Author: Sana marami rin sumubaybay dito katulad sa AMKB. Sana mapakilig ko ulit kayo at ma-inspire po ulit. Maraming Salamat po. Paki-add nalang po muna sa reading list niyo. Kapag po maraming nagka-interes dito - pagpapatuloy ko po. Maraming salamat po.
Powell Jake Ricafrente PoV
"Tol tara na! Sama ka na maraming chix don! Orientation palang naman ee!" Yakag sakin ni Mike kaibigan ko.
First day of school kasi kaya halos karamihan sa mga prof namin ay nagpapa-fill-up lang ng classcards.
Kaya itong mga kolokoy kong mga kaibigan eh puro gala ang nasa isip. Niyayakag nila ako mag-inom sa likod ng school at marami daw silang inimbitahan na mga babae.
Mga babaero!
Kinukulit nga akong maigi ni Mike eh pati si Lorenze nakikikulet narin. MGA HAGOM! Hahaha! Halatang mga tigang na!
Sabagay ayos lang na maging ganyan sila dahil lahat naman kami ay may maipagmamalaking itsura. Pogi. Heartthrob. Yabang ko noh!?
Kahit pogi ako hindi ko naisip ang salitang MAMBABAE. Mali yun! Ayokong may makitang nalolokong tao. Masakit kaya ang masaktan. Naranasan ko na yun dati. Kaso ang pinagkaiba lang - namatay sa sakit yung dating girlfriend ko. Leukemia. Sobra nga akong masaktan dati.
Sa totoo lang hindi ko pa siya nakakalimutan. Kahit may girlfriend na ako ngayon ay hindi parin nawawala sa isipan ko si Angeline. Tama. Si Angeline yung girlfriend ko dati na namatay.
Maganda yun.
May malamlam na mata. Matangos na ilong. Kayumangging kulay ng balat at napakaamong mukha.
Mabuting tao kaso nga lang napakaiyakin. Matampuhin pa. Pero kahit ganoon yun mahal na mahal ko yun.May girlfriend ako ngayon. Si Danica. Mahal ko rin siya katulad ng pagmamahal ko kay Angeline. Hindi ko na ikukwento kung paano kami nagkakilala ni Danica. Masyadong mahabang kwento eh.
Ako nga pala si Powell Jake Ricafrente. 17 years old. Second Year I.T student. Gwapo na - pogi pa. Loyal ako at maginoo.
"Pasensya na Mike. Next time nalang. Susunduin ko pa si Danica eh" sagot ko sa kanya.
"Ewan ko ba sayo PJ! Kaya ang boring boring ng buhay mo eh!" Inis na sagot sakin ni Mike.
"Naku! Hayaan mo na yang si PJ. Mahal na mahal niyan si Danica eh!" Singit naman ni Lorenze.
"Alam mo tol dapat nag Pari ka nalang. Sige na nga! Sa sabado nalang tayo mag-inom" -Mike.
"Teka tol! Pano yung mga chikabeybs don? Sayang yun!" Maktol ni Lorenze.
Wala ng nagawa si Lorenze. Kaya eto nanaman kami at nagpi-fill-up ng classcards sa ibang mga subject.
Katulad nung first year pa kami kapag orientation ay maaga kaming pinapalabas ng room. Wala pa sigurong syllabus ang mga prof kaya hindi pa sila nagtuturo kapag first day of school.
Kaya nandito ngayon kami sa bleachers. Tambay lang. Palipas ng oras. Halata ngang nababagot na sila Mike eh. Sabi ko kasi aantayin ko pa si Danica. Magkaiba kasi kami ng schedule. May pang 6pm pa si Danica kaya may isang oras pa kaming maghihintay dito.
"Tol kung gusto niyo una na kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Magandang ideya yan tol. Una na kami. Ikaw lang naman ang may lovelife eh! Maghahanap na muna kami" kamot ulong sang-ayon ni Lorenze.
Naiwan na akong mag-isa dito sa bleacher. Naglalaro ng color switch. Kakainis nga eh. Hindi ako makaalis sa lever 24. Badtrip.
Tumingin ako sa digital clock ng cellphone ko.
6:40pm.
Nagsimula na akong maglakad papuntang room nila. Ganoon na kasi ang ginagawa ko dati pa kapag sinusundo ko siya.
"Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo!!?" Malakas na boses na narinig ko sa gawing kaliwa ko.
Mabilis kong idinako ang dalawang mata ko dun.
Nakita ko ang apat na lalake at isa pang maliit na lalake. Lalake nga ba yun?
Wala akong naririnig na salita dun sa lalaking sinigawan. Nakayuko lang ito habang dinadampot ang mga nalaglag na gamit nito.
May isang lumapit na lalake. Siguro napansin niya rin yung nangyayari kaya tutulungan siguro niya yung inaaway ng apat na lalake.
Nakatigil lang ako. Pinagmamasdan ko ang nangyayari at gagawin nung lalaking tutulong.
Nung nakalapit na yung lalake sa kanila ay kinuha nito yung bag ng lalaking inaaway.
Binuksan ang zipper ng bag at itinaob ito dahilan para magkalat lalo ang gamit nung lalake.
Ayos ah! Akala ko tutulungan niya! Tropa rin pala niya yung apat na lalake. Hindi ko alam kung anong course nila kasi naka-civillian pa kami ngayon. Pero base dun sa lalaking inaaway nila ay freshman ito. Pandak kasi ee. Sorry pero totoo lang sinasabi ko.
Pagkatapos damputin ng lalake yung mga gamit niya ay inilagay niya ulit iyon sa bag niya.
Kinuha ulit iyon ng isang lalaking kaharap niya at itinaas iyon. Pilit niyang inaabot pero dahil sa maliit siya ay hindi man lang niya magawang hawakan ito.
Nung aktong itataob ulit nung lalake yung bag ay hinawakan ko ang braso niya.
Hindi ko alam pero namalayan ko nalang na dinala na ako ng dalawang paa ko dito sa pwesto nila.
"Tol tama na. Isauli niyo na ang bag niya" mahinahong sabi ko dun sa lalake.
Nagtinginan sakin ang limang magkakaibigan. Yung tingin na kakaiba. Yung tingin na ano mang oras ay babanatan nila ako.
Kinuha ko yung bag na hawak ng lalake. Nung hawak ko na ang bag ay bigla nalang silang umalis at naglakad na palayo. Sigurado ako mainit na ang dugo sakin ng tropang iyon.
"Oh.." Sabi ko sa lalakeng kaharap ko.
Nakasuot siya ng salamin. Halatang malabo ang mata niya. Yung buhok niya? Okay na sana kaso mukhang kailangan ng trim. Makapal kasi eh. Sa likod ng salamin niya nagtatago ang malamlam na mata. Yung parang laging iiyak.
Pagkaabot ng bag niya ay mabilis na itong naglakad palayo sakin. Aba! Hindi man lang siya marunong magpasalamat!!? Itinaya ko ang buhay ko para lang iligtas siya tapos wala lang! Ayos ah!
Aktong tatalikod na ako nung napansin kong may Panyo sa lapag. Dinampot ko iyon.
Sigurado ako sa kanya to.
"Heyyy! Yung pan-"
"Bhe nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap" biglang singit ni Danica dahilan para hindi ko na natawag yung lalakeng nakaiwan ng panyo. Palihim kong nilagay sa bulsa ko yung panyo at sinalubong ko na si Danica.
"Pasensya na Bhe. Nag-CR kasi ako" palusot ko sa kanya.
"Osya - tara na. Dinner muna tayo" nakangiting sabi sakin ni Danica at kaagad inabresiete ang kanyang kamay sa braso ko.
Author: Sana magandahan kayo dito sa pinaplano kong story :)
Comment po kayo. Salamat po!
BINABASA MO ANG
Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong Love
RomanceMagandang Araw! Eto po yung susunod na story na gagawin ko pagkatapos ng AMKB. Chapter I lang po muna ang ipa-publish ko. Kapag po marami nagka-interes po dito - itutuloy ko po. Maraming Samalat po!