Yung kamay ko...

861 48 5
                                    

You look wonderful tonight...

Denis Lindsey PoV

Sabado.
Walang pasok.
Maaga parin ako nagising kahit walang pasok. Marami rin kasing ginagawa dito sa bahay eh. Pagkatapos kong magluto ng umagahan ay tinungo ko naman ang pool para linisin ulit ito.

Oo. Tama. Ako ang nagluluto tuwing sabado at linggo. Si nanay kasi ang naglalaba. Sinasabi nga ni Sir Anton na ipa-laundry nalang daw ang mga damit kaso ayaw pumayag ni nanay. Ewan ko ba dito kay nanay - pahirap sa sarili. Kung sabagay, malaki rin kasi ang pasweldo ni Sir kay nanay kaya siguro si nanay na ang gumagawa ng ganoong gawain.

Matapos kong linisin ang pool ay dumiretso na agad ako sa itaas. Dun sa sinasabi ni Sir Anton na kwarto ng anak niya. Di naman masyadong magulo - maayos pa nga eh. Maalikabok lang. Sinimulan ko ng linisin iyon. Winalis ko at ni-map ko. Pinakintab ko talaga para magustuhan ng batang anak ni Sir Anton. Katulad ng sinabi ni Sir ay pinalita ko ng bedsheet yung kama - superman. May mga nakita pa nga akong iba't ibang design na bedsheet ng superman eh. Pero itong kulay blue ang napili ko. Ang cute kasi. Sigurado ako magugustuhan ng anak ni Sir to.

Pati yung kurtina ng bintana ay pinalitan ko. Superman din. Astig nga eh. Idol na idol siguro ng batang iyon si Superman. Ako kasi si Spiderman ang gusto ko. Astig kasi yun.

Showing na nga pala this week yung The Amazing Spiderman, papanuorin ko yun kahit mag-isa lang ako. Hahaha! Loner lang.

Naglinis narin ako ng buong bahay. Nakakapagod nga eh. Pero okay lang - masarap naman ang merienda, lomi! Paborito ko. Lalo na yung tinitinda ni Ate Peli, yung sa kanto. Masarap talaga - promise!

Matapos kong linisin ang buong bahay ay naglinis naman ako ng kwarto ko. May tig isa kasi kami kwarto ni nanay dito. Astig noh? Kasambahay na may sariling kwarto. Pati narin yung ibang katulong dito at yung driver nila Sir Anton ay may kanya kanya rin kwarto, ganon kalaki ang bahay dito. Syempre naman di ko kayang linisin ang buong bahay nato - sinabi ko lang yun kanina. Hahaha kasabay kong naglilinis sila Ate Josie at si Karen. Kasing edaran ko lang din.

Dahil sa pagod na ako ay umupo na muna ako sa kwarto ko at binuksan ko ang laptop ko. Sosyal ko noh? May laptop ako. Regalo sakin ito ni nanay dati nung pagkagraduate ko ng highschool, tagal ko na kasi gusto magkalaptop. Bihira kasi sa probinsya ang may ganito. Sikat ka kapag meron ka. Ang yabang ko nga dun eh.

Binuksan ko ang wattpad account ko. Pinagpatuloy ko ang ginagawa kong story. Kakasimula ko palang sa bagong ginagawa ko - karamihan kasi ay tula ang ginagawa ko. Medyo nainspire lang ako nung unang beses akong makabasa ng story (Bromance pa nga eh. Ang Manliligaw Kong Bully pa nga ang title) Maganda diba? Kakainggit si Chriden don. Kaso nabibitin ako - pabitin kasi ang Author nun! Kainis! (promote promote din. Hahahaha)

Kahit naman bago palang ang story ko ay may ilan ilan naring nagbabasa. 26. Ayos na yun - atleast may nagbabasa diba? May followers narin ako - dalawa. Ayy tatlo na pala - may bagong nagfollw saken eh.

Mr. Awesome ang username niya. Utut mo! Awesome awesome! Ikaw yung nagsabi na kinopya yung poem na gawa ko tapos awesome tawag mo sa sarili mo? Hambog! Sabi ko lang yan syempre.

Mr. Awesome added your story to reading list name 'pandak'

Takte! Ayos ang name ng list niya ah! Pang-asar!

Hindi ko na inintindi yun. Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa ginagawa kong story.

Sana magkatotoo lahat ng tinatype ko dito sa wattpad - ang sarap siguro sa pakiramdam na may sobra sobrang nagmamahal sayo tapos mahal mo rin. Yung nagmamahalan kayo tapos may dadating na problema at sabay niyong lalampasan. Sabay niyong lulutasin. Sarap sa feeling non! Da best. Kaso sa wattpad lang yun eh. Sa wattpad lang kasi naie-express ang hidden desire ng mga writers - at ramdam kong isa na ako don.

Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon