Naalimpungatan ako sa tila mabigat na bagay na nakadagan sa tiyan ko kaya naman pilit na inaalis ko ito papalayo sa katawan ko pero tila mas lalo na humigpit pa ang pagkakapit nito sa akin kaya naman tinatamad na nagmulat na ako nang mga mata ko para bumangon na pero nagulat at nawala ang antok ko ng isa palang braso ang nakadagan sa tiyan ko.
Agad na bumalikwas ako ng bangon at malakas ang tahip nang dibdib ko na ginala ang paningin ko sa paligid ko.
Sa kuwarto ko....
Sa aking kuwarto sa townhouse ko at nagkalat ang mga damit ko sa sahig pati na ang mga damit na panglalake.
At nang magawi ang paningin ko sa kaliwa ko ay malakas na napasinghap pa ako pagkakita na di ako nag iisa sa kuwarto ko at may katabi ako na katulad ko ay wala din na ka saplot saplot na mahimbing na natutulog sa tabi ko.
"L---luc," nanginginig ang mga kamay na ginising ko ito.
"Hmmm...." pero umungol lamang ito at muling dinantay ang braso sa tiyan ko.
"Luc! Luc! Wake up!" Muli ay panggigising ko dito.
Tinangka ko na tumayo para makalayo na sa lalaki na ito pero tila bakal sa bigat ang braso ng una.
"Luc...Luc" huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
Kailangan na makawala ako sa pagkakayapos nito at makapag usap kami ng maayos.
"Luc, wake up mala late ka na sa trabaho mo!" Wika ko dito.
Alam ko na basta tungkol sa trabaho ay babangon at babangon ito.
Tila tinatamad na nagmulat ito ng mga mata.
"Sabado ngayon my Sweet" nakangiting sagot nito at saka muling niyapos ako.
"C'mon matulog na ulit tayo" anito."N---no Luc you have to wake up!" Di makapaniwalang tinangtang ko na ito.
"Luc! Ano ba!" Naiiyak na ako at nagsisimula na din ako na magpanic.Nag aalala ako na anytime from now ay kakatok na si Jaime sa pinto para sunduin ako dahil ngayon umaga ay magpupunta kami sa simbahan.
Muling nagmulat ng mga mata ito at saka pahinamad na bumangon na at pagkatapos ay humarap ito sa akin pagkaraan ay mabilis na dinampian ng halik ang labi ko.
"Good Morning My Sweet" malambing na bati nito at sa pagkabigla ko ay sumubsob ito sa pagitan ng leeg at balikat ko.
Napapalunok na pilit na hinamig ko ang sarili ko at itinulak ito papalayo sa katawan ko.
"Why?!" Gulat na tanong nito at nagtataka na tinitigan ako.
Biglang tinaliman ko ang mga mata ko dito.
"Anong nangyari kagabi Luc?!" Tanong ko dito.
Kumunot ang noo nito at pagkaraan ay ngumisi sa akin.
Pagkuwan ay matiim na tumitig sa akin na kinailang ko lalo pa't ramdam ko na walang saplot na nakatakip sa katawan ko.
"Isn't obvious my Sweet? We made love last night" kibit balikat na sagot nito na kinagimbal ko pa din kahit na alam ko at ramdam ko lalung lalo na sa maselang parte ng katawan ko na may nangyari nga sa aming dalawa ni Luc.
Naramdaman ko na lamang na dumaphi ang mga mata ko at ilang saglit pa ay ang paglandas ng mga luha sa pisngi ko.
Agad na nabahala si Luc at bakas sa mukha ang pag aalala na pinahid ang mga luhang naglalandas sa magkabilang pisngi ko.
"Hush.....My Sweet stop crying" pag aalo nito at saka nito marahan na tinapik tapik nito ang likod ko.
"Oh my god what I have done! nagkasala ako kay Jaime..." napasigok ako.
Narinig ko ang pagtagis ng mga bagang ni Luc at saka marahas na hinawakan ang magkabilang balikat ko at hinarap ako.
Napalunok ako at agad na sinalihan ng kaba pagkakita sa madilim na mukha ni Luc.
"Forget him Lyka, he's not important nor his feelings anymore, what's important is you and me" malamlam ang mga mata na wika nito.
Sunod sunod na napailing ako dito.
"N--no Luc, Jaime is my fiance and
I---love him di ko s'ya kayang saktan" basag ang boses ko na tutol ko.Di ko kayang makita na masaktan si Jaime.
Muling nagdilim ang mukha ni Luc at napadiin ang pagkakapisil nito sa magkabilang balikat ko na di ko na napigilan ang mapangiwi sa sakit.
"Ouch...L----luc!"
"Well my sweet Lyka huli na ang lahat dahil nagawa mo na" anito saka muling napangisi.
Nanlalaki ang mga mata na napatitig ako dito.
"A---anong....?" Di ko na naituloy pa ang pagtatanong nang marinig ko ang boses ni Jaime at sunod sunod na katok ng pinto ng kuwarto ko.
"Lyka,nandyan ka ba?" Tanong ni Jaime mula sa labas.
"J---jaime..." di ko malaman ang dapat na gawin ko.
Itatago ko ba si Luc o tatakbo ako sa pinto at haharapin si Jaime na tanging kumot lang ang nakatakip sa katawan ko....
"Lyka buksan ko na ang pinto ha" ani Jaime at bago pa ako makapag react ay bigla akong niyakap ni Luc at sinabasib ng halik sa pagkagulat ko.
Nanlalaki ang mga mata na napatitig na lamang ako sa bumukas na pinto at ang pagkalarawan ng pagkagimbal sa mukha ni Jaime dahil sa kanyang nabungaran na tagpo....