Sir! Ako pa!

576 29 4
                                    

Hi Tristan. Salamat po sa marshmallows.
(Nakasalubong ko siya nung nakaraan sa SmRosario tapos bigla niya akong nilapitan at tinanong niya ako kung ako ba daw si Den at author ng AMKB. Napatango lang ako tapos may kinuha sa paper bag tapos inabot saken yung marshmallows. Hahaha. Nalaman daw niya sa story ng AMKB na paborito ko ang marshmallows.) salamat talaga Tristan. Wag ka mag-alala. Tama po yung binigay kong # ko sayo.

Godbless po. 😘😘😘

Yvan Marcus PoV

"Oh wala ka nanaman sa sarili mo Yvan?" Basag ni Wilbert sa katahimikan ko habang inaantay namin sila Zack.

"Ha?" Maangan ko sa kanya.

"Kunwari ka pa. Alam ko naman na si Denis ang iniisip mo" biglang singit ni Melvin sa usapan.

Sabihin ko na nga ang totoo. Simula nung sumunod si Pj nung outing namin at sinundo niya si Denis at nawala ako sa sarili ko. Yung balisa ako at nanghihinayang dahil hindi ko man lang nagawang pigilan sa pagsama si Denis kay Pj.

Hindi ako nginingitian ni Pj at halata sa mukha niya ang pagkadisgusto sakin. Dahil siguro yun sa naging usapan namin nung sinagot ko ang pagtawag niya sa cellphone ni Denis.

"Pre asan si Denis?" Biglang tanong ng bagong dating na si Luis.

Isa pa itong lalakeng ito. Halata ko sa kanya na interesado siya kay Denis.

"Wala uma-"

"Hey Denis!" Masiglang tawag ni Luis kay Denis habang paakyat ito ng hagdan.

"Sama ka samin Denis!" Sabi ulit ni Luis.

"Naku pasensya na po. Marami pa po akong gagawin. Umalis po kasi si Rose kaya ako ang gagawa ng mga gagawin niya" mahabang pagtanggi ni Denis nung nakalapit na siya samin.

"Ako bahala. Oy Yvan magha-hire ako ng part time para gawin yung gawain ni Denis. Gusto ko siya isama" makapal na mukha na sabi ni Luis.

Kakabwiset to ah!

"Tumigil ka nga Luis Franco! Talagang kasama si Denis sa lakad natin!" Inis na sagot ko.

"Yown! Osya Denis mag-ayos ka na. Inaantay lang natin si Zack and then aalis na tayo" masiglang sabi nanaman ni Luis.

"Sir Yvan hindi po ako makakasama. Wala po mag- aayo-"

"Ako na bahala. Natext ko na si Daddy at sinabi kong isasama kita. Huwag mo na problemahin iyong mga aayusin mo. Pauwe na si Rose" putol ko sa pagtanggi niya.

Hindi siya pwedeng tumanggi. Iniwan na nga niya ako nung nag-outing kami tapos tatanggi pa siya ngayon. Di ako papayag noh!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Nice place ah!" Manghang sabi ni Zack nung nasa harapan na kami ng Villa Nuevo. Indang.

"Tara na! Excited na ako maligo" masayang singit ni Melvin.

"Baket first time mo ba maligo Vhino?" Pang-aasar ni Zack dahilan ng pagtawa nila Cassandra at Denis.

"Akina yang gamit. Ako na magdadala" sabay kuha ko ng bag na nakasukbit sa balikat ni Denis. Wala na siyang nagawa kundi hubarin at igawi na sakin.

"Tara na" ani naman ni Luis at mabilis umakbay kay Denis.

Aba! Hindi pwede tong ginagawa ni Luis ah!

"Denis nakalimutan ko pala sa kotse yung charger. Kunin mo nga dun sa driverseat" utos ko sa kanya dahilan para mapatigil sila sa paglalakad at bumalik si Denis sa kotse.

"Sir wala po sa kotse.. baka po nakalimutan natin sa bahay" magalang naman niyang sabi sakin matapos niyang icheck ang sasakyan.

"Okay sige hayaan mo na.. halika na" kaagad kong sagot sa kanya hinawakan ko ang kamay niya at sabay na kaming naglalakad papasok sa loob.

Oh ano ka Luis ngayon!?
Kala mo saken! Papatalo sayo!? Utot mo blue!
Kunwari lang yung sinabi kong nakalimutan ko yung charger. Dahil nasa bag na taga kanina pa ang charger namin ni Denis. Abnormal na to!

Magkasabay si Zack at si Cassandra, si Melvin naman at yung ibang tropa. Si Luis naman ay kasabay namin ni Denis naglalakad papasok.

"Teka si Kerby yun diba?" -Melvin
"Oo nga! Kasama pa si Jerome oh!" Sabay turo din ni Wilbert.

"Si Paul yun diba Luis?" Patanong na saad ko kay Luis.

"Tara daliii! Lapitan natin!" Excited nanaman na sabi ni Melvin.

"Teka lang.. sa ibang cottage nalang tayo. Hindi naman kasama sa plano natin ang sumama sa kanila diba?" Biglang pagbabago sa boses ni Luis.

"Wala naman problema. Kapatid mo naman si Paul eh" sabi ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad ni Denis patungo sa cottage nila Paul.

"Small world" mahinang bulong na narinig ko kay Zack.

Ang totoo niyan. Si Zack lang talaga ang kaibigan namin. Sinama lang niya si Cassandra at ipinakilala lang niya samin. Nagulat nga kami kasi akala namin girlfriend ni Zack si Cassandra. Parang magkapatid lang daw sila dahil kinupkop din si Zack ng sinasabi nila Tito Junior.

Pagkatapos magbatian ay nakijoin na kami sa cottage nila. Nagdagdag nalang kami ng upuan at extrang lamesa. Inayos namin ang mga dala naming at umupo na para simulan ang pinakaimportanteng parte ng outing. Ang inuman!

Ipinakilala ko si Denis sa kanila pati si Zack at Cassandra. Nakilala din namin si Den at yung babaeng saksakan ng gulo. Sheryl ata pangalan nun. Balahura talaga bibig. Nalaman kong teacher pala si Sheryl at si Den. Astig ah!

"Kuya ito si Denis oh! Parang si Den" malawak na pagkakangiti ni Luis. Mukhang nawala na ang badvibes ah!

"Hi Denis! Pinapayagan ka ng boyfriend mo na mag-inom?" Biglang singit ni Den sabay tingin sakin.

"Po? Hala! Wala po dito boyfri-"
"...wala po akong boyfriend" pagtatama  niya.

"Ayy akala ko yang katabi mo ang boyfriend mo eh" sabi ni Denis sabay tingin sakin.

Yan! Mukhang magkakasundo tayo. Ako dapat ang isipin niyong boyfriend nitong si Denis. Mas bagay kaya kami!

"Ikaw po Den, gaano na po kayo katagal?" Tanong naman ni Denis kay Den sabay tingin kay Jerome.

"4years na kami ni Den" biglang sagot naman ni Paul.

"Ayy sori po." Nahihiyang sabi ni Denis.

Nagpatuloy kami sa kwentuhan. Masaya naman kami at puro kalokohan si Melvin at Wilbert. Pati si Zack at Cassandra ay nakikipagkulitan narin sa kalokohan ng nga kaibigan ko.

"Oyy Denis huwag masyadong mag-iinom! Baka malaseng ka nanaman!" Bilin ko kay Denis.

"Sir! Ako pa!? Yakang yaka ko yan oh! Tingnan mo nga sila ang saya saya" mabilis niyang sagot. Takte to ah! Mukhang may tama na agad ng alak.

"Huwag mo ngang beybihan yang si Denis, Yvan. Baka mamaya kung saan mapunta yan" pang-aasar ni Melvin.

"Namo! Puro ka talaga kalokohan! Tumigil ka!" Malakas na sagot ko sa kanya.

"Baket sir? Choosy ka pa saken?" Biglang sabi ni Denis.

Author: Salamat po sa pagbabasa. :)
Sana marami bumasa neto.
Masarap pong basahin ang mga reaksyon sa bawat chapter(s) po na pinapublish ko po.
Salamat po sa comments and votes.

Follw niyo po ako sa fb. Please :)

BubeiYebeb

Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon