Halika... Sama ka muna sakin..

807 46 5
                                    

Oh ang isang katulad mo....

Denis Lindsey PoV

Hindi na talaga ako pumasok ng hapon. Baka kasi ma-late ako ng uwe - nakakahiya naman kay Sir. Sinama kasi ako ni Sir dito sa airport. Napaaga daw kasi ang uwe ng anak niya. Hindi ko nga makitaan ng pagkabakas ng excitement itong si Sir eh. Hindi katulad ng iba na kapag may uuweng kamag-anak galing ibang bansa ay halos kulang nalang ay sa airport na matulog para sa pag-aantay sa susunduin.

Nandito kami ngayon sa waiting area. Si Sir Anton? Eto at nakaupo lang at relax na relax lang di katulad ng mga taong halos mabali na ang leeg sa kasisilip sa bawat taong nalabas sa exit lane ng mga pasahero.

Ako kaya? Kailan kaya ako makakatungtong ng ibang bansa? Syempre naman noh pangarap ko rin makapagtrabaho sa ibang bansa - mas malaki kaya ang sweldo dun kesa dito. Saka sigurado ako mas gaganda ako dun. Hahaha! Malamig dun eh.

"Sir hindi po ba natin aantayin dun yung anak niyo? Nakalapag na daw po kanina pa ang plane ng canada eh" sabi ko kay Sir habang tinuturo ko yung exit lane.

"Okay lang. Maupo ka nalang muna Denis. Maya maya lang nandito na siya" malumanay na sagot ni Sir Anton. Kaya eto nakaupo lang din ako habang binabasa ko ang update ni Author.

Hindi ko tuloy maintindihan tong binabasa ko kasi iniisip ko kung ano nga ba itsura ng anak ni Sir. Makulit siguro yun. Sino kaya ang kasama nun sa pag-uwe? Ang alam ko kasi ay hindi pinapayagan na sumakay sa eroplano kapag bata pa. May yaya siguro yun.

"Finally! Kanina pa ako paikot ikot dito"

Bigla akong napatunghay nung narinig ko ang pabalang na boses na iyon. Ang bastos naman ng taong ito.

Napatitig ako sa mukha niya.
Mabilog ang mata, may biloy ang magkabilang pisngi na lumalabas kahit di pa gaanong nangiti, matangos na ilong, ma-pink na labi, matangkad, in short mapapamura ka nalang sa gwapo. Kaso - bastos.

Biglang tumayo si Sir Anton.

"Denis this is my Son, Yvan..." -Sir Anton.

Ha!!? Akala ko ba bata pa ang susunduin namin ni Sir? Eh bakit ganito? Superman ang bedsheet tapos ganitong kalaki na?

"Yvan this is Denis son of Nanay Linda" pagpapakilala ni Sir.

"Good Afternoon po Si-"
"Lets go Dad. I'm tired. Gusto ko na magpahinga" biglang sabi niya kahit hindi pa ako tapos magsalita.

Bastos naman ng lalaking ito! Malayong malayo sa tatay niya! Nakakainis ah!

Nagkusa na akong kunin ang maletang dala ni Yvan. Ayy Sir Yvan pala. Yun naman talaga ang papel ko dito eh. Nakakahiya naman kung makikisabay ako sa paglalakad habang sila may hawak ng maleta.

Sumakay na kami ng sasakyan ni Sir. Sa backseat ako at silang magtatay sa harapan. Nilabas ko ang cellphone ko at nagbasa nalang ulit ako sa wattpad.

"Mag-eenroll ka bukas. Dito mo pagpapatuloy ang pag-aaral mo" narinig kong biglang basag ni Sir sa katahimikan.

"Dad!!? I thought I -"
"Or else I'll cut your cards" putol ni Sir sa sasabihin dapat ni Sir Yvan.

Wala na akong narinig pang salita mula sa anak ni Sir Anton. Mukhang matigas ang ulo ng lalaking to ah! Karamihan talaga sa mga anak mayaman ganyan ang ugali. Di na ako magtataka.

Pagkatapos i-park ni Sir ang sasakyan ay dumiretso na kami sa loob ng bahay. Sinalubong kami ni Maam at niyakap nito ang unico hijo niya.

Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon