"Wait lang Lucas" hinawakan ni Pierro ang braso ko at may itinuro.
"Ano na naman? naku Pierro ha inaabala mo ako eh" angal ko dito sa magaling na pinsan ko.
Kailangan na kasing magawa ko na ang Thesis ko dahil bukas na ang pasahan tapos nangangalahati pa lamang ako gawa nang nakalimutan kong gawin.
Naku panigurado lagot ako kay Mommy pag nalaman nya.
"Look oh si Miss Campus Queen!" Turo nito sa papadating na dalaga at sa pagkagulat ko ay tinulak ako nito papunta sa dalagang papasalubong naman sa akin.
"Ay!" Tili nito pero maagap na nahawakan ko ang beywang nito.
Nagtama ang mga mata namin at tila nahinto ang oras sa pagitan naming dalawa.
Isang malakas na sipol ang pumukaw sa aming dalawa kaya naman kapwa kami pinamulahan ng mukha at tila napapasong naghiwalay.
"T----thank you sa pagsalo sa akin" anito.
"Wala yun ako nga ang may kasalanan kundi lang ako naitulak...." matalim ang mga mata na tinignan ko si Pierro na nasa gilid ng puno dalawang metro ang layo sa amin at ngumisi lang.
Kiming ngumiti ito at saka nagsimula nang damputin ang mga nahulog na mga gamit.
Agad na tinulungan ko ito at sa kamamadali ko ay nagkauntugan pa kami ng ulo.
"Aray!"
"Ouch!" Magkapanabay na daing namin at bigla ay nagkatawanan kami ng malakas.
Ilang sandali pa ay muli na pinagtulungan namin na samsamin ang mga gamit nya.
"Lucas Torres" pagpapakilala ko at inilahad ang palad ko dito.
"And you are?"Namula ang magkabilang pisngi nito which I find cute and adorable.
"L---lyka Brosas" kiming ngumiti ulit ito at nakipagkamay ito sa akin.
Ngumiti ako at dinala sa bibig ko ang kamay nito at hinagkan.
"Nice to meet you" nakangiti din na wika ko dito.
-------------------------
Excited at di mapakali ako sa pagkakaupo ko sa driver seat habang hinihintay na lumabas si Lyka mula sa bahay nila.
This is our first date kaya naman mula pa kagabi ay di na ako mapalagay.
Nang makita ko na malapit na ito sa may gate ay agad na lumabas ako ng sasakyan at inalalayan ito.
"Good Evening kanina ka pa?" Tanong nito.
Umiling ako at hinagkan ang pisngi nito.
Napasinghap ito at namula pero di na ito kumibo pa.
We spend the night together watching movie and eating in a fine dining restaurant na ang mga magulang ko lang naman ang nagmamay ari.
Pero it doesn't mean na nalibre na kaming dalawa kasi sariling pera ko ang ginamit ko para sa date namin ni Lyka.
We owned chains of restaurant na balang araw ay kami ni Dawn na kaisa isa kong kapatid ang mamahala kaya naman ngayon pa lamang ay tumutulong na ako kay Daddy sa pamamalakad nito.
"See you tomorrow?" Nakangiting tanong ko dito.
Nakangiti naman na tumango ito.
Niyakap ko ito sa pagkagulat nito."Bye" pagpapaalam ko dito.
"Bye, bye" tugon nito.
Mabilis na hinagkan ko ang mapupulang labi nito at binitiwan na ito saka naglakad na papunta sa sasakyan ko.
-----------------------
"Kuya Lucas!" Agad na napangiti ako pagkakita sa kapatid ko na si Dawn kasama ang mga kaibigan nito.
Mabilis na naglakad ako papalapit sa kanila.
Niyakap agad ako ni Dawn kaya naman napapangiti na nahaplos ko na lamang ang buhok nito."Namiss agad ako ng Baby Sister ko?" natatawang tanong ko dito.
"Ako Kuya Lucas namiss kita" singit ni Mavix.
"Talaga?" Nakangiting tanong ko dito.
"Oo kaya, kasi naman nun umalis ka para mag masteral dun sa US lagi na lang akong nakakayag nila Dawn kung saan saan kasi wala ka daw" sumbong nito.
Sinabutan ito nina Dawn at Avi habang piningot naman ni Catherine ang kaliwang tenga nito.
"A---aray Kuya Lucas help me" pagmamakaawa ni Mavix.
"Girls tama na yan kawawa naman si Mavix" natatawang awat ko sa tatlong dalaga.
Nakasimangot naman ang tatlo na sumunod sa utos ko at linubayan na nila si Mavix.
Lumapit agad si Mavix sa akin at niyakap ako.
"See Kuya Lucas kinakawawa nila akong tatlo buti na lang talaga nandito ka na Kuya" sabi nito.
Napatawa na lang ulit ako kasi eighteen na silang lahat pero kung mag aasta para pa ding mga bata.
"Kuya Lucas dahil nakauwi ka na dapat ilibre mo kaming apat" nakangiting biro ni Avi sa akin.
"Di ba dapat ako ang ilibre nyo kasi balita ko naka platinum album daw kayong apat" ganting biro ko dito.
Ngumisi ito at saka lumingon kay Dawn.
"Oy Kat Kat yun Kuya Lucas natin nagpapalibre oh" ani Avi kay Catherine.
"Sige ba pero kwek kwek at sago't gulaman lang ha Kuya Lucas mahirap kumita ng pera eh" nakangiting tugon naman ni Catherine.
Napapailing na tumango na lamang ako sa kalokohan ng apat at ilang sandali pa ay nilisan na namin ang Airport.
Habang nasa daan lulan ng sasakyan at sa kabila nang ingay na dulot ng harutan ng kapatid ko at mga kaibigan nito ay naiisip ko si Lyka at ang nausyami na namumuo naming pagtitinginan dahil kailangan na mag aral ako sa Amerika.
Pero ngayon na nandito na ulit ako ay itutuloy ko na ang naudlot namin na relasyon....