Yvan Marcus Hernandez

552 31 5
                                    

Kiss me.

Denis PoV

"Mukhang nag-eenjoy ka sa amo mo ah" sersyosong sabi ni Powell sakin habang naglalakad kami papuntang poso.

"Powell diba napag-usapan na natin ang tungkol dito? Hindi ko naman siya pwedeng iwasan dahil anak siya ng amo ko" pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Lyndsey hindi mo ba nahahalata na gusto ka niya! At hindi ko gusto yung mga ginagawa niya sayo" matigas na sabi ulit niya.

"Powell malabong mangyari na magkagusto sakin si Sir Yvan. Huwag mo ngang bigyan ng malisya ang pagsama ko sa kanya" giit ko.

"Malabo? Eh bakit ako? Nagkagusto ako sayo kahit na alam kong malabo! Lindsey nagseselos ako. Ayoko ng nagkakasama kayo"

"Bakit Powell ako ba natanong mo kung ano nararamdaman ko kapag magkasama kayo ni Danica? Natanong mo ba kung nagseselos ako? Hindi ko lang masabi kasi alam ko mali. Alam ko wala akong karapatan kasi nakikihati lang ako sa oras mo" mahabang paliwanag ko sa kanya.

Nilapitan niya ako at niyapos niya ako.

"Sorry Beyb.. nabwelo lang ako. Kapag okay na lahat makikipaghiwalay na ako sa kanya para maging maayos na relasyon natin" pang-aamo niya sakin.

"Hindi ko naman sinasabing hiwalayan mo siya Powell. Mali iyon. Ako ang unang magagalit sayo kapag ginawa mo yun. Huwag mo ng dagdagan pa ang pagkakamaling ginagawa natin" kontra ko sa sinabi niya.

Wala na siyang nasagot sa sinabi ko. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at sinumulan nanaman niya akong halikan. Ito ang isa sa mga ginagawa namin ni Powell na hinahanap hanap ko. Napapikit ako dahil sa sensasyong nararamdaman ko.

"Mahal na mahal kita Lindsey..." mahinang sabi niya nung bahagyang umawang ang nga labi namin at muli niyang pinagdikit. Bigla akong napatigil sa pagganti ng halik nung biglang nagpicture sa isipan ko ang mukha ni Sir Yvan. Napicture ng isipan ko na siya ang kahalikan ko kaya natigilan ako sa ginagawa ko.

"Bakit?" Takang tanong ni Powell sakin.

"Wala.. balik na tayo.. baka hinahanap na tayo don" sabi ko sa kanya.

"Teka hindi pa ako nakakapag-ugas" kontra niya.

"Huwag na. Alam ko naman na gumawa ka lang ng paraan para makausap ako" nakangiti kong sagot sa kanya.

Sinabayan niya ako sa paglalakad at kaagad na pinagdikit ang kamay naming dalawa.

"Tabi tayo matutulog mamaya ha" ngising sabi niya habang naglalakad kami pabalik.

"Hindi pwede noh! Katabi mo si Danica. Baliw ka talaga!" -Ako.

"E di sisimplehan natin" mapang-akit niyang sabi sakin.

"Ikaw talaga! Napaka-ano mo! Simplehan mo mukha mo!" Inis na sagot ko sa kanya.

"Bahala ka. Lagot ka sakin mamayang gabi. Gagapangin kita" patuloy na pang-aasar niya sakin.

"Tumigil ka nga Powell Jake! Umayos ka na. Malapit na tayo" -Ako.

"Ayos na ayos na nga ako eh" -Siya.

"Yung kamay ko bitawan mo na" pasimpleng sabi ko sa kanya at saka lang niya binitawan nung ikinakawag ko na ang kamay ko.

"Oh ayan pala sila. Tara na para makapag-ayos para makapunta tayo sa palengke" sabay turo samin ni Lorenze.

"Lets go" salubong sakin ni Sir Yvan at inakay ako sa kamay dahilan para mapatingin nanaman sakin si Powell. Jusko naman. Katatapos lang namin mag-usap tapos ganoon nanaman siya makatingin sakin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Woooooooow! Ang daming pagkain!" Napakasayang bungad ni Lorenze nung makita ang mga pagkaing nakahanda sa bakuran namin.

Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon