Sino pwedeng ka-date sa Valentines? :) tara! 😍☺️☺️😍
Yvan Marcus PoV
"Baket Sir? Choosy ka pa saken sir?"
Bigla ako natigilan nung narinig ko ang reaksyon ni Denis. May kung ano akong naramdaman sa sarili ko dahilan para hindi ko masagot ang tanong niya.
"Hala! Denis!" Nakangising sabi naman ni Wilbert.
"Hahaha! Biro lang po Sir. Masyado po kasi kayong seryoso diyan. Petiks lang tayo sir" ngising dugtong ni Denis.
May tama na nga ng alak itong taong ito. Ganito ugali niyan kapag nakakainom eh. Nawawala yung hiya. Nagiging bibo.
"Denis yung totoo, may boyfriend ka? Mamatay na sinungaling!" Balahurang tanong nung kasama nila Paul. Sheryl ata pangalan nun.
"Uurin na tumbong kapag nagsinungaling!" Muling dugtong ni Sheryl dahilan para magtawanan kaming lahat.
Natuon ang atensyon namin kay Denis. Napansin kong lalong namula ang dalawang pisngi niya. Kinakabahan sigurado.
"Oh eto oh.. para lumakas loob mo" sabay lapag ni Melvin ng isang bote pang alak. Kinuha iyon ni Denis at tumungga don.
"Okay okay.. meron po akong boyfriend" diretsong sagot ni Denis.
"Ang tipid mo naman sumagot. Describe mo saka ano pangalan?" Interesadong tanong ni Sheryl.
"Alalahanin mo ang sumpa ko! Malakas ako sa kampon ng kadiliman! Naku! Uuurin yang bataan mo!" Pananakot ni Sheryl.
"Aaa.. Pj po pangalan niya... saka wala pa po ako masyadong alam sa kanya kasi bago palang po kami..." nahihiyang sagot niya.
"Nu kaba! Wala ka dapat ikahiya. Gusto mo papuntahan natin dito. Para naman makilala namin" sabi naman nung katabi ni Paul. Den ata pangalan niya.
Teka teka! Mukhang hindi ko gusto ang inuudyok nito ah! Ayoko nga pasunurin si Pj dito! Ginagawa ko nga lahat para hindi sila magkasama ni Denis tapos papasunurin dito!
"Hey guys! Shot! Paano tayo makakarami niyan!" Pag-iiba ko ng usapan.
Hindi masyadong nagsasalita si Paul. Kanina ko pa yun napapansin hindi ko lang sinasabi sa mga kasama ko. Naramdaman ko rin ang biglang pagdali sa usapan ni Den at bahagyang lumayo ng upuan kay Paul.
Parang mali ata.
Haaay naku. Ayoko pakialaman. Iba ang istorya nila sa istorya namin dito. Sadyang magkakakilala lang kami.Saglit namin itinigil ang inuman. Magkakasunod kaming lumusong sa pool at pinagpatuloy ang kulitan.
"Hey! Denis! Tara dito! Pampawala ng tama ng alak!" Malakas na sigaw ni Luis.
Nagpaiwan kasi si Denis sa table. Sinabi niyang mamaya na siya at susunod na lang.
"Sige.. sunod nalang ako... wait lang" sagot niya habang hawak ng kabilang kamay niya ang cellphone niya habang nakatapat sa tainga.
Sino kausap?
Sino pa! E di si Pj abnormal!Ilang sandali lang ay itinago na ni Denis ang cellphone niya sa bag namin at sumunod na dito sa pool.
"Oh dahan dahan!" Masungit na sita ko sa kanya nung bahagya dumulas ang paa niya habang nalusong ng pool.
"Hoy Den! Wag kang patanga tanga! Baka malunod ka nanaman!" Malakas na sigaw nung Sheryl.
Naglalaro ng bola sila Melvin at Wilbert kasama sila Jerome at ang ibang kasama namin. Kami naman ni Denis at Luis ay nandito lang sa gilid at pinapanuod sila.
Napapansin ko nga na mukhang may hindi pagkakaintindihan si Paul at yung kasama nilang si Den. Pansin ko yun. Nag-iba kasi bigla ang aura ni Den. Napapansin ko rin ang malamlam na tingin ni Jerome.
Naagaw muli ang atensyon ko sa mga naglalakad nanaman paparating. Mukhang tama nga ang balita ko dito. Dinadayo talaga ng mga tao itong resort na ito.
"Wilbert!" Narinig kong pagtawag nung lalake kay Wilbert. Panandalian umahon si Wilbert at nilapitan yung lalakeng tumawag sa kanya.
Nakita ko silang nagkukwentuhan hanggang sa lumapit na yung mga kasama nung kausap ni Wilbert.
Tangina! Baket nandun si Pj!?
Nakita kong nakatingin sa lugat namin ni Denis si Pj. Ngumiti ito. Alam kong si Denis ang nginitian nito. Nilingon ko ang katabi kong si Denis at yumuko lang siya.
"Nagkataon lang po sir... mga kaibigan niya po yang kasama niya..." sabi niya.
Hindi na ako sumagot. Wala naman akong karapatan magalit. Nakakaramdam lang ako ng inis. Naiinis ako dahil mararamdaman ko nanaman ang selos na naramdaman ko nung sinundo siya ni Pj nung nag-outing din kami.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Guys, si Jake nga pala" pagpapakilala ni Wilbert."Jake, mga kaibigan ko" pagpapakilala naman ni Wilbert samin matapos isa isahin ang mga pangalan namin.
"Guys, mga kaibigan ko nga pala. Si Sean, Sir Migs (Sir Yes Sir Story), Si Aira, Pj, pinsan ko si Jacob at ang girlfriend ko si Lelay (Babaeng di Kagandahan Story)" pagpapakilala naman ni Jake.
Nagkatinginan kami ni Pj. Kung dati ay maayos ang tinginan namin, iba na ngayon. Naramdaman ko kasi ang pagkadisgusto niya sakin. Lalo na ako. Ayoko ko sa kanya! Ayoko sa kanya para kay Denis!
"Tara Join na tayo sa isang table" alok ni Wilbert.
"Teka pre, may sarili silang cottage... baka ma-"
"Okay lang. Mas maganda nga na magkakasama na tayo. The more the merrier diba?" Nakangiting sangguni nung Sean.
Kaya wala na akong nagawa. Nagdugtong ng panibagong lamesa ang mga kaibigan ni Wilbert at nakisali at nakijoin narin samin.
Ang mas kinaiinis ko pa ay pinaggigitnaan naming dalawa ni Pj si Denis. Sinadya talaga ni Pj na tabihan si Denis. Nahalata ko yun. Kakaiba kasi yung tingin ni Pj kay Denis.
"Oh bakit bigla kang natahimik diyan Yvan?" Puna sakin ni Melvin.
"Ah wala.. shot!" Sagot ko at pag-iiba ko ng usapan.
"Ayy! Balik tayo sa usapan!" Muling malakas na sigaw ni Sheryl.
"Oyy Denis idescribe mo samin yung Boyfriend mo saka ano pangalan niya? Kala mo makakaligtas ka sakin ah!" Kasunod nun ay ang pagtawa ni Sheryl.
Author: Salamat po sa pagbabasa.
Yung mga kaibigan po ni Wilbert ang mga characters sa 'Babaeng di Kagandahan" pakiadd po sa reading list niyo. Maraming salamat po!
BINABASA MO ANG
Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong Love
RomanceMagandang Araw! Eto po yung susunod na story na gagawin ko pagkatapos ng AMKB. Chapter I lang po muna ang ipa-publish ko. Kapag po marami nagka-interes po dito - itutuloy ko po. Maraming Samalat po!