31

5.6K 120 6
                                    

"Luc?!" Pupungas pungas na bumangon ako at nilingon si Lyka na nanlalaki ang mga mata.

Halata sa maamong mukha nito ang pagkagulat at pagtataka.

"Good Morning Hon" wika ko dito at saka mabilis na kinintalan ng halik ang malambot na labi nito.

Nagpakurap kurap ito at marahil ng mahimasmasan ay itinulak ako nito.

"Why?....how do we end up h---here?" Nalilitong tanong nito habang kipkip ang kumot na syang tanging tumatabing sa hubad na katawan nito.

Napangisi ako at nagkibit balikat pagkaraan ay tumayo ako at walang pakialam na ibinalandra sa harapan ni Lyka ang walang saplot katawan.

"Luc magdamit ka nga!" Namumulang utos ni Lyka na nginisian ko lamang muli saka muling sumampa sa kama at dinaluhong nang yakap ito.

"Luc!" Impit na tili nito at hinampas pa ang balikat ko na hindi ko naman ininda.

Isinubsob ko ang mukha ko sa pagitan ng balikat at leeg at sinamyo ang natural na nakakahalinang amoy nito.

"Luc get off me!" Anito saka pilit na itinutulak ako palayo dito.

Pero di ako sumunod at sa halip ay hinaplos ang malambot na buhok nito.

"Luc ano ba?! Salita ako ng salita dito tapos hmp----!" Natigil ang paglilitanya nya ng bigla ko itong siilin ng mapusok na halik.

Hindi agad tumugon ito sa halik ko pero makalipas lamang ang ilang saglit ay naramdaman ko na ang pagsagot nito sa mga halik ko kaya naman nagdiwang ang puso ko dahil dun.....

___________________

After that time nagkabalikan na ulit kami ni Lyka.

Alam ko na nag aalala sya sa relasyon na mayroon kami ngayon dahil madalas nakikita ko syang natutulala at tila malalim ang iniisip.

Dahil nga iba na ang sitwasyon namin kasi dati nang kami pero dahil tanga at mahina ako ay naikasal ako sa iba kaya ngayon ay ang lumalabas na Mistress ko sya.....

Madalas naiisip ko na sana hindi nangyari sa akin ang mga nangyari nung araw na yun eh di sana kami pa ni Lyka,

I mean kami na legal, siguro ngayon bumubuo na sana kami ng pamilya,

Masaya, kuntento, at wala nang mahihiling pa...

But I do my best to make things right and after that I will again offer my world to Lyka......



____________________


"Lucas can we talk?" Natigilan ako sa ginagawa kong paglangoy sa may swimming pool at nagtatakang tumingin kay Mommy.

"Bakit Mom?" Tanong ko dito.

Huminga ng malalim si Mommy saka tipid na ngumiti.

"Umahon ka na dyan sa tubig, I want to talk to you....and it's very important" madiin na pagkakasabi nito at saka tinalikuran agad ako.

Nagtataka man ay dagli kong sinunod si Mommy.


*

"Mommy nandito na ako" anunsiyo ko ng makita ko si Mommy sa may terrace.
Nakaupo sa may stool dun at sa table ay may dalawang slice ng strawberry cake.

"Umupo ka Lucas Raphael" seryoso ang boses na utos nito sa akin.

Dun na ako kinabahan, kasi knowing Mommy i heart to heart talk ako nito at pilit papaamin sa akin ang alam nito na nagawa kong kasalanan na alam ko sa sarili ko this time na wala naman.

Dagli na akong sumunod at umupo sa katapat na stool.

"Mommy----"

"What have you done to yourself Son?" Tila nahihirapan na tanong nito.

"Mommy?"


"Anak  may nakarating sa akin na balita na nakikipagkita ka naman muli kay Lyka" kumpronta nito.

Napalunok ako at napailing.

"Mom let me explain-----"

"You already hurt that sweet little lady once, please don't be her downfall, Hindi man sya magsalita ay alam ko na hindi sya masaya sa sitwasyon nyo ngayon, I know that feeling naranasan ko na din yun dati, Luc listen....You are already a married man, it's your choiced panindigan mo naman...maging mabuti ka man lang na Ama kahit hindi na mabuting Asawa" pangaral nito na hindi ko matanggap.


"Pero Mommy mahal na mahal ko si Lyka, ayaw ko na mawala sya sa akin....h---hindi ko kaya" pumiyok na ang boses ko.

Parang gusto ko na maiyak at magwala.

Hindi man direktang sabihin ni Mommy ay ang gusto nya na mangyari ay hiwalayan ko ang babaeng mahal na mahal ko at iniikutan ng mundo ko,

Para ano?

Para sa Gwen na yun?

Para sa batang wala man lang ni isang dugo ko na nanalaytay?

Hindi iyon matatanggap ng puso ko.

Hindi ko yun kayang muling gawin...

Hindi yun makakaya ng puso ko...

Pinilit ko na gumaling sa sakit ko at magpalakas para muling makasama si Lyka.


"Dapat kayanin mo dahil kung hindi.... itatakwil na kita bilang anak, alam ko na hindi ako nagpalaki ng anak na suwail at makasarili" sabi nito saka tumayo at iniwan na ako na mag isa sa terrace....

Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon