07

6.8K 158 3
                                    

Huminga ako ng malalim.

At isa pa, at isa pa ulit....

Pero di pa din napapawi ang kaba na nararamdaman ko magmula pa kanina.

Hinawakan ko ang dibdib ko at mariin na pumikit.

Calm down Lyka....you have to do this....You Need to do this... paulit ulit na sabi ko sa utak ko.

Nang medyo mawala na kahit papaano ang kabang nararamdaman ko ay tinaas ko na ang kanang kamay ko para kumatok sa pinto ng opisina ni Jaime.

"Come in" nadinig ko na wika nito.

Muli ay huminga ako ng malalim at nang matapos ako pinihit ko na ang doorknob at saka pumasok.

"Lyka!" Nakangiti na agad na tumayo si Jaime at saka sinalubong ako ng yakap at pagkuwa'y hinagkan ako sa aking noo.
"Wait lang tatapusin ko lamang ang mga pinipirmahan ko na mga papeles and aalis na tayo para makapag lunch na tayo and don't worry nakapagpa reserved na ako sa favorite natin na restaurant" anito at saka bumitaw sa pagkakayakap nito sa akin at muling naupo sa swivel chair nito.

"Jaime....."  marahan na tawag ko dito at saka umupo sa tapat nito.

"Hmm...?" Anito na nakapokus pa din ang paningin sa mga pinipirmahan nitong mga papeles.

Nakagat ko ang lower lip ko at nagsimula nang magsalita.

"Jaime....I...I want to cancel our a---" di ko na naituloy ang balak na sasabihin ko sana nang pabiglang tumayo si Jaime at agad na lumapit sa akin.

"W---wait Lyka, alam mo naman na mahal na mahal kita at gagawin ko lahat ng gusto mo p---pero Hon halos lahat handa na sa kasal natin s---saka ka pa magba back out" basag ang boses ni Jaime ng magsalita ito at saka lumuhod pa para magpantay kaming dalawa.

Agad na naalarma ako.
Nakalarawan din sa mukha ni Jaime ang pagkataranta.

"No Hon!" Agad na sansala ko.
Mali ito nang inteprasyon sa gusto kong sabihin kaya naman na ipinaliwanag ko dito ang gusto ko na mangyari.
"It's not the wedding that I want to cancel..." umubo ako ng mahina para maalis ang tila bara sa lalamunan ko.

Tila nakahinga naman ito ng maluwag.

"Then what it is?"

"The v---venue of our wedding reception...I want to change it" sagot ko dito.

Kumunot ang noo nito sa sinagot ko.

"Why? Akala ko ba okay na lahat, na maganda yung place" anito.

Ngumiti ako dito at hinaplos ang pisngi nito.

"Yeah....maganda nga yun place....pero nalalayuan kasi ako dun sa place na paggaganapan.... imagine thirty five minutes ang pagitan ng restaurant na iyun sa simbahan kung saan tayo ikakasal" tumawa ako nang mahina.
"Mapapagod lamang agad tayo sa biyahe pa lamang" pagdadahilan ko.
"Alam ko na nagsarado na tayo ng usapan kay Maggie pero kasi....sa iba na lang na venue please mas malapit, mas maganda"

Ngumisi at pagkaraan ay napapailing na tumayo na at hinawakan ang kamay ko at saka ginawaran ng halik.

"Lyka Hon...." Jaime heaved a sigh.
"As you wish I will grant it" he said.

And I can't help but stand up and embrace him.

"Thank you Jaime"  nakangiti na sabi ko dito.

Di talaga ako nagkamali kay Jaime.

Agad nya akong pinagbigyan at di na nya ako hiningan ng paliwanag.

"No Lyka" Jaime is grinning.
"Thank you Lyka kasi pumayag ka na magpakasal sa akin at dahil dun ay ako na ang pinakamasayang lalake sa mundo" he said and kissed me on my both cheeks.

"Jaime...." ang tanging ko na lamang nasabi kasi tila nabara sa lalamunan ko ang mga salita o mga tamang kataga ng mga papuri para dito.


------------------------


"Yes sorry talaga ha Maggie..."  apolegic na wika ko kay Maggie.

"Ano ka ba Lyka okay lang naman yun, ikaw ang bride meaning ikaw ang star, ang bida, moment mo yun, nyo ni Jaime kaya choice mo at karapatan mo na mag iba pag may di ka feel" natatawang sagot naman ni Maggie mula sa kabilang linya.

Nagkausap na kaming tatlo nito at pumayag naman agad ito na sa ibang lugar na lamang ganapin ang reception ng kasal namin ni Jaime.


"Basta thank you pa din kasi pinagbigyan mo ako alam ko na di biro ang mga nagawa mo nang preparations para sa kasal namin ni Jaime yun mga effort mo Maggie" wika ko dito.

Alam ko kasi na di biro ang kinausap mo na lahat tapos at  naayos na din, petsa na lang nang kasal namin ni Jaime ang hinihintay.

Pero kasi kailangan ko na gawin ito para makaiwas kay Luc.

Ayaw ko na mangyari pa ang nangyari na hinalikan nya ako sa Cubicle ng CR ng restaurant na pagma may ari nito at ako naman si Gaga ay tinugon ko din ito na pinagsisisihan ko.

Nagi guilty ako kasi parang pinagtaksilan ko si Jaime.

Mahal ko si Jaime....

Sya ang fiance ko...

Ang papakasalan ko...

Ang makakasama ko habang buhay....

Nakaraan ko na lamang si Luc at dapat dun lamang sya manatili.

Abala pa kami sa pag uusap ni Maggie sa mga natitirang mga dapat pa na asikasuhin para sa kasal namin ni Jaime nang mapasinghap ako sa gulat ng biglang bumukas ang pinto ng unit ko at bumungad ang madilim ang mukha na si Luc.

"Are you alright Lyka?" Nag aalalang tanong ni Maggie nang madinig nya ang pagsinghap ko.

Napakurap ako at maang na napatingala kay Luc na nakalapit na sa harapan ng couch na inuupuan ko.

"Ah w---wala naman Maggie may....dumapo na ipis sa binti ko kaya naman Maggie....next time na lang tayo mag usap ha?" Sagot ko dito saka kunot noo na nakipagtitigan kay Luc. "Papaalisin ko lamang ang ipis na nasa harapan ko ngayon" may diin ang mga salita na dagdag ko pa.

Napatiim bagang si Luc at lalong nagdilim ang mukha na nagdulot ng di magandang pakiramdam sa dibdib ko....





Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon