"Fucking shit!" Anas ko saka napasuntok sa manibela ng sasakyan ko nang matanawan ko si Lyka na inaalalayan ng isang lalaki papasok sa may restaurant.
Kanina kasi ay papunta na sana ako sa bahay nito para bisitahin pero nagtaka ako ng makita ko si Lyka na sumakay ng taxi kaya naman sinundan ko ito at eto nga at nanggigigil ako sa inis kasi may kasama si Lyka na lalaki at mukhang nag eenjoy syang kausap ito....
Napasubsob ako sa manibela habang ang mga mata ko ay hindi tinatantanan si Lyka at yung gagong lalaki na yun.
Nang mapansin ko na tumayo na yung lalaki at saka lumabas ng restaurant at naiwan si Lyka ay dali dali akong bumaba sa sasakyan at pumasok sa restaurant....
------------------
"Hey......" nag angat ng tingin si Lyka at naramdaman ko na sumirko ang puso ko sa di malaman na dahilan.
"L---luc" nagulat man ito ay nakita ko agad ang lumarawan na galak sa mukha nito.
That's what I want to see..... anang isip ko.
Umupo ako sa harapan nito.
"Ahm...Luc nakauwi ka na pala" Lyka is trying to hide her excitement pero di ito nagtagumpay kasi ramdam na ramdam ko na tila sya nasasabik sa presensiya ko.
Yeah...that's it Lyka miss me too as much as I miss her so much...
"Yes now that I've finally finished my studies I will stay for good here para imanage ang business namin" At para din sa iyo... bulong ng puso ko.
Tumango tango ito at saka lumingap sa paligid na tila may hinahanap.
"What is it?" Kunwari ay wala akong kaalam alam na may ka date sya.
Ngumiti ito ng matamis sa akin.
"Ah si Troy my date, sina Dad at Tito Thomas they set up this date sa amin ni Troy" sagot nito sa akin.
This time ako naman ang ngumiti saka hinawakan ang palad nito na nakapatong sa mesa at saka dinala sa labi ko.
Namula naman ito pero di naman nagalit sa ginawa ko.
"I miss you Lyka" sabi ko dito.
Natigilan ito at saka mabilis na tinanggal ang kamay nya sa palad ko.
"Thank you Luc...pero kasi you see m--may ka date ako ngayon so if you may....?" Di direktang pagtataboy nito sa akin.
Napatiim bagang ako at parang gusto kong sapakin ang ka date nito pero ayaw ko naman na magalit si Lyka sa akin kaya naman nagkunwari ako na naiintihan ang huli kahit hindi.
"Okay but not after this....." nakangiting akma na sanang tatayo ako nang bigla kong kabigin ang ulo nya at siilin ito ng mapusok na halik.
Tinulak nito ang dibdib ko at binuka ang bibig para magprotesta na agad naman na sinamantala ko pang lalo.
Pinasok ko na ang dila ko at buong pusok na ginalugad ang loob ng bibig nito.
Pilit pa din na nagpumiglas ito pero makaraan ang ilang sandali ay tinutugon na din nito ang halik ko na mas lalo pang nagpalakas ng loob ko, mas lalo pang nilaliman ko ang paghalik dito.
Tunog nang nabasag na baso ang pumutol sa halik na pinagsasaluhan namin.
Humihingal na naglayo ang mga labi namin saka kapwa tumingin sa pinanggalingan ng nabasag na baso.Nakita namin ni Lyka ang ka date nya na nakanganga at tila di makapaniwala sa nasaksihan na paghahalikan namin ng una.
Lihim na napangiti ako at sabik na hinintay ang sunod na mangyayari..
Tumayo si Lyka at lumapit kay Troy.
"T--troy please let me explain first before you react" bakas ang pagkataranta sa maamong mukha nito.
Matalim ang mga mata na nakipagsukatan ng tingin sa akin si Troy na di ko naman inurungan.
Ngumisi pa ako dito na kinatagis ng bagang nito.
Kuyom ang mga kamao na humarap ito kay Lyka.
"Sorry Lyka mauna na ako sa iyong umuwi" anito at saka matalim pa din ang mga mata na muling humarap sa akin. "sana maging masaya ka na ngayon" wika nito at walang lingon likod na umalis ito sa harapan namin ni Lyka.
"Troy wait!" Mukhang hahabol pa si Lyka kay Troy kaya naman agad na hinawakan ko ang braso nito at hinila para muling maupo.
"L---lucas!" Ngumiti ako dito ng ubod ng tamis at saka inakbayan ito.
"Now is just you and me" bulong ko at saka mabilis na hinalikan ito sa noo.