Natigilan ako sa pagbibihis ng mapansin ko ang pasa sa braso ko.
Ang sando na dapat ay isusuot ko sana ay dali dali kong hinubad at initsa sa kung saan.
Saka dinampot ang puting longsleeve ko,
As much as possible ayaw ko na makalahata ang pamilya ko lalung lalo na si Lyka na may iniinda akong sakit.
Kung maaari hangga't kaya ko na itago at ilihim ang kalagayan ko sa mga mahal ko sa buhay para hindi sila mag alala ay gagawin ko.
Anyway nagkausap na naman kami ni Dr. Lustre ang hematologist na rinekomenda ni Dr. Salazar at malaki ang tsansa na gumaling ako pag nakahanap ako ng bone marrow donor kaya naman habang naghihintay ako ay sumasailalim ako sa mga treatment ni Dr. Lustre, kahit masakit ang mga tusok ng karayom ang paulit ulit na series of test na ginagawa nito ay buong puso ko na tinitiis para gumaling ako at maikasal kay Lyka ay gagawin ko.....
"Hijo....."natigil ako sa paghakbang papunta sa library nang marinig ang pagtawag ni Mommy sa akin.
Humarap agad ako dito at lumapit saka mabilis na hinalikan ang pisngi nito.
"Mom" malambing na inakbayan ko ito.
"Nakausap ko na si Glen" tukoy nito sa manager ng isa sa mga restaurant namin.
"Really Mom?" Tumango ito sa akin kaya naman nayakap ko ito ng mahigpit.
"Yes my son and I will make sure na ubod ng ganda at bonggang bongga ang wedding reception ng binata ko afterall minsan ka lang ikakasal right?" Nakangiting tumango ako dito.
Tama si Mommy minsan lang ako ikakasal at sa babaeng pinakamamahal ko pa kaya naman gagawin ko ang lahat para ibigay at gawing espeyal ang napakahalagang araw na para sa aming dalawa ni Lyka....
"Yes Mom!" Mabilis na sagot ko.
"Good wag kang magmana sa Ama mo ang tagal bago na realised na ako ang dapat na makasama nya habambuhay" nakairap na sabi nito sa Ama ko na papasok pa lamang mula sa pintuan.
"Mahal naman" napapakamot na lumapit si Dad sa amin at mabilis na hinalikan si Mom sa pisngi.
Bahagya akong lumayo para mayakap naman ni Dad si Mom.
"Matagal ko nang alam na ikaw talaga ang para sa akin at kasama kong tumanda kasi patay na patay ka sa akin gayun din ako sa iyo matagal na, katunayan ay wala tayong Lucas at Dawn di ba?" Mayabang na saad nito at kumindat pa kay Mom.
"That's not true!" Namumulang tanggi nito pero tinawanan lamang namin ni Dad ito.
Ilang saglit pa ay nagpaalam na ako sa mga ito para naman makapagsarilinan ang mga ito at nagtuloy na ako sa library.
___________________
"Dr. Lustre" nakipagkamay agad ako sa doktor ko na agad na tinanggap nito.
"Please have a seat Mr. Torres" anito na agad na sinunod ko naman.
Pinapunta nya kasi ako dito sa clinic nya dahil ang sabi nya ay nakahanap na sya nang perfect match ko kaya naman nagmamadaling pumunta na agad ako sa kanya.
Nang nakaupo na ako ay pumasok ang secretary nito kasunod ang isang matangkad na babae.
"Mr. Torres meet Ms. Gwen Juan ang nag match na perfect bone marrow donor mo" nakangiting wika ni Dr. Lustre.
Di ko napigilan ang sarili ko at agad na napatayo ako sa kinauupuan ko at nayakap ko ang dalaga ng mahigpit.
"Thank you Ms. Juan di pa man, you don't know how much it is meant for me! Thank you! Thank you!" nagningning ang mga mata na pasasalamat ko dito.
Nag blush naman ito at kiming ngumiti.
Pinagmasdan ko ito.
Maganda ito pero para sa akin si Lyka ko pa rin ang pinakamagandang babae bukod kay Mommy at kay Dawn.
"Maiwan ko muna kayong dalawa para magkakilanlan kayo nang mabuti" pagpapaalam ni Dr. Lustre at iniwan kaming dalawa ni Ms. Juan sa loob ng clinic.
"Mr. Torres...." alumpihit na lumayo ito sa akin at namintana.
"Yes Ms. Juan....oh about the payment don't worry I'll pay kahit magkano pa just name your price" wika ko dito.
"Kasi po Mr. Torres....sorry po pero umaatras na po ako kasi...." napahikbi ito.
Agad na nabahala ako kasi heto na sa harap ko ang magpapagaling sa sakit ko tapos mawawala pa!
"P--pero I need you please think about it" nagsusumamo na pakiusap ko dito.
"Pasensiya na po Mr. Torres pero kasi....kasi po b---buntis po ako! kaya po hindi ko po....patawad" sabi nito na nakapagpahina sa mga tuhod ko.
"P---pero kung makapaghihintay ka ng isang taon b--baka...."
"I'm willing to wait Ms. Juan!" Maagap na sagot ko.
Kahit pa gaano katagal basta gumaling lamang ako at makasama ko ng matagal si Lyka ay gagawin ko.....