32

5.7K 139 7
                                    

"Lucas!" Napapikit mata ako ng marinig ko ang dumadagungdong na boses ni Gwen.

Kakauwi ko pa lamang mula opisina at nagpalit lamang ako ng damit dahil aalis din agad ako kasi may usapan kami ni Lyka na sa bahay nga nya ako mag didinner.

Akma na sana akong tatalikod at papasok muli sa kwarto para iwasan ito pero maagap na hinawakan ako nito sa braso ko at saka humarap akin.

"Lucas mag usap nga tayong dalawa!" Galit na sabi nito.

Iwinasiwas ko ang braso ko na hawak nya para mabitiwan nya at bahagyang umatras palayo dito.

"Ano ang pag uusapan natin Gwen?" Tanong ko dito.

"Nakita ko ang kabet mo sa supermarket at ang kapal pa ng mukha na hiyain ako" anito at saka humalukipkip.

Tinaasan ko ng kilay ito at saka napailing.

"Are you reffering to yourself?" Sarkastikong na tanong ko dito.

Namula ito saka napasinghap and moments later ay naramdaman ko na lamang ang bigat ng palad nya sa kanang pisngi ko.

"Hindi ako kabet walanghiya ka!" gigil na sabi nito saka pinagsusuntok ang dibdib ko.

"Bakit nasasaktan ka? Masakit ba na maisampal sa mukha mo ang katotohanan na kabit ka naman talaga---" muli ay isang nakakatulig na sampal ang iginanti nito.

Napangisi na lamang ako.

"Know what Gwen, stop acting like a doting wife coz you're not!"

"Dahil ayaw mo na bigyan ako ng chance!" Sigaw nito.

"Of course dahil hanggang ngayon hindi ko matanggap how easy for you to manipulate me!" Ganting sigaw ko dito.

This time ito naman ang napangisi.

"Wala ka nang magagawa kasi kasal na tayo, akin ka na at gusto ko na hiwalayan mo na ang kabet mo!" utos nito.

Napailing ako dito at akma na sanang tatalikuran ito pero natigilan ako ng makita ko si Mommy na nasa bungad ng pinto at karga karga si Gwyneth.

"Tita Charlene si Lucas po!" Umiiyak na lumapit si Gwen kay Mommy at saka lumuhod.

"Gwen hija...." alam ko na kapwa kami nagulat ni Mommy sa inakto nya.

"Gwen!"

"Tita Charlene please pakiusapan nyo naman ang anak nyo na hiwalayan ang kabet nya, hindi na para sa akin na asawa nya kundi para na lang sa anak nya po, sa apo nyo na si Gwyneth" humihikbing pakiusap nito sa Mommy ko.

"Pwede ba Gwen wag mong idamay pa si Mommy sa problema na mayroon tayo" inis na pakli ko.

Nagsisimula na naman na umusbong ang galit ko kay Gwen.

Nagpapamukha syang inaapi sa harap ng Mommy ko kahit ang totoo ay sya ang kontrabida sa istorya na ito.

"Lucas anak let's talk" malumanay man ang pagkakasabi ni Mommy ay hindi pa din napigilan ng dibdib ko na kabahan.....

____________

"Gawin mo na Lucas" utos ni Mommy sa akin pero nanatili pa din na nakatayo ako at hindi kumikilos.

"Mommy----" hinawakan ako nito sa braso ko.

"I'm sorry anak kung lumalampas na ako sa linya na dapat na kalagyan ko...pero kasi anak kita at kahit mahal kita  dapat lang na gawin ko ang tama, hindi kita dapat kunsintehin dahil lang matanda ka na, alam ko at alam mo na mali na ang ginagawa mo....anak" hinaplos nito ang pisngi ko.
"Sige na, pumasok ka na sa loob at hiwalayan mo na si Lyka at ayusin mo na ang buhay nyo ni Gwen" pakiusap nito at bahagya pa akong itinulak papalapit sa may pinto.....

Huminga ako ng malalim at saka mabigat ang kalooban na nagsimula na akong humakbang papasok sa unit ni Lyka....

____________

"Why you did not know na umalis na si Lyka?!" Galit na sita ko sa taong inutusan ko na bantayan si Lyka.

"Sir Lucas pasensiya na po kasi naman po biglaan po yun paglabas po nya ng unit nya ay sinundan ko po agad hanggang makarating na po siya ng airport kaya naman po agad na tinawagan ko kayo pero kasi hindi naman kayo nasagot----"

Napapikit ako ng mariin sapagkat naalala ko na naiwan ko pala ang cellphone ko sa dashboard ng sasakyan ko.

"Bullshit!" Halos lumabas na ang litid ko sa sobrang lakas ng pagkakabulyaw ko.

"S--sir----"

"Get out! Out!" Galit na Utos ko dito.

Dali daling tumalima naman ito at naiwan akong mag isa sa opisina ko.

"Lyka....Lyka...I'm sorry" ani nya at napaiyak.

Ang tanga tanga talaga nya kahit kailan....

Sa pangalawang pagkakataon nawala na naman si Lyka sa kanya kasi gawa ng kaduwagan nya at pagmamahal sa Nanay nya...

Bakit minsan napakahirap maging mabuti at mabait?

Ang daming puwedeng mawala sa akin na alam ko na hindi ko panghihinayangan pero hindi kasama dun sina Dad, Mom, Dawn at si Lyka....

Pero kailangan na mamili ako at pinili ko ang kagustuhan ni Mommy na hiwalayan si Lyka.

At ayaw ko man na gawin ay ginawa ko sinaktan ko si Lyka, ipinamukha at isinampal sa mukha nya ang pagiging mistress nya bagay na marahil ay nagpagising sa mahal ko at iniwan tuloy ako....

Nakakapagod nang maging mabait at tanga lahat na lang kasi nawawala sa akin...

Muling tumulo ang luha sa mga mata ko pagkaalala kay Lyka...

Nawala naman ulit ang babaeng pinakamamahal ko sa akin...

Napakuyom ako ng kamao ko at nagtagis ang mga bagang ko.

"Tama na Luc ang pagiging goody goody mo" wika ko at malakas na sinuntok ang dibdib ko.
"Magpaka selfish ka naman at gawin mong miserable din ang buhay nilang lahat at wag kang hihinto hangga't hindi bumabalik sa iyo si Lyka"

Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon