Humihingal na umalis ako sa ibabaw ni Lyka at saka kinintalan ng halik ang tungki ng pawis na ilong nito.
Katatapos lamang namin na pagsaluhan dalawa ang isang mainit na pagniniig.
And as usual it was intense and passionate love making na tanging kay Lyka ko lamang nadarama....
My future wife is perfect na minsan ay naiilang ako na magkamali at baka sumama ang loob nito sa akin nang di ko alam.
Ayaw ko pa naman na mangyari na bigyan ng kahit konti man lang na sama ng loob ito....
"I love you Luc..." malambing na wika ni Lyka na yumakap pa sa bewang ko at sumubsob sa dibdib ko.
Napangiti ako at saka kinabig ito para mas madama ko ang malambot na katawan nito.
I love you too so much.... gusto kong sabihin din pero pag tatangkain ko na na isambulat ang mga salita ng pagmamahal ay tila nabibikig ang lalamunan ko at ubod ng lakas na rumirigodon ang dibdib ko...
Ilang saglit pa ay naramdaman ko na na natahimik si Lyka at nang tignan ko ito ay napangiti ako nang makita ko na himbing na himbing na ito sa pagtulog.
Mabilis na hinalikan ko ang malambot na labi nito saka maingat na bumangon at tinungo ang salas kung saan nagkalat ang mga damit namin ni Lyka....
Isa isa kong pinulot ang mga ito at tiniklop.
Nang matapos na ako at maisuot na ang mga damit ko ay bumalik na ako sa kuwarto at inilabas sa drawer ang maliit na kahon saka binuksan ito at kinuha ang singsing pagkatapos ay marahan na lumapit ako kay Lyka at maingat na hinawakan ang kamay nito at dahan dahan na sinuot sa hugis kandila na palasingsingan nito ang singsing.
"Perfectly Perfect for you my Love...." nangingiting anas ko saka hinalikan ang kamay nito......
___________________
Abala ako sa mga binabasa kong mga papeles nang tumunog ang cellphone ko.
Napangiti ako nang maluwang nang mabasa ko ang pangalan ni Lyka.
"Hello----"
"Luc hon....may ring sa finger ko nang magising ako ikaw ba....ang....sa iyo ba galing yung singsing..." nag rarattle ang boses ni Lyka,
Halata na di nito malaman kung papaano itatanong sa akin ang tungkol sa singsing.
"Nagustuhan mo ba my sweet?" Malambing na tanong ko dito.
Actually dapat kasama ko pa si Lyka at dapat na magkasama kaming magbe breakfast kaya lang tumawag ang secretary ko at ipinaalala ang meeting ko with
Mr. Chan mahalaga kasi yun dahil ang tagal ko din sinuyo si Mr. Chan na pumayag na mag invest sa plano kong itayo na isa pa ulit na chain nang restaurant namin.Isa pa para rin ito sa kinabukasan namin ni Lyka...
Kaya naman kahit mabigat sa kalooban ko ay iniwan ko si Lyka sa condo ko at nakipag meeting kay Mr. Chan na katatapos pa lamang.
"Oh Luc sana di ka na nag abala pa----"
"I want to marry you Lyka" sabi ko dito na kinasinghap nito sa kabilang linya.
"Luc are you serious?" Mahina ang boses na tanong nito na kinangisi ko.
"My Sweet Lyka,I know na parang napaka unromantic nang proposal ko kasi over the phone lang ang pag uusap natin, but one thing my sweet Lyka, please wait for me at mag propoposed ako sa iyo nang maayos at matino mamayang gabi" sabi ko dito pero walang tugon mula dito.
Kaya naman kinabahan ako.
"Lyka?" Isang mahinang hikbi ang nadinig ko mula dito.
"I love you Luc so much...." humihikbing sagot nito na kinalundag nang puso ko.
"T---thank you Luc...I---i promise I will be a good wife to you and mother to our future children.." sabi pa nito na pakiramdam ko ay nagpatigil sa pagtibok ng puso ko.Huminga ako nang ubod ng lalim at nagpakawala nang mahinang tawa para mapakalma kahit konti ang puso ko.
"I know that's why I choose you Lyka" ani ko dito na muling nagpatahimik kay Lyka mula sa kabilang linya.
"Lyka are you still there?" Tanong ko.
"I'm still here h---hon...sige na bababa ko etong phone....bye" paalam nito at agad nang pinatay ang cellphone nito.
Ngiting ngiti naman na tinignan ang larawan namin ni Lyka na magkayakap saka kinuha at tinitigan ito nang matiim.
"I love you Lyka so much...at excited na excited na akong maging Asawa mo...I know isang masayang pamilya ang mabubuo natin dahil sa iyo...mahal ko" anas ko habang hinihimas ang larawan ng nakangiting mukha ni Lyka.