20

5.9K 135 5
                                    

"Aww...." napapakagat labi na daing ko nang madama ang pagsipa ng baby sa tiyan ko.

Nahaplos ko ang may kalakihan ko nang tiyan.
Eight months na kasi ito at next month manganganak na ako.
Sa wakas makikita ko na, namin ni Luc ang anak namin.

"What happen Lyka?" Nag aalalang tanong ni Luc na nakalapit na pala sa akin ng di ko namamalayan.

Ibinaba nito ang tray na may kape para sa kanya at gatas naman para sa akin sa lamesita.

Ngumiti ako dito at pinagpatuloy ang paghaplos sa tiyan ko.

"Our baby just kicking, mukhang inip na inip na sya sa loob at gusto na nyang lumabas at makita tayo" natatawang biro ko kay Luc.

Napangiti na din si Luc at saka naupo sa tabi ko pagkatapos ay niyakap ako nito mula sa likuran ko.

Hinaplos din nito ang tiyan ko.

"Baby, kami din naman nang Mommy mo excited na sa paglabas mo" wika nito at inilapit pa ang tenga sa tiyan ko.
"Gusto na namin na malaman kung boy or girl ka ba or both?" biro pa nito.

"Sira!" Natatawang pinalo ko nang mahina ang braso nito.

Kapwa kami nangiti nang madama namin ang malakas na pagsipa ni Baby na tila ba natuwa sa sinabi ni Luc.

Time flew faster than I expected and all of that time Luc always there for me, di nya ako iniwan katunayan nga
He leaves his job para daw mas matutukan nya ang pag aalaga nya sa amin ni Baby.

Those months na magkasama kami ay halos di sya mawala sa tabi ko,
Lagi itong nakaalalay sa akin lahat ng mga gusto ko agad agad na ibinibigay nito, kahit na di pa ako nagsasalita tila alam na nya ang gusto ko,
In fact ini ispoiled nga ako ni Luc kaya naman naging madali para sa akin yun mga panahon na dapat ay nahihirapan ako sa paglilihi.

Masyado na nga ako nitong sinasanay sa presensiya na too the point na nawala na sa utak ko ang plano ko na iwan na ito at wag nang magpakita kasama nang anak namin.

Bumuntunghininga na lamang ako.

"Lyka?" untag nito.

"Hmm?" Hinagkan nito ako sa noo ko.

"Pag nakapanganak ka na dapat siguro sa Manila na tayo tumirang tatlo kasi, you see malapit sa lahat ng kailangan natin yun Condo unit ko" paliwanag nito.

Natigilan ako at napatitig dito.

"L---luc...."

"So what do you think?"  I gulp. uneasiness begin to spread in my chest.

"L---luc pag.....pag naka panganak na ako..." binasa ko ang bibig ko na nanunuyo na.
Pumikit ako ng mariin.

It's now or never.

"I want to go back to Canada together with my Ba------"

"No, Lyka!" Malakas na sansala ni Luc na namumula na ang mukha na halata ang tinitimping galit.

"P---pero Luc yun anak lang naman natin ang iniisip ko....ikaw, ano na lang ang iisipin ni Gwen? Ng anak mo? Ng mga magulang mo? Ng mga tao sa atin? Sa amin ng anak mo?" Nahihirapan ang loob na tanong ko dito.

"Ang mga magulang ko at si Gwen ay labas na sa ating dalawa, anak ko? Hah! And the hell I care with those stupid people di naman sila ang nagpapalamon sa akin" Napapailing na tumayo ito at nagsimula nang humakbang papalayo sa akin.

"L----luc san ka pupunta?" Nagpapanic na tanong ko dito.
Unti unti na naman kasing sumasakit ang tiyan ko, mas masakit kaysa kanina.

"Magpapalamig lang ng ulo at para mapag isipan mo na na dapat lang na nasa tabi ko lang kayo nang Anak ko dahil yun ang tama!" Di lumilingon na sagot nito at saka mabilis na lumabas ng muli ay sumigaw ako.

"L---luc wag mo akong Iwan!" Natatakot na wika ko dito.
Ramdam ko na may umaagos na mainit na likido sa mga binti ko at nang tignan ko ito ay mas lalong natakot ako nang makita ko na dugo pala ang umaagos sa mga ito.

"Luc! Luc! Bumalik ka Lucas please, please Lucas!" Sigaw ko pa at tinangka ko na maglakad para sundan ito pero tila manhid na ang mga paa ko at ayaw na nilang gumalaw.

"Lucas!" Naluluha na malakas na sigaw ko at nawalan na ako ng malay.....

"Luc....."

Selfish HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon