04

7.2K 190 6
                                    

"Lyka?" Awtomatikong nabalik sa kasalukuyan ang diwa ko at alanganin na ngumiti kay Jaime.

"Y---yes ano nga ulit yun?" Tanong ko dito.

Jaime heave a sigh and smile tenderly and held my left hand.

"Ang sabi ko katatawag lamang ni Maggie gusto nya na makipag meet tayo sa kanya para makita mo na ang invitation card na pinagawa natin at para maipakita na din sa atin ang venue nang gaganapan ng reception nang kasal natin" anito.

"Really tapos na agad?" Nagtataka kong tanong dito kasi last week lamang kasi ako nakapag decide kung ano ang magiging design nito tapos may finish product na agad.

Muli ngumiti si Jaime sa akin.

"Actually kinulit kulit ko talaga si Maggie na tapusin na agad yung pag piprint ng invitation natin" pag amin nito sabay kamot sa batok niya.

Di ko naman mapigilan na di mapangiti kasi kitang kita ko na talagang gusto ni Jaime na madaliin na ang pagpreprepara sa kasal namin para matapos na ito.

"Then para di masayang ang effort mo sa pagkulit kay Maggie ay pumunta na tayo sa meeting place natin" natatawang tumayo na ako at saka marahan na hinila patayo si Jaime sa kinauupuan nito at umangkla sa braso nito at ilang saglit pa ay magkasama na kaming umalis para katagpuin si Maggie.

Our Wedding Coordinator....

__________________

"Are we late?" Apolegic na tanong ko agad kay Maggie pagkalapit na pagkalapit namin ni Jaime dito.

Medyo naipit kasi kami sa traffic isa ay hinanap pa namin itong restaurant na syang meeting place namin.

Natawa naman ito saka nakangiting umiling.

"Nope" anito saka nakipag beso beso sa aming dalawa ni Jaime after that ay sabay sabay na kaming naupo na tatlo.

Nilinga ko ang paligid ko at di ko maiwasan na di mapahanga sa ganda ng interior design ng restaurant na kinaroroonan namin.

"You like it here?" Nilingon ko si Maggie na nakangiti sa akin.

Tumango naman ako bilang tugon.

"Gusto ko din itong restaurant na ito" singit ni Jaime.
"Isa pa ang hirap hanapin ng lugar na ito ha buti na lamang kapangalan ito ng future wife ko kaya naman talagang pinagtiyagaan ko na hanapin ito" dagdag pa nito na kinatawa namin pareho ni Maggie.

Well totoo naman ang sinabi nito na kapangalan ko nga ang restaurant na ito which is alam ko na coincedense lamang.

"I don't blame the two of you kasi naman kaka open pa lamang nitong restaurant na ito two years ago isa pa medyo malayo ito from the metro kaya di pa ito masyadong sikat but masasarap ang mga pagkain nila dito plus their service is superb and this place is good na venue ng reception ng kasal nyong dalawa base on location and the capacity of this resto to hold this kind of event" paliwanag ni Maggie.

Kapwa kami nagkatinginan ni Jaime at pinisil nito ang kamay ko kaya naman napangiti ako dito.

Jaime is so nice to me,

He is the perfect epitome of male species, simple, nice, and a gentleman inside and out.

And I think our marriage life will be perfectly blast!

"So it's a yes?" Nasasabik na tanong ni Maggie sa aming dalawa.

Muli nagkatinginan kaming dalawa ni Jaime and after that ay seryoso ang mga mukha naming dalawa na tumingin kay Maggie.

Napapalunok naman na naghintay ito ng isasagot namin kaya naman ng kapwa kami tumango ni Jaime ay napapalakpak ito sa tuwa at saka tumayo at pumunta sa likuran naming dalawa saka kami niyakap.

"Thank you, thank you promise you never regret na pumayag na dito ganapin ang reception ng kasal nito and I will make sure na perfect ang lahat lahat" sabi nito.

"Of course we already know that kaya nga ikaw ang kinuha namin ni Lyka na wedding coordinator because of your perfect and beautiful track record" ani Jaime.

"Oh Jaime" tanging naitugon lamang ni Maggie.

"Tama si Jaime Maggie, you are in charge sa kasal namin kasi alam namin na gagawin mo lahat para maging perfect ito because it was you Maggie kaya tiwala kami" segunda ko naman.

"Oh Lyka" anito at niyakap ako nito nang mahigpit. "Thank you for trusting me talaga" dagdag pa nito and after that she sat on her chair na katapat lamang namin ni Jaime.

"Anyway I think paparating na ang may ari ng Lyka's" tukoy ni Maggie sa pangalan ng restaurant.
"Maganda na magkausap usap na tayo para ma settle na ang venue nang kasal nyong dalawa" sabi nito na agad naman na tinanguan namin ni Jaime.

Mainam na din yun para wala nang aberya at matapos na agad ang usapan.

"Oh...he's here na pala" turo ni Maggie sa likuran namin kaya naman agad na lumingon ako na kaagad kong pinagsisihan ng makilala ko ang papalapit na pigura.

Lucas......

Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon