatapos ko lang magluto?" Tanong ko dito.

Nagmulat ito agad ng mga mata at tumambad sa akin ang dalawang pares ng maiitim na mga mata.

"Breakfast?" Nakakunoot noo na tanong din nito sa akin na nakangiti ko naman na tinanguan.

Agad na napabalikwas ito nang bangon at pagkatapos ay walang pakialam sa sariling kahubaran na naglakad ito papunta sa Bathroom.

Bumangon na din ako at sumunod dito at pagkatapos ay kinatok ito sa pinto.

"Luc?" Tawag ko sa pangalan nito.

"Sorry Lyka may annual board meeting ang board at kailangan na nandun ako bilang ako ang President nila kaya di na ako makakasabay sa iyo sa pagkain" sabi nito.

Nanlumo ang pakiramdam ko sa tinuran nito pero agad na pinalis ko ito at pagkaraan ay muling nagsalita.

"It's okay Luc ihahanda ko na lang ang damit na isusuot mo okay lang ba?" Muli ay tanong ko dito.

"Thank you Lyka" sagot nito.

Umalis na ako sa tapat ng pinto ng bathroom at pumunta na sa may closet para ayusin ang isusuot ni Luc.

-------------

"Ma'm may call po kayo sa line 2" inporma  sa akin ng sekretarya ko.

"Thank you bumalik ka na sa ginagawa mo ako ng bahala dito" nakangiti kong sagot dito.

Tumango naman agad ito at isinara na ang pinto.

Agad na dinampot ko ang receiver para sagutin ang tawag.

"Lyka Brosas speaking may I know who's on the line please?"  Tanong ko agad.

"Are you free Lyka this night?" napahigpit ang hawak ko sa telepono pagkadinig ko sa baritonong boses na yun.

"Luc ikaw pala!" Masayang bulalas ko. "Of course para sa iyo libreng libre ako"

Napatawa nang mahina si Luc mula sa kabilang linya.

"Then I see you later this evening papasundo na lang kita sa driver ko" yun lang at binabaan na ako nang telepono nito.

"Eh? Wait lang di mo pa---" napapailing na natitigan ko na lamang ang teleponong hawak hawak ko.

Tignan mo itong lalaki na ito di man lang sinabi kung bakit nya ako gusto na makasama mam'ya at kung saan nya ako dadalhin......pero okay lang basta ang importante makakasama ko si Luc mamayang gabi kami lang dalawa.....kinikilig na naisip ko at sukat sa isipin na mamaya ay magkikita kami ni Luc ay masaya ko nang binalikan ang gatambak na trabaho ko.....



Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon