17

6K 136 5
                                    

Naaaliw na isa isa kong pinagpupulot ang mga seashells na nasa pampang lamang at pagkatapos ay isinisilid ko agad ito sa basket na bitbit ko.

"Lyka!" Tawag sa akin ng humahangos na si Luc.

Huminto ako sa paglalakad at hinintay na makalapit ito sa akin.

"Lyka!" Humihingal pa ito nang hustong makalapit ito sa akin at agad na niyakap ako nang ubod ng higpit.

Nagulat man ako sa ginawi nito ay di ko na lang pinuna.

"Lyka...." anas nito na tila sinasamyo ang amoy ng buhok.

Marahan na binaklas ko ang mga braso nito na nakaakap sa akin saka bahagyang lumayo ako dito.

"Luc nakita mo ba yun breakfast na hinanda ko sa may lamesa?" Nakangiting tanong ko dito.
"Mukhang hindi, kasi hinanap mo agad ako" biro ko pa dito.

Pinagmasdan ko ito at di ko maiwasan na di humanga sa kakisigan na taglay nito.

Napakatikas nitong tignan sa pantalon maong na suot nito at puting sando na hakab na hakab ang matipunong dibdib.

Di ito sumagot at sa halip ay hinila ako nito pabalik sa resthouse.

Di na lang ako nagprotesta pa at tahimik na nagpatinaod na lamang.

After that talk three days ago ay pinayagaan na ako ni Luc na makapaglakad lakad sa may dalampasigan pero di pa din ang bumaba sa bayan, ni makitawag ay wala din.

Gusto ko man na tawagan yung nakabili ng bahay ko para sabihan na itabi ang mga maleta ko at babalikan ko na lamang ay walang saysay kasi ayaw akong pahiramin ni Luc ng cellphone.

Nandun pa naman ang passport at ticket ko pati na yun cellphone ko.

Nang makarating na kami sa resthouse ay agad kaming dumiretso sa kusina at iginiya ako ni Luc papaupo sa upuan.

"I want you to join me eat breakfast" nakangiting turan nito at pagkaraan ay nilagyan ako nito nang plato sa harap ko.

Alanganin na ngumiti ako dito.

"Sorry Luc pero di pa kasi ako nagugutom...." tanggi ko sa hiling nito pero di ito nakinig at pinaglagay pa rin ako nito ng sinangag sa plato ko.

"Luc...."

"Lyka you need to eat you look kind of pale these last few days" wika nito.

Napailing na lang ako sa kakulitan nito at kahit na di pa talaga ako nagugutom ay nagsimula na din akong sumubo kahit konti.

Pero di talaga kayang tanggapin ng lalamunan ko ang pagkain kaya naman natutop ko ang bibig ko saka tumakbo sa may lababo at dun sinuka ang kakarampot na kinain ko.

Naramdaman ko na marahan na hinagod ni Luc ang likod ko.

"Lyka,I think you're not alright, we better see a doctor right now" bakas ang pag aalala sa boses na wika nito.

Umiling naman agad ako dito.

"Wag na Luc,okay----"

"No buts Lyka, fix yourself at magpapatingin ka sa Doctor and that's final" mariin na sansala nito.

Muli wala na akong nagawa kundi tumango na lang.

Ngumiti ito nang tipid at saka maingat na inalalayan ako papunta sa kuwarto.

------------------

"Oh well Ms. Brosas congratulation you're one month pregnant!" Masayang balita ng Doktora na tumingin sa akin.

Napanganga ako at di makahuma.

"Really Doctora?" Excited na tanong ni Luc na agad naman tinanguan ng may edad na doktora.

"Yes Mr. Torres pero medyo maselan ang pagbubuntis ng Girlfriend mo kaya I suggest na doble ingat na lamang wag masyado paka stress and rest well and magrereseta ako ng mga vitamin na dapat inumin ni Mommy at para na din kay si Baby" anito at nagsimula nang magsulat.

Nakatulala na lamang ako kasi parang di pa na process ng utak ko ang balita.

Wala sa loob na napahawak ako sa impis na tiyan ko at tila dun lang nag sink in sa utak ko na may buhay nang pumipintig sa sinapupunan ko.

Naramdaman ko din ang kamay ni Luc sa tiyan ko kaya naman nag angat saka nagtama ang mga mata namin ni Luc.

Ngumiti ito nang matamis at niyakap ako ng mahigpit saka hinagkan ako sa labi ko.

"Did you hear that Lyka magkaka baby na tayo?" Bakas pa din ang excitement sa boses nito.

Di man lamang ito nag isip na baka di ito ang ama ng bata sa sinapupunan ko.

Ayaw ko man pero di ko maiwasan na matuwa....

"Luc....." may gusto akong sabihin pero di ko magawang isatinig.

"Hmm...what?" nakangiting tanong nito at marahan na pinisil ang palad ko.

Tila naumid ang dila ko na di ko magawang makapag salita.

Tipid na ngumiti ako dito at saka umiling.

Siguro pag nagkasarilinan na lamang kaming dalawa....

Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon