33.1

6.1K 153 7
                                    

Hindi ko mahapuhap ang boses ko,
Gusto ko na magsalita,
Gusto ko na yakapin si Tita Charlene at sabihin na na miss ko siya, dangan lamang at nagdadalang hiya ako dito.

Pakiramdam ko kasi ako yung other woman ni Luc at mga bastardo nya ang kambal namin,

Isa pa natatakot ako na baka magalit si Tita Charlie sa akin dahil sa katangahan ko at pagpatol kay Luc gayun alam na alam ko na naman na may Asawa't anak na ito.

Kaya hindi ko tuloy malaman ang uunahin na gawin ko.

Mahinang napatikhim ito at banayad na ngumiti sa akin.

"K--kamusta ka na Lyka?" Tanong nito sa akin.

"Ahm.....okay n--naman po ako...." nag aalangan man ay sinagot ko ito.

Nagulat pa ako nang yakapin ako nito.

"I'm glad nakita kitang muli Lyka...namiss kita hija...totoo yun" wika nito.
"Ang tagal na buhat nung huli tayong magkita" dagdag pa nito.

Naramdaman ko ang pag alsa ng saya sa dibdib ko sa tinuran nito.

"Ako din po Tita Charlie" nagpipigil na maluha na sagot ko dito.

"Sweetheart handa na daw ang meryenda tara na!" Mula sa likuran ko ay sabi ni Luc.

"Lucas....anak" ani Tita Charlie na bumitaw na sa pagkakayakap sa akin at tumingin kay Luc.

Napansin ko na natigilan si Luc pagkakita kay Tita Charlie pero agad na napalitan ng malamig at walang expresyon ang mukha nang una.

"Mommy, ba't ka naparito?" Malamig din ang boses na tanong ni Luc sa Ina nito.

Bagay na kinataka ko kasi parang nararamdaman ko na may something na nangyayari o nangyari pero hindi ko lang ma pinpoint kung ano yun kaya parang malamig ang pakikitungo ni Luc kay  Tita Charlie.

"Kasi Lucas, hindi ka pumunta sa birthday ko last month....ikaw lang ang wala anak...." may himig pagtatampo na sagot ni Tita Charlie kay Luc.

Natigilan ako sa narinig at nagtaka pagkat alam ko na hindi kailanman nawala si Luc sa mga okasyon ng pamilya nito lalung lalo na ang Birthday ni Tita Charlie

Pero nanlaki ang mga mata ko at lihim na napalunok pagkaalala na last month ay nasa Hospital kaming mag iina kaya marahil ay hindi nakapunta si Luc.

Hindi ko tuloy maiwasan na hindi ma guilty....

Pagkat kami nina Azel at Rael ang dahilan kung bakit malungkot si Tita Charlene.

"T---tita----"

"Lyka, iwan mo muna kami ni Mommy mag uusap lamang kami" utos ni Luc sa akin.

Nag aalangan man ay tumango ako at iniwan silang mag ina sa salas.....

_____________

"Lucas anak....si Lyka----"

"It's none of your business Mommy" agad na putol ko sa kung anuman na gustong sabihin nito.

"Anak..."

"I'm busy last month kaya hindi ako nakapunta sa Birthday nyo, I'm so sorry Mommy" sabi ko dito.

Bukod sa ayaw ko talaga na magpunta ay ayaw ko talaga na iwan sina Lyka, Azel at Rael,
Dahil mas kailangan nila ako that time.

Bumuntunghininga ito at saka nakailing na ngumiti.

"It's okay Hijo....I...understand" sagot nito.
"Si Lyka----"

"We're back together" sabi ko dito.

"A--anak si Gwen...paano na sya-----"

"She may rot in jail the hell I care!" Madilim ang mukha na sabi ko.

"Lucas----"

"Mommy stop!" Pigil ko sa kung anumang sasabihin pa nito.
"Hindi na magbabago pa ang isip ko, mabubulok na siya habambuhay sa kulungan!"

"Alam ko anak....p---pero hindi ka ba naaawa kay Gwyneth?"

"Why should I?" Maang na tanong ko dito.

"K--kasi kahit naman papaano itinuring ka nya rin na Tatay----"

"Stop Mom!" Naiiritang tinaas ko ang kanang palad ko para patigilin ito sa kung anuman na sasabihin nito.

"Hindi ko kaano ano ang bata na yun!" Giit ko.

"Lucas alam ko na galit ka kay Gwen dahil niloko ka nya at nagdamay pa sya ng batang walang kamuwang muwang para itali ka... pero anak walang kasalanan ang bata para idamay mo pa" sabi nito.

"Mommy kung naparito ka para lamang pakiusapan ako na iurong ang demanda kay Gwen at kunin ang anak nya sa mga mukhang pera nyang kamag anak at pagkatapos ay iuwi sa bahay nyo at kayo kamo ang mag aalaga dahil napalapit na sa inyo ang bata ay hinding hindi ko gagawin! I want to see her in misery" Sabi ko.

"Lucas!" Napapasinghap na lamang ito.

"Yes Mom, I want to see her suffer, make her regret deceiving and trapping me" sagot ko dito at tinalikuran ito.
"Even meeting me!"

Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon