Labas ka. Nandito ako.

525 29 4
                                    



Denis Lindsey PoV

Hala! Describe? Paano yun!? Takte naman itong si Maam Sheryl eh! Kala mong hindi teacher! Buti pa si Sir Den.

"Oh anu na Denis?" Pangungulit niya.

"Alam ko na! Bakit hindi nalang ta-"

"Tumigil ka Mr. Yvan, you're not suppose to say anything. I'm talking to Denis!" Mataray na putol ni Sheryl. Alam naming biro yun dahil sa biglang pagtawa ni Sir Den.

"Sorry naman..." -Sir Yvan.

"Answer Denis!" - Sheryl.

"Hero.." tipid kong sagot.

"Hero???" Sabay sabay na patanong nilang reaksyon.

"Opo.. siya po kasi palagi ang nagliligtas sakin kapag may nambubully sakin sa school.. saka, palagi siyang nandiyan para sakin" dugtong ko.

"Describe Denis!" Malakas na sigaw ni Maam Sheryl.

"Ahh.. syempre Maam Sheryl pogi yun! Saka awesome!!!" Nakangiti kong sagot.

Nilingon ko si Powell sa tabi ko. Nakangiti ang loko!

Nagpatuloy na kami sa inuman at puro tanong si Maam Sheryl sakin. Hanggang sa nakisali na sa pagtatanong si Sir Den.

"Excuse me.. punta lang akong C.R" paalam ni Powell.

Hind ko na napigilan ang sarili ko na magtanong. Gusto ko rin naman na makarinig ng suhestiyon mula sa ibang tao.

"Sir Den, what if yung karelasyon mo ay may karelasyon din na iba? Magpaparaya ka ba? Magpaparaya ka ba kung alam mong mas makakabuti para sa kanya ang mapunta sa iba?" Pagtatanong ko sa kanya.

Naisip ko kasi na baka dumating ang pagkakataon na mangyari samin ni Powell ang ganyang sitwasyon. Gusto ko makarinig ng ibang sagot para maready ko na ang sarili ko. Syempre hindi ako babae. Talo ako. At alam kong wala akong maipapanalo.

"Siguro kung sakali man mangyari sakin yun Denis... mas iisipin ko ang kapakanan ng karelasyon ko kasi sobra sobra sobra ko siyang mahal. Kaya kong isuko lahat para sa kanya..." mahinahon at napakaseryoso niyang sagot.

Ramdam ko rin sa kanya na may pinaghuhugutan siya dahil sa tono ng pananalita niya. Hindi ko na iyon sinundan pa ng tanong. Nakuha ko na ang ibig niyang iparating.

Naisip ko kasi na darating din ang pagkakataon na maghihiwalay kami ni Powell. Iba rin kasi ang sitwasyon namin. May girlfriend siya at nanghihiram lang ako ng oras sa kanya. Hiram nga ba o nakaw na oras? Ang bad ko noh? Nakukunsensya nga ako eh kaso puso ko na ang nagdidikta. Mahal ko si Powell.

Nagpaalam na samin si Sir Den kasama si Sir Paul. Pinagpatuloy naman namin ang inuman at kwentuhan.

"Denis kung sakali ba na ligawan kita, may pag-asa ba ako?" Nakangising tanong nung Allen.

"Paktay tayo diyan! Laseng na si Allen!" Kantyaw ni Kerby.

"Hindi pa ako laseng noh! Gusto mo i-shot ko pa yung tagay ni Denis eh" mayabang niyang sagot.

"Ano Denis?" Dugtong niya.

"Hala kuya! Hindi pwede kasi may bo-"

"Guys late na. Una na kami ni Denis. Hindi pa kami nakakapag-ayos ng gamit eh" biglang putol ni Sir Yvan.

"Magkasama kayo sa kwarto to!!?" Mabilis at medyo napalakas na tanong ni Powell.

Patay tayo diyan! Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Napansin ko ang reaksyon ng ibang mga kasama namin.

"Yah. Hindi kami pwede maghiwalay ng kwarto ni Denis. Nasa iisang bag lang kasi ang gamit namin" kaagad namang sagot ni Sir Yvan.

"Bakit tol? May problema ba kung magkasama sila?" Biglang tanong naman ni Kuya Sean kay Powell.

"Siguro may gusto ka kay Denis noh!" Segundang pang-aasar naman ni Kerby.

Jusko! Ano ba naman ito!

"Lets go" at kaagad kinuha ni Sir Yvan ang kamay ko at sabay na kaming naglakad papunta sa room namin.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa tapat ng room namin.

"Sir... pasens-"
"I just want to have a good night with you kaya nagyakag na ako pabalik dito sa room natin.." putol ni Sir Yvan sa dapat sanay sasabihin ko.

Pumasok na kami sa loob ng room. Naupo kami sa tapat ng mini-table at naglapag si Sir Yvan ng san mig light na galing sa mini ref ng room namin.

Sa totoo lang may tama na ako ng alak. Nakakaramdam na ako ng bahagyang pagkahilo.

Tumingin ako sa orasan. 9:25pm.

Kapwa kami hindi nagsasalita ni Sir Yvan habang pareho naming hawak ang bote ng alak.

"Ang bait ni Sir Den noh Sir?" Basag ko sa katahimikang bumabalot saming dalawa.

"Huwag kang hahanga agad sa taong unang beses mo palang nakilala" diretsong sagot niya sakin.

"Eh sir, ikaw? Nasaan po ang girlfriend mo? Syempre naman sa gwapo mong yan Sir imposible na walang po kayong girlfriend?" Pag-iiba ko ng tanong.

"Wala akong girlfriend..." kaagad niyang sagot.

"Hala! Bakit Sir? Imposible naman na walang magkagusto sayo. Teka, baka naman po torpe kayo?" Pang-aasar ko sa kanya.

Tiningnan ako ni Sir Yvan. Yung tingin na hindi ko maipaliwanag na nakakapagbigay sakin ng kakaibang pakiramdam. Dahan dahan siyang lumalapit sakin.

"Sir..." mahinang tawag ko sa kanya.

Unti unti parin siyang lumalapit sakin.

Malapit.

Malapit na.

Malapit na malapit na.

Hindi ko magawang igalaw ang katawan ko. Parang napako na ang katawan ko mula sa pagkakaupo ko.

Nararamdaman ko na ang mainit na hininga ni Sir.

Napapikit nalang ako.

Naramdaman ko nalang ang paglapat ng napakalambot na labi ni Sir sa labi ko.

Hinahalikan ako ni Sir Yvan.

Mabilis kong tinanggal ang pagkakalapat ng mga labi namin.

"Sir..." sambit ko.

Nanatili parin siyang nakatingin sakin. Kaagad na akong tumayo at aktong tatalikod na ako nung bigla akong hinaltak ni Sir Yvan dahilan para mapaharap ako sa kanya.

Mabilis ulit niyang idinampi ang labi niya sa labi ko.

Hindi ko alam pero kusang gumanti na ako ng halik sa kanya.

Hinahalikan niya ako habang dahan dahan kaming gumagalaw papunta sa nag-iisang kama ng room namin.

Mabilis tinanggal ni Sir Yvan ang suot kong jacket at inihiga ako sa kama. Nasa ibaba ko siya habang patuloy niya akong hinahalikan.

Naghiwalay ang mga labi namin dahil sa pagtanggal niya sa suot niyang damit. Nakasando nalang si Sir. Muli niyang inilapat ang labi niya sa labi ko.

Habang patuloy siya sa paghalik sakin ay biglang tumunog ang cellphone ko.

Pumalag ako dahilan para maghiwalay ang mga labi namin. Natigilan si Sir sa ginagawa niya at mabilis humiga sa kama. Kinapa ko ang cellphone ko mula sa bag na nasa gilid ng kama namin.

"Labas ka.. nandito ako..." mabilis na sabi matapos kong i-slide ang answer key.

Nilingon ko si Sir. Nakahiga siya sa kama at nakapatong pareho ang dalawa niyang kamay sa kanyang mata.

Pinulot ko ang jacket na nasa lapag at isinuot ko iyon. Hindi na ako nagpaalam kay Sir at lumabas na ako ng room.

Hindi ko alam kung paano nangyari ang scenario kanina.

Dala ba yun ng alak?

"Imissyou beyb..." bigla kong narinig sabay patong ng kaliwang kamay sa balikat ko ni Powell.

Author: Sensya po late update.. salamat sa comments and votes.

BubeiYebeb

Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon