26

5.4K 107 0
                                    

"You look excited" puna ko kay Lyka nang lumingon ako dito saglit habang naka stop light pa.

Ngiting ngiti ito na nakatingin sa singsing na nasa daliri nito.

Nag angat ito nang tingin at mabilis na hinalikan ako sa pisngi.

"I love you Luc" malambing na wika nito at humilig sa dibdib ko.

Tila muli na naman nagluksuhan ang mga paru paro sa tiyan ko.

Napangiti  ako at dinampian ng halik ang malambot na buhok nito.

Nagpatuloy naman ako sa pagmamaneho.

Kasalukuyan papunta kami sa wedding coordinator para asikasuhin ang kasal namin dalawa.

"Luc...."

"Hmm...."

"Thank you....kasi....sa wakas malapit na tayong ikasal na dalawa" anito.

"Don't thank me Lyka, it's my obligation" sagot ko dito.

And my pleasure....and my dream to be with you....forever....anang puso at utak ko.

Di na ito kumibo pero naramdaman ko na humigpit ang pagkakakuyapit nito sa polo ko.

_______________

"Uy, kailan ang bachelors party?" Tanong ni Pierro sa akin.

"Tsk.....kailan kamo ang bigti day nitong pinsan natin" singit ni Kuya Percy.

Kasalukuyan na nasa paborito bar kaming tatlo.

Napangisi naman ako sa magkapatid.

"Naku wag mong pansinin yang si Kuya Percy, asar lang yan kasi naunahan pa natin na magpatali" natatawang sambit ni Pierro.

Kakakasal pa lamang nito sa childhood sweetheart nito ten months ago.

"Will you shut up your big mouth Pierro!" Angil dito nang naiinis ng si Kuya Percy.

"Why totoo naman ah! si Lucas malapit nang ikasal, ako katatapos lang magpakasal...kayo ni Ate Jennifer malapit nang....?" Isang batok ang naging sagot ni Kuya Percy dito.

"Aray naman Kuya Percy!" Angal ng nakangiwing si Pierro.

"Pakatandaan mo ito Pierre, walang forever kasi inangkin ko na ito at isineal nang bonggang bongga tapos isunuksok ko na sa bulsa ko para walang makaangkin na iba kaya ikaw" turo nito sa kapatid tapos bumaling sa akin. "At ikaw din malapit na kayong lumuha ng blood" anito saka iniungusan kaming dalawa.

"Ay grabe si Kuya Percy oh!" Nakasimangot na wika ni Pierro.
"Bitter kasi... " bulong nito.

Napabunghalit ako nang tawa sa magkapatid.

"Okay tama na yan bonding time natin tatlo ito kaya dapat magsaya na lang tayo it's boys night out so cheers!" Sabi ko saka itinaas ang baso ko na may lamang alak.

Agad naman tumalima ang dalawa.

"Cheers!" Sabay sabay na sambit namin at mabilis na ininom ang lamang alak nito.

__________________

"Sir Lucas...." agad na nag angat ako ng tingin nang madinig ko ang pagtawag ng secretary ko sa akin.

"Yes?"

"Tumawag po ang secretary ni Doc wag nyo daw kalimutan yung appointment daw n'yo po kay Doc Salazar mamayang four" anito.

Napatapik ako sa noo ko sa sinabi.
"Ay oo nga nakalimutan ko na yun ah thanks Cindy, paki confirm na pupunta ako sa kanya" sagot ko dito.
Tumango ito at nagpaalam na at muling naiwan ako sa opisina ko.

Si Doctor Salazar ang company doctor namin at naging kaugalian na ng kumpanya na ipa health check lahat ng empleyado mula sa may pinakamababang pwesto hanggang sa mga executives taun taon.

Dapat last week pa ako nakapag pa check up kaya lang na busy kasi ako sa pag aasikaso sa nalalapit na kasal namin ni Lyka at sa tambak na trabaho kaya naman nakalimutan ko na ito.

______________

"Are you kidding me Doc?" Di makapaniwalang bulalas ko.

Katatapos pa lamang sabihin nito ang resulta nang check up ko.

Puno ng simpatya na umiling ito.

"I'm sorry it was the laboratory result na ginawa namin makailang beses pa na ipinaulit ko ito pero ganun pa din ang result.... Mr. Torres you have leukemia pero
kahit nasa stage one pa lamang kayo ng sakit nyo na leukemia ay  dapat as soon as possible  ay agapan na natin" anito.

"No....it's impossible bakit di ko naramdaman na may sakit na pala ako, no syptoms, no strange feelings none whatsoever?" Umiiling na tanong ko dito.

Ayaw pa din na tanggapin ng utak ko ang sinabi nito na sakit ko daw.

"Mr. Torres marami talagang pagkakataon na di agad nararamdaman ng mga pasyente may ganyang sakit na sila o kaya nararamdaman na pala nila pero ipinagwawalang bahala na lamang nito kasi madalas naiisip nila...mo na wala lang yun na nagugutom ka lang kulang sa tulog o kaya dala lang ng stressed" paliwanag nito.

Biglang sumagi sa utak ko ang mga pagkakataon na parang nakakaramdam ako nang fatigue, nahihilo din ako at minsan parang lalagnatin ako pero ipinagkikibit balikat ko lamang tapos iinuman ko lamang ito ng fresh orange juice dahil ayaw ko talagang mag take ng medicines magmula nun bata pa ako.

Ramdam ko ang pamamasa ng sulok ng dalawang mata ko.

"Bakit ngayon pa? Doc malapit na ang kasal ko please help me Doc!" Pakiusap ko dito saka hinawakan ang braso nito.

Paano na ang kasal ko?

Paano na si Lyka?

Tumango ito at tinapik tapik ang braso ko.

"Makakaasa ka may kilala ako na magaling na Hematologist irerefer kita sa kanya pero siguro dapat ipagpaliban mo muna yung kasal mo para mas matu----"

"No!" Mariin na pagtutol ko.

Ang isipin na hindi matutuloy ang kasal ko, namin ni Lyka ay tila nagpapasikip sa dibdib ko.

Lalaban ko ang sakit ko at maikakasal kami ni Lyka at bubuo kami ng masayang pamilya.

Bumuntunghininga ito at saka tumango tango.

"I understand" puno nang pag unawa na sagot nito....

Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon