When You Tell Me That You Love Me
Powell Jake PoV
Magkakasama kami ngayon sa iisang table nila Lindsey. Tinawag kasi ni Danica at niyaya dito.
Hindi ko naman inaasahang magkakakilala si Danica at si Yvan.
"Oh ayan - tropa tropa na tayo ah!" Ngiting sabi ni Danica sa kanila.
Magkatabi kami ni Danica. Sa kaliwa naman namin nakaupo si Lorenze at si Mike. Si Yvan ay nasa harapan ni Danica at nasa harapan ko naman si Lindsey.
"Order muna ako ng pagkain..." Narinig kong sabi ni Yvan.
"Ayy Sir ako na po... May bibilihin din po kasi ako..." Prisinta ni Lindsey.
"Oorder narin ako ng pagkain natin... Ano gusto mo bhe?" Biglang sabi ko kay Danica at sa tropa.
"Tacos nalang sakin bhe saka iced tea"
"Iced tea at sandwich nalang samin ni Lorenze" -Mike
Kinuha ko agad ang pera na inaabot ni Mike.
"Sir ano po gusto niyo?" Tanong ni Lindsey kay Yvan.
"Kung ano ang oorderin mo m, yun nalang din sakin" diretsong sagot ni Yvan.
Tumayo na si Lindsey. Tumayo narin ako para sumabay sa kanya.
"Sensya na ha.. Hindi ko alam na magkakilala pala sila" mahinang sabi niya sakin habanh naglalakad kami papunta sa stall ng pagkain.
"Okay lang yun. Mas maganda nga yun kasi makakasama na kita palagi.. Namimiss na kita.." Sagot ko sa kanya.
"Anong oras ang tapos ng klase mo?" Tanong konsa kanya habang naorder kami ng pagkain.
"Hanggang 5:30 pa ang klase ko tapos dadaan pa ako sa puregold para mag-grocery para sa bahay" sagot naman niya habang kinuha ang inaabot na order niyang frenchfries at iced tea.
"Sa puregold Tanza?" Tanong ko sa kanya.
"Oo. Para malapit na sa bahay" -Lindsey.
"Pwede ba akong sumama sayo?" Mahinang tanong ko sa kanya habang naglalakad na kami pabalik sa table namin.
"Huwag na... Baka hanapin ka ni Danica.. Tawagan mo nalang ako mamayang gabi" sabi niya at bahagyang nauna na sakin sa paglalakad.
Inilapag ko ang order namin.
Nagsimula na kaming kumain at magkwentuhan."Anong gusto niyo guys? Overnight?" Biglang tanong ni Danica samin habang nakain kami.
"Okay yan Danica. Wala naman pasok kinabukasan. Ano deal?" Masayang sangguni ni Mike.
"Ano sa tingin niyo?" Ngiting tanong ni Danica kay Yvan at Lindsey.
"No probs. Were in" tipid na sagot ni Yvan.
Nagpatuloy ang kwentuhan namin. Hindi nga ako masyado nagsasalita kasi palihim na nakatuon ang atensyon ko kay Lindsey. May pagkakataon din na napapatingin siya sakin. Kinikilig nga ako eh. Sana lang ay hindi nila naririnig ang tibok ng puso ko.
"Hi... Excuse me po..." Sabay sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses.
Nakatingin siya kay Lindsey.
"Pwede ko bang makuha ang number mo?" Diretsong tanong nung lalake kay Lindsey.
Ang kapal ng mukha ng lalakeng ito ah! Hindi ba siya nahihiyang kumuha ng number basta basta!
Ewan ko lang kung ibigay sayo ni Lindsey ang number niya! Kapal neto!
"Ayos ah! May admirer ka na pala Denis!" Ngising kantyaw ni Lorenze.
Ngiti lang ang sinagot ni Lindsey at dahan dahan inangat ang kamay niya para kunin ang inaabot na cellphone nung lalake.
Takte! Huwag mong ibinigay Lindsey! Ako lang ang pwede mong makatext at kausap sa cellphone! Tayo na diba!?
Biglang hinirang ni Yvan ang kamay niya dahilan para siya ang kumuha ng cellphone na inaabot ng lalake. Pumindot siya sa cellphone at inabot pabalik ang cellphone sa lalake.
"Here's my number. Just in case you need to contact him - just call me. I'll give my phone to him" sarkastikong sabi ni Yvan sa lalake.
Wala ng nagawa yung lalake kundi umalis. Nagpasalamat naman ito at hindi nagpakita ng pagkadismaya.
Hindi ko alam kung bakit ginawa ni Yvan yun pero laking pasasalamat ko at hindi niya hinayaan na maibigay ni Lindsey ang number niya.
Lagot sakin mamaya itong si Lindsey. Papagalitan ko siya. Hindi naman tama ang basta basta nalang magbigay ng number diba?
"Pwede magtanong?" Bigla nanamang singit ni Danica patukoy kay Lindsey.
"Ano po iyon?" Magalang na sagot ni Lindsey.
"Ano ka ba! Wag mo na ako i-po... Bakit nga pala Sir ang tawag mo kay Yvan?" Takang tanong niya.
"Ahh... Kasamba-"
"He's my personal secretary..." Bigla nanamang sagot ni Yvan.Napansin kong napatingin si Lindsey sa kanya. Hindi naman kasi totoong secretary si Lindsey eh.
"Ahh kaya pala... Alam mo Yvan kung hindi mo sinabing secretary mo si yang si Denis ay iisipin ko may relasyon kayo.. Bagay kasi kayo" singit naman ni Mike.
Muntin na akong masamid nung marinig ko iyon. Buti nga at hindi ko naibuga.
Hindi ko nagustuhan ang sinabi ni Mike ah! Pasalamat siya at marami kami. Kung hindi naku! May paglalagyan siya!
"Joke lang yun ha..." Sunod niyang sabi sabay tawa. Nagtawanan rin sila Danica at nakitawa rin si Lindsey.
"Sir una na po ako. 5mins nalang po start na klase ko... Salamat po sa pagsabay" paalam ni Lindsey at kaagad ng tumayo mula sa upuan at isinukbit ang bag niya.
Nagsimula ng maglakad papalayo si Lindsey. Sinusundan ko lang siya ng tingin. Pinipigilan ko kasi ang sarili ko na sundan siya. Gusto ko kasi siyang makausap ulit at makasama. Parang ang tagal tagal na kasi ng lumipas nung huling usap namin.
"Oh ang layo naman ng tingin mo Pj!" Sita sakin ni Lorenze.
"Oo nga bhe.. May problema ba?" Dugtong naman ni Danica.
Putangnang tong si Lorenze eh! Pansin ng pansin!
"Ah.. Wala bhe.. Excited lang ako para bukas" palusot ko sa kanya at itinuon ko na ang mata ko sa pagkaing nasa harapan ko.
Author: short update lang po ulit.
Salamat sa comments and votes :)
BINABASA MO ANG
Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong Love
RomanceMagandang Araw! Eto po yung susunod na story na gagawin ko pagkatapos ng AMKB. Chapter I lang po muna ang ipa-publish ko. Kapag po marami nagka-interes po dito - itutuloy ko po. Maraming Samalat po!