Torn.
Yvan Marcus PoV
Wednesday.
Maaga akong nagising o sabihin ko ng maaga ko talagang in-alarm ang cellphone ko. Pakiramdam ko kase excited ako ngayong araw na ito eh.
"Oh Yvan ang aga mong gumising ah! Halika at sumabay ka na samin kumain ng Mama mo" sabi sakin ni Daddy nung nakita niya akong pababa ng hagdan.
"Ang alam ko mamaya pa pasok mo anak ah" sabi naman ni Mama habang nakain.
Biglang sumulpot s Denis sa tagiliran ko at nilagyan ako ng plato sa table. Napatingin ako sa kanya at nginitian niya ako.
Tangna!
Bakit parang may kumiliti sa kalooban ko."Juice or water po Sir?" Tanong niya sakin.
"Si Denis ang nagluto ng breakfast ngayon Yvan. Namalengke kasi ng maaga si Manang eh" singit naman ni Daddy.
"Tubig nalang..." Mahinang sagot ko.
"Diba mamaya pa pasok mo Yvan?" Pag-uulit ni Mama.
"Mamaya pa Ma..." Sagot ko.
"Sir, Mam mag-aayos lang po ako. Maaga po kasi ang pasok ko..." Paalam ni Denis.
"Sige Denis... Maaga pala pasok mo. Dapat si Rose nalang ang pinag-asikaso mo dito kanina" sagot naman ni Daddy.
"Okay lang po Sir.. Sige po" magalang naman na sagot ni Denis.
"Ahh.. Denis sabay na tayong pumasok" bigla ko nalang nasabi sa kanya.
"Diba mamaya pa pasok mo anak?" Puna ni Daddy.
"Ahh.. May usapan kasi kami ng tropa Dad. Pag-uusapan namin yung lakad namin mamaya. Saka Dad naipagpaalam ko na sayo si Denis diba? Baka 2 days kami don" mahabang dahilan ko kay Daddy.
"Two days Sir? Akala ko po ba On-"
"Pagbigyan mo na Denis. Buti nga at nawiwili na dito yang si Yvan" singit naman ni Mama.
Matapos ang usapan ay mabilis na bumalik na nagpaalam si Denis at sinabi niyang mag-aayos na daw siya.
Sa totoo lang wala naman talaga kaming balak gumala ng tropa o planong magpunta kung saan eh. Ako lang ang biglaang nagyakag. Hindi ko rin kase maintindihan ang sarili ko.
"Huwag ka na masyadong magdala ng damit. May baon narin ako. Dito mo ilagay yung ibang damit mo" sabi ko sa kanya sabay abot ng bag ko. Gusto ko kasi magkasama ang gamit naming dalawa.
"Halika na Denis.. Baka ma-late ka pa sa first subject mo" sabi ko sa kanya at mabilis kong dinampot ang gamit namin.
"Oh bakit diyan ka uupo? Tara dito sa tabi ko oh!" Sabi ko sa kanya nung aktong bubuksan na niya ang pintuan sa likod.
"Salamat po" sagot niya nung nakaupo na siya.
Sinimulan ko ng paandarin ang sasakyan ko. Kapwa kami tahimik. Awkward nga eh.
"Ahh Deni-"
Hindi ko naituloy ang dapat na sasabihin ko nung bigla kong narinig tumunog ang cellphone niya. Kaagad niyang kinuha ang cellphone niya sa kaliwang bulsa niya.
"Hello..."
Sigurado ako si PJ nanaman yun.
Kakainis!
"Papasok na.. Kasabay ko si Sir Yvan..." Mahinang sagot niya sa kausap niya sapat na para marinig ko.
Tinatanong siguro ng impaktong si Pj kung sino ang kasama ni Denis. Eh ano ba masama kung ako kasama ni Denis? Anak ako ng amo ni Denis kaya normal lang naman diba? Buset na lalake yon!
BINABASA MO ANG
Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong Love
RomanceMagandang Araw! Eto po yung susunod na story na gagawin ko pagkatapos ng AMKB. Chapter I lang po muna ang ipa-publish ko. Kapag po marami nagka-interes po dito - itutuloy ko po. Maraming Samalat po!