Denis Lindsey PoVNatigilan ako dahil sa mga reaksyong nakita ko.
Takte! Ano ba ang gagawin ko?
"Lindsey??" Takang tanong ni Danica kay Powell.
"Ahh.. Denis Lindsey kasi ang fullname ni Denis.." Biglang singit ni Sir Yvan.
"Paano mo nalaman bhe na buong pangalan niya?" Takang tanong ulit ni Danica.
Takte naman! Bakit ba kasi bigla bigla nalang nagsasalita itong si Powell! Kinakabahan tuloy ako sa sitwasyon namin.
"Ahh.. Nakita ko sa ID niya kahapon. Parang mas bagay sa kanya kaya bigla ko nalang natawag sa pangalan niyang iyon" nakangiting palusot ni Powell. Jusko! Wag naman sanang maalala ng mga ito na wala akong suot na ID kahapon.
"Ahh.. Ang cute pala ng name mo Denis" -Lorenze.
"Oh pano? Bili lang muna kami" sabi ulit ni Powell at sumabay na sa paglalakad sakin.
"Muntik na tayo dun Beyb..." Mahinang sabi niya sakin.
"Beyb mo mukha mo! Kinabahan ako kanina. Bakit ba kasi naisipan mo pang sumama sakin!" Reklamo ko sa kanya nung napansin kong medyo malayo na kami sa cottage namin.
"Syempre naman. Namimiss na kita. Wag ka mag-iinom mamaya ha! Lagot ka saken!" Bilin niya.
"Konti lang. Baka isipin naman ng mga kaibigan mo KJ ako. Ikaw ang wag maglalaseng! Baka mamaya kung ano nanaman ang maitawag mo saken!" Mahabang pagsagot ko sa kanya.
Nagulat nalang ako ng bigla niya akong hinila sa gilid ng malaking arko. Sinandal niya ako sa pader at ikinulong niya ang magkabila kong katawan ng magkabila niyang braso.
"Imissyou so much beyb..." Mapangakit niyang sabi sakin.
Wala akong masabi. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Kitang kita ko ang napakalamlam at napakaganda niyang mata. Dahan dahan lumalapit ang mukha niya sa mukha ko.
Naramdaman ko nalang na magkalapat ang aming mga labi. Napapikit ako. Napasabay na ako sa bawat pagpihit ng kanyang ulo.
Naririnig kong tumutunog ang cellphone ko. Kinapa niya iyon habang magkadikit ang aming nga labi. Matapos niyang kapain iyon ay nawala ang tunog na senyales ng may tumatawag sakin.
"Bakit mo kinansel? Baka importante yung tawag na -"
Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nung bigla ulit niya akong siniil ng halik.
"Wag ka maglalaseng beyb ha... Magkita tayo mamaya. Tatawagan kita..." Sabi niya matapos maghiwalay ng aming mga labi.
Sa totoo lang. Nakakatakot at nakakakaba itong pinasok ko, pero hindi ko naman pwedeng lokohin ang sarili ko. Gusto ko na si Powell. Kahit alam kong mali. Kahit alam kong ako gumagawa ako ng bagay na pwedeng ikasira ng ibang relasyon, di ko na mapigilan.
Matapos naming bumili ng alak ay kaagad na kaming bumalik sa cottage.
"Oh bakit ang tagal niyo? San pa ba kayo nagpunta?" Puna samin ni Mike habang may hawak hawak na bbq.
"Dami kasing bumibili..." Mahinang sagot ko.
"Osya. Akina na yan. Ako na magpapaikot ng tagay" sabay kuha ni Lorenze sa bitbit ni Powell na alak.
Nagsimula na kaming mag-inom. Katabi ko sa upuan si Sir Yvan. Sa harap naman namin ay si Powell at si Danica. Sa magkabilang gilid naman ay si Lorenze at si Mike.
Naiilang nga ako eh. Napapansin ko kasing natitig sakin si Powell sa tuwing iinumin ko ang tagay na inaabot sakin. Nakakainis! Baka makahalata na itong mga kasama namin.
"Oh tulala ka nanaman diyan PJ!" Puna ni Mike dahilan para tumawa si Lorenze.
"Naku! Alam ko na kung bakit ganyan yan! Excited na yan para mamaya!" Singit ni Lorenze habang natawa.
"Langya ka! Puro nanaman kayo kalokohan!" Sagot ni Powell para lalong nagtawanan sila.
"Ano yang pinag-uusapan niyo ah" pagsali naman ni Danica.
"Wala! Sorpresa nalang ni Powell yun!" Malakas na sagot ni Mike.
"Puro talaga kayo kalokohan!" -Danica
Nagpatuloy kami sa inuman. Kwentuhan ng kung anu-ano hanggang sa natuon ang pag-uusap tungkol sakin.
"Ikaw Denis may boyfriend ka na?" Biglang tanong sakin ni Mike habang hawak ang baso na may malamang alak.
Muntik na nga akong masamid nung bigla niya akong tinanong eh. Nakain kasi ako ng bbq nung naisipan niya akong tanungin.
"Ahh... Wala... Wala pa sa isip ko yang bagay na yan..." Nauutal kong sagot.
"Weewwwww! Pero may natitipuhan ka na sa school?" Muling tanong niya.
Ano nga ba ang isasagot ko? Sasabihin ko bang meron kahit wala? Dahil yung natitipuhan ko ay boyfriend ko na? O sasabihin kong meron para hindi na nila maisipang magduda?
Habang nag-iisip ako ay napatingin ako kay Powell. Yung tingin na para bang gusto niyang sabihin na sabihin ko na may boyfriend na ako. Takte naman oh! Ang hirap ng ganito!
"Meron naman po... Pero... Hindi pwede eh.. Saka sa ganitong sitwasyon ko imposibleng maging kami non nu!" Sabi ko nalang sabay ngiti sa kanila.
"Alam mo Denis, sa tingin ko matatagpuan mo rin yung tamang tao para sayo.. Hindi naman porket ganyan ka ay wala ng seseryoso. Sabi nga nila lahat ng kaldero ay may sariling takip" mahabang paliwanag ni Lorenze.
"Eh kung ihampas ko kaya sayo yang takip ng kaserola! Ang dami mong sinasabe! Bilisan mo shot!" Malakas na sigaw ni Mike dahilan para magtawanan kami.
"Eh ikaw naman Yvan? May girlfriend ka na ba?" Biglang tanong ni Danica.
"Actually, wala. Kaplastikan naman kung sasabihin kong wala akong nagugustuhan - meron, pero alam kong hindi kami pwede nun" mahabang sagot ni Sir Yvan.
Arte naman nitong si Sir!
Sa itsura niyang iyan hindi siya magugustuhan ng babaeng nagugustuhan niya? Imposible! Gwapo, mayaman, edukado at higit sa lahat... Malaki... Malaki ang katawan... Ayy ano ba itong mga pumapasok sa isipan ko!"Bakit hindi mo subukang itry? Malay mo naman magustuhan ka din nun" sabay naman ni Lorenze.
"Saka na. Di pa ito ang right time" tipid na sagot ni Sir.
"Alam mo Yvan - kung naging babae lang itong si Denis, ipupush ko kayong dalawa. Para kasing compatible na compatible kayong dalawa" sabi ni Danica na halatang may tama na ng alak.
Takteng babae to ah!
"Oo nga pre! Baket hindi nalang yang si Denis ang ligawan mo!" - Mike
"Tumigil nga kayo diyan! Baka mailang pa satin ang bisita natin. Change topic na" pabalang na sabat ni Powell sa usapan na naging dahilan para sa kanya mapunta ang atensyon ng lahat.
Author: pengeng comments and votes. Salamat po ng marami!
😁😁😁😁
BINABASA MO ANG
Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong Love
RomanceMagandang Araw! Eto po yung susunod na story na gagawin ko pagkatapos ng AMKB. Chapter I lang po muna ang ipa-publish ko. Kapag po marami nagka-interes po dito - itutuloy ko po. Maraming Samalat po!