03

8.3K 208 20
                                    

Masusi kong sinusuri ang beef steak na balak kong bilhin at ihanda para mamayang gabi.

Sa bahay ko kasi kakain si Luc kaya naman excited ako at di magkadanugaga sa pamimili ng ihahain ko sa kanya mamaya.

Kahit naman dati pa bago sya nakipag break sa akin bago nya pakasalan ang babae na yun.....

Agad na pinilig pilig ko ang ulo ko at winalis sa isipan ang babae na yun,

Dapat happy lang ako at iwasan ang stress para naman di ako magka wringles, ang bata bata ko pa para ma stress kakaisip sa mga bagay na wala na akong magagawa at di ko na maibabalik o maitatama pa.

Nang ma satisfied ako sa quality ng steak na hawak ko ay agad na nilagay ko na ito sa basket na dala dala ko at akma na sanang pupunta sa vegetable section nang matigilan ako sa makakasalubong ko.

Natigilan din ito pero pagkaraan ay ngumiti ito sa akin nang nakakaloko.

"Gwen...." usal ko.

Ang babae na nasa harapan ko ngayon ay walang iba kundi ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay dati ni Luc.

Aaminin ko lihim na nagseselos ako sa angking ganda nito.
Kahit kasi stripper ang trabaho nito ay napakaganda nito na di na kailangan ng make up, matangkad din ito na abot hanggang leeg ni Luc, samantalang umabot lamang ako hangggang balikat nang huli.

Hindi din halata na nanganak na ito sapagkat napanatili nito na sexy ang pigura nito na halata sa suot nito na asul na sleeveless summer dress na umabot lamang sa kalahati nang hita nito.

Samantalang ako nakapolong puti at slacks na itim lamang sapagkat kagagaling ko lamang sa trabaho.

"Oh hi Miss Lyka" bati nito sa akin saka tinignan ang basket na dala dala ko.
"Mukha yatang madami kang pinamili ah? Pakakainin mo ba ang Asawa ko n'yan?" Malakas ang boses na tanong nito na kinatingin ng mga tao na namimili.

"Gwen, wag dito" mahinang awat ko dito.
Napapahiya na ako lalo't nagsisimula nang magbulungan ang mga tao sa paligid namin.

"Bakit tinatanong lang naman kita ah!" Depensa nito.
"At saka karapatan ko lang naman na magtanong kasi Asawa ko naman ang tinatanong ko bakit mo ako pipigilan" ayaw paawat na dagdag pa nito.

"Mauna na ako" akma na sanang tatalikod ako nang hawakan ako ni Gwen sa braso ko.

"Teka di pa ako tapos Lyka" lihim na napaigik ako sa sakit sapagkat bumaon ang matutulis nyang kuko sa balat ko.

"Gwen bitiwan mo ako" pakiusap ko dito.
Gusto ko nang umalis at iwan ang lugar na iyon bago pa makagawa kami ng eksena.

"Gusto lang kitang balaan Lyka na ang akin ay akin ibig sabihin ang Asawa ko ay sa akin lamang, maaaring nasa iyo s'ya ngayon pero sa huli kami pa din nang anak nya ang uuwian nya, iniwan ka nga niya dati di ba para pakasalan ako,
Ikaw na matagal na nyang girlfriend sa akin na nakilala lamang nya sa stag party" nang uuyam na bulong nito sa akin.

Agad na bumugso ang damdamin ko sa sobrang sakit pagkaalala nang nangyari dati at malakas na naitulak ito.

"Aray!" Naiiyak na daing nito na agad naman na dinaluhan ng mga ginang na namimili din dun at nakatingin sa amin.

"I--I'm sorry" akma na lalapit ako nang lumayo si Gwen sa akin.

"Lumayo ka sa akin ang kapal nang mukha mo na saktan ako! Ikaw na nga ang kumabit sa asawa ko ikaw pa ang matapang ganyan na ba ang mga kabit ngayon mas matatapang pa kaysa sa mga tunay na asawa!" Sigaw nito sa akin.

Napalunok ako nang sunod sunod at napapailing na lamang.
Napaatras din ako dahil natakot ako sa mga nang uusig na mga mata na nakatingin sa akin.

Nagmamadaling tumalikod ako at nilisan na ang Grocery Mart na yun......

---------------

Kanina pa nakahanda ang mga pagkain na hinanda ko para kay Luc pero wala pa din ito.

After nang scene kanina sa grocery mart na yun ay pumunta na lamang ako sa wet market na malapit dun at dun na lamang namili ng lulutuin ko.

Naiiyak na tumingin ako sa wallclock at nalaman ko na mag aalas onse na pala nang gabi.

Malamang di na s'ya dadating.... masama ang loob na tumayo na ako at akma na sanang magliligpit nang bigla ay bumukas ang pinto nang unit ko at pumasok si Luc.

"Luc!" Bulalas ko at akma na sanang lalapit dito nang makita ko ang madilim na mukha nito.

Napahinto ako at agad na kinabahan.

"Pinahiya mo daw si Gwen sa mall kanina" umpisa nito.

Napalunok ako dahil di na nga halos makahinga sa kabang nadarama ko sa mga sandali na yun.

"Luc magpapaliwanag ako----" napaigik ako nang hawakan nya ang braso ko na hinawakan kanina ni Gwen at mariin na pinisil.

"You...have...no... right....to ...humiliate my Wife!" Mahina pero madiin ang pagkakasabi nito sa akin.

Napatulala na lamang ako na napatingin dito.
Paulit ulit na umeecho sa pandinig ko ang mga katagang binitiwan nya.

Agad na binitiwan nya ako at pasalampak na napaupo na lamang ako sa sahig.

Di pa din ako makapaniwala sa mga katagang namutawi sa bibig nito.

Napatitig ako sa sahig na kinauupuan ko at nagsimula nang bumalong ang mga luha sa mga mata ko.

"Lyka....." naramdaman ko na hinawakan ako ni Luc sa braso ko pero marahas na pumiksi ako.


"Get out..."  mahinang pagtataboy ko dito.

"Lyka...."


"I said get out! Out! Out" Sigaw ko  dito na di pa din tumitingin dito.

"Lyka look----" sa galit ko ay dinampot ko ang lampshade at binato dito na mabilis naman na nailagan nito.

"Get out of my house and get out of life!" galit na galit na sigaw ko dito at gigil na dinampot ang flower vase at binato ulit dito.

"Look Lyka, I'm sorry di ko sinasadya" hingi nito nang paumanhin pero wala na akong balak pa na pakinggan sya.

Patuloy na nagsusumigaw sa utak ko ang mga kataga na binitiwan nya pati na din ni Gwen at ang kasalukuyan na katayuan ko sa buhay ni Luc.

"Lumayas ka dito at wag ka nang magpapakita pa sa akin kahit kailan!" Sigaw ko dito at patuloy na binabato ito nang lahat nang mahawakan ko.

Nakataas ang mga kamay na umatras ito.

"Okay Lyka aalis ako ngayon pero mag uusap ulit tayo pag kumalma ka na" anito at saka nagpunta na sa may pinto at lumabas.

Nang makaalis ito ay napasalampak akong muli sa sahig at naglupasay nang iyak.

Napakasakit nang nararamdaman ko ngayon na gusto ko nang matunaw na lamang sa kinasasalampakan ko ngayon para mawala na lahat ang sakit na nararamdaman ko...

It's over...it is really over .....naiiyak na wika ko sa sarili ko at isang pasya ang agad na nabuo sa isipan ko.....





Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon