34.1

6.3K 156 0
                                    

Magkayakap kami ni Luc na naglalakad papunta sa kusina ng matigilan kami kasi nakita namin si Tita Charlie na nakaupo sa sofa na tila kanina pa kami hinihintay na lumabas sa kwarto.

Namumula ang mukha na kumalas ako sa pagkakayakap ni Luc.

Nakakahiya! Nakalimutan na namin na nandito pa pala si Tita Charlie!

Agad na lumapit ako dito.

"T--tita Charlie sorry po nawaglit po sa isip namin na----"

"It's okay hija" nakangiting sansala nito at hinawakan ang kamay ko.
"Ako nga ang dapat na humingi ng dispensa at mukhang naabala ko kayo ni Lucas" ani Tita Charlie na tumingin pa kay Luc.

Walang naging reaksiyon si Luc kaya naman gusto kong batukan ang lalaki kasi parang ang lamig lamig ng pakitungo ni Luc sa Nanay nito.

"N---naku po Tita Charlie hindi po ahm...halina kayo at saluhan nyo kami ni Luc na magmeryenda" yaya ko dito.

Nilingon ko si Luc at mabilis na hinawakan ang braso nito at hinila bago pa ito makatutol.

"Sabay sabay na tayo Tita Charlie...Luc..."muling yaya ko sa mga ito.

Kapwa tumango sa akin ang mag ina kaya naman hawak hawak ko ang kamay nilang dalawa na iginiya silang dalawa papunta sa kitchen.

_________________

"Ahm...Tita Charlie uuwi na ba kayo agad?" Alanganin na tanong ko dito.

Katatapos pa lamang namin na kumain ng meryenda.

At habang kumakain kami ay hindi umiimik si Luc kaya naman ako na lang ang kumakausap kay Tita Charlie.

"If you don't mind Lyka, I want to stay here longer but...." malungkot ang mukha ni Tita Charlie kaya naman nakadama ako ng awa dito.

Nagtataka nga ako kay Luc dahil ang cold cold nya sa Mommy niya pero ayaw ko naman na tanungin ito kasi pakiramdam ko wala naman akong karapatan eh,

Hello? Sino ba ako sa buhay ni Luc?

Ako lang naman ang Ex girlfriend nya na naging Mistress nya tapos nabuntis nya pa.

Galing nuh?

Kahit naman aksidenteng nalaman/ narinig ko na ipinakulong ni Luc si Gwen dahil sa hindi ko malaman na rason.
The fact remains na mag asawa pa rin silang dalawa at ako?

Eto pa rin....
Nagpapakatanga pa rin kay Luc,

Mahal ko eh...

Pinisil ko ang kaamay ni Tita Charlie.

"Uhm...Tita Charlene may mga gusto akong ipakilala sa inyo" umpisa ko.

Grabe sobra talaga akong kinakabahan,

Kunot noo na tinignan ako ni Luc na isang matamis na ngiti naman ang iginanti ko.

"Talaga Lyka? Sino sila?" Nagtataka naman na tanong ni Tita Charlene.

"Hali kayo sa kwarto Tita Charlene" sa halip ay tugon ko at saka tumayo sa kinauupuan ko at marahan na hinila ito patayo.

_____

"One month and two weeks na sila Tita Charlie kakalabas lang namin tatlo sa hospital two weeks ago kasi eto pong anak nyo gusto po talaga na masiguro na okay na daw kami" may himig pagbibiro na kwento ko kay Tita Charlie.

Tahimik lamang si Tita Charlie at nakadama naman ako ng takot na baka galit ito kasi nagpabuntis ako sa anak nya gayun alam na alam ko naman na pamilyadong tao si Luc.

Yumugyog ang balikat nito bagay na kinataranta ko kaya naman maagap na dinaluhan ko ito.

"Tita Charlie are you alright?" Nag aalalang tanong ko dito.

"I--i'm okay Lyka, don't worry about me" naiiyak pero nakangiti na sagot  nito.

Tinanguan ko ito.

Pinahid nito ang butil ng luha na naglandas sa mukha nito at saka muling binalingan ang kambal namin ni Luc na himbing na himbing sa pagtulog.

"Oh my god Lucas anak, they look so much like you when you are this small!" Bulalas nito saka nilingon si Lucas na nakasandal sa may pinto at tahimik lamang kaming pinagmamasdan.

Lucas flash his sweet smile.

For the first time since Tita Charlie arrived and  talk to him that Lucas show a real and genuine reaction towards Tita Charlie.

"Of course Mommy! Talagang sa akin magmamana yang sina Rael at Azel dahil ang lakas  lang naman nang dugo ko!" Pagmamayabang nito.

I can't stop rolling my eyes.

Umiral na naman ang pagka Proud Daddy nitong si Luc.

Napabungisngis si Tita Charlie at humakbang palapit kay Luc.

Nang makalapit na ito she then pat the head of Luc.

"You're just like your father" ani Tita Charlie.

Ngumisi si Lucas dito.

"Of course Mom kanino pa ba ako magmamana?" Sagot nito.

Napailing si Tita Charlie at pagkaraan ay muling lumapit sa kuna nina Azel at Rael.

"Hello mga Apo, ako 'to, your Mamita Charlene, please lang mga apo wag nyo akong tatawagin na Lola ha ayaw ko nun eh" wika nito sa kambal na umingit lamang.

Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon