Nakilala ko si Jaime two years ago nun magising na ako sa kahibangan ko kay Luc.
Umalis ako sa condo ko at nagtuloy sa airport para umalis, para makalimot,
Mabuti na lamang at may ticket pa na available at nakaalis agad ako papalabas ng bansa.
Habang sakay nang eroplano ay hilam ang luha na tahimik na namaalam ako sa tangang pagsinta ko kay Luc.
"Miss panyo oh" napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang isang gwapong lalake na nakangiti at may hawak ng panyo at inaabot sa akin.
Pilit na ngumiti ako dito at saka marahan na umiling.
"No, thank you na lang,I have tissue here" magalang na pagtanggi ko saka pinakita ang hawak na kahon ng facial tissue.
Pero nagulat ako at napasinghap nang bigla syang tumingkayad at nilapit ang sarili sa akin.
Napapikit ako pero dagli din na napadilat nang maramdaman ko ang pagdampi ng panyo sa mukha kong tigmak ng luha.
Nang matuyo na ang luha sa mga mata ko ay nakangiti pa din ito na lumayo sa akin.
"I'm sorry pero I can't take it pag may umiiyak na babae sa harapan ko" paliwanag nito.
He then blushed and smiled shyly
Di ko napigilan na di mangiti kasi na cutetan ako dito.
Afterwards pinakilala nya ang sarili.
His name is Jaime Acosta, single daw at thirty two na.
During our flight nagkwentuhan lamang kami at nakapalagayan ko ng loob ito.
Then nang lumapag na ang eroplano sa Hongkong akala ko yun na ang una't huling pagkikita namin.
Pero nagkamali ako kasi pareho pa kami ng hotel na chineck inan at magkatabi lamang ang suite naming dalawa.
From then on di na nya ako tinantanan.
Nagtapat sya na na love at first sight daw sya sa akin and he pursued me for almost a year.
Sinundan pa nya nga ako sa Canada kung saan ako nagpunta at nagkatrabaho.And last year nakulitan na ako dito kaya naman on the eve of christmas ay sinagot ko na ito sa ilalim ng pine tree at sa gitna ng madaming snow.
Six months after that ay niyaya na nya ako na magpakasal dito sa Pilipinas para daw walang divorce at di na ako makawala sa kanya na kinatawa ko na lamang kasi alam ko na kaya nga gusto niya na dito kami magpakasal ang dahilan ay kasi nga nandito halos lahat ng partidos nya.
After naman daw ng kasal babalik din kami ni Jaime sa Canada para duon na tuluyan na manirahan.
He just need to find someone he can trust to manage his Advertising Company.
"Sorry I'm late" wika ng pamilyar na baritonong boses na lihim na nagpasikdo sa dibdib ko.
One thing I realized is he still has the same effect on me!
Pero pinalis ko ang mga emosyon na yun at taas noo na ngumiti dito.
"It's alright kadarating lang din naman namin, by the way Jaime Acosta" pagpapakilala ni Jaime sa sarili nya kay Luc.
Saka inabot ang kamay para makipagkamay na agad naman na tinanggap ni Luc.
"Lucas Torres" anito saka bumaling ang mga paningin nya sa akin na napansin naman agad ni Jaime.
"Oh my bad manners, anyway meet my beautiful fiance Lyka Brosas soon to be Mrs. Lyka Acosta" puno ng pagmamalaki na pagpapakilala ni Jaime sa akin kay Luc.
Ngumiti ako dito at saka inabot ang kamay ko para makipag kamay pero napasinghap ako ng halikan nito ang kamay ko.
"Nice to meet you Miss Lyka" anito at saka tumitig sa akin nang matiim.
Those familiar mesmerizing eyes.....
For two years that I did not see him,
He become more handsome, gorgeous, matured but it attributes on his attractiveness."And I'm Maggie!" Biglang singit ni Maggie kaya naman parang nagising ako sa isang panaginip at agad na bumitiw ang kamay ko na hawak ni Luc at saka bumaling kay Jaime at kumuyapit dito.
"Hey there Maggie di kita napansin tangkad mo kasi" nakangiting biro ni Luc dito at saka nakipag beso beso sa humagikhik lamang na si Maggie.
Sa paglapat ng labi ni Luc sa pisngi ni Maggie ay may kudlit nang selos na dumaan sa dibdib ko.
Muli winaksi ko ang mga emosyon na yun at nakangiti na muling bumaling kay Jaime.
Jaime is my boyfriend, my fiance, my soon to be husband....
I was already move on on my past with Luc....
We are already over....
I already forget my feelings on Luc...
I have Jaime now.... pangungumbinse ko sa sarili ko pero nang muling magtama ang mga mata namin ni Luc ay kumabog nang ubod ng lakas ang dibdib ko.....