19

5.7K 131 5
                                    

"Nagawa mo ba ang pinapagawa ko sa iyo?" agad na tanong ko sa abogado ko saktong pagpasok ko sa office ko.

Katatapos lamang ng meeting ko sa mga board members at si Pierro na pinsan ko mula ipinasa ang mga trabaho ko dito sa kumpanya dahil matagal akong magle leave sa trabaho.

Tumango ito at agad na inilatag sa mesa ang folder.

"She just need to sign this after that ako na ang bahalang lumakad and it's settle" anito.

Napangisi ako habang mataman na binabasa ito.

"Thank you Jeric" sabi ko dito at saka nakipagkamay dito.

"Welcome, anyway una na ako pare may dinner date kasi kami ni Misis eh" nakangising sabi nito.

"Well enjoy your night pare" sagot ko dito at nakipagtapikan ng balikat dito.

Ilang saglit pa ay naiwan na akong mag isa sa opisina, muli ay binasa ko ang nilalaman ng folder at di ko nasupil ang mapaglarong ngiti na sumungaw sa labi ko.

--------------------

Naliliyo na nagpilit ako na igalaw ang mga kamay ko na namimigat at itinapat sa rumaragasang tubig mula sa gripo at pagkatapos ay binasa ko ang mukha ko para gumaan gaan ang pakiramdam ko.

Pero hayun na naman ang pagsalakay ng sikmura ko kaya muli ay nagsuka ako ng nagsuka pero puro laway na lamang ang nalabas.

Naiiyak na pinunasan ko nang likod ng kamay ang bibig ko at tumingin sa salamin.

Nakita ko ang sarili ko na namumugto na ang dalawang mata ko at nangingitim na din ito na ang dahilan ay ang kawalan ko ng tulog.

Napahikbi ako at nahawakan ko na lamang ang impis ko pang tiyan.

"Baby please be healthy and strong anak para lumakas din ang loob ni Mommy to keep it up" napapangiting kausap ko dito habang hinahaplos ang tiyan ko.  "Grabe baby yun morning sickness ko umaabot hanggang gabi pero okay lang basta para sa iyo, Mommy will endure it" dagdag ko pa.

Lumabas ako ng bathroom at naupo sa kama.

"Lyka!" Sumikdo ang dibdib ko pagkadinig sa boses ng tumawag sa akin.

"Luc!" Sabik na tumayo ako at lumabas ng kwarto.

Nakita ko si Luc at ang traydor kong puso ay halos magtatalon sa tuwa.

Nang makalapit ako dito ay bumigay na ang mga luha ko.

Bigla ko na lamang nadama na nasasabik pala ako at namimiss ko na si Luc kahit kaninang umaga pa lamang sya umalis.

Niyakap ko agad ito at sumubsob sa malapad na dibdib.

"Hey my Sweet did you miss me that much hmm....?" Natatawang tanong ni Luc habang hinahaplos ang buhok ko.

"H---hindi ah!" Namumulang itinulak ko ito saka tumalikod at humalukipkip.

Naramdaman ko na niyakap ako nito mula sa likuran ko at pinugpog nang halik ang buhok at mukha at leeg ko.

"I miss you so much Lyka,
kayo ni Baby natin kahit kaninang umaga lamang tayo nagkahiwalay gusto ko na agad na makauwi at makita ka agad" he whisper and he gently bit my earlobe.

A loud gasp escaped in my lips.

After awhile his two hands roaming my breast, playfully and skillfully touching, teasing kneading it that makes me quiver in sensation not new to me.

"L---luc stop it" pakiusap ko dito pero di ako naman nito pinakinggan at nang mas bumaba pa ang kaliwang palad nito at dinama ang maselang parte ng katawan ko pakiramdam ko ay bibigay na ang mga binti ko sa labis na sensasyon nadarama ko ay binuhat na ako nito at dinala sa malambot na sofa at pagkatapos ay mariin na hinalikan ako nito habang dahan dahan na hinuhubad ang bestidang suot ko.........

-----------------------------

"What is this Luc?" Nagtatakang tanong ko kay Luc nang ibigay nito sa akin ang isang puting folder.

Ngumiti ito at hinagkan ang buhok ko pagkatapos ay sumubsob sa may leeg ko.

Nasa kama na kaming dalawa lumipat kaming dalawa pagkatapos namin magniig sa may salas ay binuhat akong muli nito at ipinasok na sa kwarto at dun ay pinagpatuloy ulit namin ang pagniniig.

Napapikit ako para pigilan ang kilig na nararamdaman ko.

"You just need to sign it" kinuha nito ang palad ko at nilagay ang ballpen. "Here my Sweet" anito at iginiya ang palad ko sa papel.

"P---pero di ba dapat basahin ko muna ito Luc?" Nagtatakang tanong ko dito.

Ngumiti ulit ito hinalikan ang leeg ko.

"No need Lyka it's about our unborn baby's status, I want him or her to  borne my name, it's their right and my responsibility" paliwanag nito at hinalikan nang mabilis ang labi ko.
"Trust me Lyka, I know what I'm doing" pangungumbinse nito.

Napapailing na lamang ako pero sa puso ko ay nag uumapaw ang saya na iniisip ni Luc ang magiging kalagayan ng anak namin na di pa naisisilang.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa ballpen at sinimulan nang lagdaan ang mga papeles na di ko man lang pinagkaabalahan na basahin.

"Thank you Lyka" bakas ang galak sa boses at mukha ni Luc after na mapirmahan ko na ang mga papeles.

Ngumiti na lamang ako dito at muling sumubsob sa malapad na dibdib nito at sinamyo ang amoy nito na gustong gusto kong amuyin.....

Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon