"Lucas!" Lumingon ako sa tumawag sa pangalan ko at nakita ko sa arrival area sina Ate Princess at si Kuya Mairo.
Marahil busy si Dawn pati na sina Kuya Percival at Pierro kaya ang dalawa ang sumundo sa akin.
"Ate Princess" agad na nakipagbeso beso ako dito ng makalapit ako.
"Kuya Mairo" nakangiti na tinapik nito ang balikat ko.
"Wow, mukhang hiyang ka sa America ah lalo ka kasing gumwapo" nangingiting puri ni Ate Princess sa akin.
Isang malakas na tikhim ang pinakawalan ni Kuya Mairo.
"Pero syempre mas gwapo pa din ang baby ko" ani Ate Princess at malambing na kumuyapit sa braso ni Kuya Mairo at kinintalan ng halik ang labi nito.
Kapwa kami napatawa ni Kuya Mairo sa inasta ni Ate Princess.
Ilang sandali pa ay magkakasama na kaming lumabas ng airport.
"Bakit nga pala kayo ang sumundo sa akin? Nasan ang kapatid ko o yun mga kapatid mo Ate Princess?" Nagtatakang tanong ko ng makapasok na kami ng sasakyan nila.
"Alam mo naman ang mga kapatid ko mga busy sa mga trabaho nila" sagot ni Ate Princess.
"At yung si Dawn naman may tour sa cebu kasama ang banda nya kaya naman ako na ang pinakiusapan ni Tita Charlie na sunduin ka, insan" dagdag pa nito.Napatango na lamang ako at di na kumibo pa saka pagal na inihilig sa headrest ang ulo ko.
_______________________
"Lucas!" Maluwang ako na ngumiti at sabik na sinalubong si Mommy na papalapit sa akin.
Hindi na bumaba ng sasakyan sina Ate Princess at Kuya Mairo dahil may date daw sila.
"I miss you Son" anito at saka niyakap ako ng mahigpit.
"I miss you too Mom...so much kayo nina Dad at Dawn" tugon ko dito.
Isa't kalahating taon din kasi ako sa America para dun maghanap ng donor ng bone marrow ko para tuluyang na akong gumaling.
Isa pa ay hindi ko talaga masikmura na maging parte ng katawan ko ang bone marrow ni Gwen.
Kahit pa natagalan ako bago nakahanap ng donor at tuluyan nang gumaling ay magaan ang kalooban na nangyari ang ninanais ko.
"And Gwyneth also miss you too" ani Mom na kinatigil ko.
Si Gwyneth ay ang anak ni Gwen na ang pagkakaalam ng pamilya ko ay anak ko rin.
"Lucas anak..." pukaw ni Mommy sa akin.
Kumurap kurap ako at pagkatapos ay pilit na ngumiti dito.
"Pupuntahan ko sila mam'ya" sagot ko dito.
"Okay....then tena at pinaghanda kita ng tanghalian...lahat paborito mo" anyaya nito at magkaakbay kaming nagpunta sa may kumedor.
____________________
"So....naalala mo pa palang umuwi mahal kong Asawa?" Anang tinig na kilalang kilala ko.
Huminga ako ng malalim at saka humarap dito.
Nakaupo ito sa kama ko, nakahalukipkip at naka dekwatro.
"Why not? As far as I know pamamahay ito ng mga magulang ko kaya uuwi't uuwi ako dito kasi this is where I belong" nakangising sagot ko dito.
"And kailan ka aalis sa bahay namin at buhay ko ha?" Lumapit ako sa closet at saka binuksan ito.
"Lucas mag asawa tayo!" Giit nito na kinangisi ko lalo.
Yeah....sa pagkakaalam mo at nilang lahat.... ani nang isip ko.
Humarap ako dito at nagkibit balikat.
"Sabi mo nga eh" tugon ko at saka humakbang papalapit dito.
Pagkaraan ay pinisil ko ang baba nito na kinasinghap niya.
"Pano mahal kong Asawa una na ako may lakad pa ako na mas importante kaysa sa iyo" yun lang at naglakad na ako palayo dito.....__________________
"Hey dude, kailan ka pa dumating?" Napangisi ako sa tanong ni Devin.
"Kani kanina lang pare" sagot ko saka nakipag fist bump dito.
"Tapos diretso ka agad dito?" Tumango ako dito.
"Malakas ka sa akin eh"
Namilog ang mga mata nito at napailing.
"Naku binola mo pa ako, halika na nga at pumasok na tayo sa loob at magpa party tayo buong magdamag" anito at kinayag na ako papasok sa loob ng mansion nito.
Libang na libang ako sa pakikipagkwentuhan kay Devin ng makaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya agad na nagpaalam ako dito na pupunta sa CR at tinawanan naman ako ng siraulo.
Nang matapos na ako ay mabagal ang mga hakbang na tinahak ko ang hallway.
Pero biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko ng matanaw ko ang pamilyar na pigura na papasalubong sa akin na kilalang kilala ko.
"Lyka...." anas ko at kahit na gusto ko na umikot at lumayo sa dalaga ay di ko magawa pagkat tila nadikit ang dalawang paa ko sa semento.
Nag angat ito ng tingin at napansin ko na namumula ang maamo nitong mukha, isa pa mabuway din ang paglalakad nito.
"Shit!"
Isa lang ang ibig sabihin nandito sa party na ito si Lyka at ang tanga tanga ko na hindi ko man lang nalaman at kung hindi pa ako nagpunta sa CR ay hindi ko pa makikita ito di sana'y hindi nalasing si Lyka.
Agad na lumapit ako dito.
"Lyka!" Maingat na inalalayan ko ito.
Nagpumiglas ito at pilit na lumalayo sa akin.
"Bitawan mho nga ahko!" Pagaril na angil nito.
"Ishushumbong kita sa B--boyfriend ko!"Tila tinarakan ng punyal ang puso ko sa sinabi nito.
Di yata't tuluyang na akong kinalimutan ni Lyka.....samantalang ako ay walang araw na hindi naaalala at nami miss ito....
"L---lyka...." tuluyan na niyakap ko na ito at pikit mata na sumubsob sa pagitan ng leeg at balikat nito.
"Ishushubong talaga kita sa boyfriend ko!" Angil nito at pilit na kumawala sa pagkakayakap ko.
"Ishushumbong talaga khita kay Luc!" Anito na tila muli na naman na kinahinto ng pagtibok ng puso ko.
"Lyka....ako...ako ang b--boyfriend na tinutukoy mo?" Pigil ang paghinga na tanong ko dito.
Naningkit ang malamlam na mga mata nito at nakipagtitigan sa akin.
"Bhaket shi Luc ka bha?" Balik tanong nito.
"Oh Lyka!" Muling niyakap ko ito ng halik at sabik na kinuyumos ng halik ang mapulang labi nito......