28

5.3K 107 5
                                    

"Luc...." tawag ni Lyka sa akin.

Gusto ko man na mag angat ng tingin ay di ko magawa kasi napakasakit ng ulo ko na parang binibiyak isama pa ang katawan ko, pakiwari ko ay nakipagbuno ako maghapon kahit na umabsent ako ngayon para sa Therapy ko.

Gusto ko nga sana na umuwi na para ipahinga ang katawan ko pero naalala ko na nakapangako pala ako kay Lyka na sasamahan ko sya na mamili ng wedding gown.

"Luc maganda ba? Bagay ba sa akin?" Tanong nito kaya naman nag angat na ako ng tingin para lamang matulala pagkakita kay Lyka na suot suot ang isang wedding gown na kulay peach at bahagyang nakalitaw ang mayaman na hinaharap nito dahil sa may kababaan na tabas ng neckline nito.

Napaka sexy ng dating nito at parang nag iinit ang pakiramdam ko at gusto ko na ikulong ito sa cubicle at angkinin ito.

Napalunok ako at pinalis ang berdeng imahe na yun sa isip ko.

"Why peach? Ayaw mo ba ng white or Ivory?" Sa halip ay tanong ko dito.

Ngumiti ito ng matamis.

"Umm...kasi Luc parang di na ako bagay magsuot ng puti kasi y---you know na we do p--premarital sex...." halos bulong na sagot nito.

Tama nga ito,

One month pa lamang kami ng unang ibigay nito ang sarili nito sa akin,

Ang saya saya ko nga nung panahon kasi sa akin nya talaga pinagkatiwala ang sarili nya.

Pakiramdam ko na napakasuwerte ko dahil ramdam ko na mahal na mahal talaga nya ako to the point na ibinigay nya sa akin ang virginity nya as a gift....

Right there and then gusto ko nang alukin sya ng kasal pero alam ko na hindi pa sya handa at ngayon na handa na sya na ibigay dito ang lahat saka naman ngayon nagkasakit ako....

But it doesn't mean na hindi na sya pupwedeng magsuot ng puti right?

"I want my bride to wear white" sagot ko dito, pero ang gusto ko sanang sabihin ay...
But I want you to wear white.....
my love

Nagbaba ito ng tingin pero agad din na nag angat at ngumiti sa akin.

"Okay" tipid na sagot nito at pumasok na sa cubicle.

Bumaha ang pag alala sa dibdib ko at nagtalo ang dibdib at utak ko kung susundan ko ba sya sa loob ng cubicle or hihintayin ko si Lyka na lumabas at susuyuin ko sya at sasabihin ko na pumapayag na ako na di na puti ang isuot nya....

Pero bago pa ako nakapagdesisyon ay tumunog na ang cellphone ko at napamura ako sa isip ko ng mabasa ko ang text message.

Bumukas ang cubicle at lumitaw si Lyka, this time she wear an Ivory gown that makes her look divine pero di ko magawa na purihin ito because of what I've read....

"How about this Luc?" Tanong nito.

"Yes bagay yan sa iyo" sagot ko dito pero abala ako sa pagta type sa cellphone ko.
"Umm Lyka mabuti pa ihatid na kita kailangan kasi ako sa office may urgent matter lang na kailangan kong solusyunan" sabi ko.

"N---no it's okay itetext ko na lamang ang driver namin na sunduin ako... sige na" nakangiting sagot nito.

Sukat sa sinabi nya na yun ay lumapit ako at niyakap ko ito saka hinalikan ang tuktok ng buhok nito.

Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon