Bawal ka tumanggi

636 34 1
                                    

Hero.

Denis Lindsey PoV

"Osya - change topic na nga. Anong plano sa darating na sembreak?" Biglang singit ni Danica.

Ano nga ba ang plano ko ngayong sembreak?

Mukhang mas maganda kung uuwe muna ako sa probinsya. Namimiss ko narin ang mga kaibigan ko dun ee. Nakakamiss yung tahimik na kapaligiran at yung lugar na walang polusyon.

"Punta tayo sa Baler!" Sangguni naman ni Mike.

"Sa Baguio nalang!" Sabi naman ni Lorenze.

"Mas maganda pagbotohan natin yan! Ako kasi mas gusto ko sa Batangas" nakangiting sabi naman ni Danica.

"Ikaw san mo gusto bhe?" Tanong naman ni Danica kay Powell.

"Kahit saan. Kung ano mapag-usapan dun nalang" sagot naman siya sabay angat ng basong may lamang alak.

"Ikaw Yvan?" Muling tanong ni Danica.

"Ahh.. Honestly wala pa akong plano this coming sembreak. Pero kung ano man mapag-usapan at kung pwede ako ng ganoong araw. Sasama ako" mahabang sagot naman ni Sir.

Kahaba haba ng sinabi sasama rin pala! Pabebe din itong amo ko eh!

"Ikaw naman Denis? May plano ka na ba?" Diretsong tanong naman sakin ni Danica.

"Meron na... Uuwe ako ng probinsya ngayong sembreak. Matagal narin kasi akong hindi nakakauwe" sagot ko naman sabay abot ng baso na binibigay ni Mike.

"Talaga? Eh kung dun nalang kaya tayo sa probinsya niyo? Mas masaya yun!" Masayang komento naman ni Mike.

"Ah.. Hindi kasi pwede dun.. Maliit lang bahay namin saka siguradong hindi niyo magugustuhan..." Dugtong ko.

"Asus! Tingin mo naman samin! Ano guys? Trip niyo ba?" Malawak na pagkakangiting tanong ni Mike.

"I'm in!" Mabilis na sagot ni Sir Yvan.

"Deal!" Sunod naman agad ni Powell.

Jusko! Wag naman sanang pumayag ang mga ito.

"Mukhang masaya nga! Syempre sasama ang bhebhe ko. Sama ako!" Sang-ayon naman ni Danica.

Ganoon na nga ang nangyari. Wala na akong nagawa kundi ang isama sila. Akala ko pa naman makakapagpahinga at makakapaggala ako ng maayos sa probinsya namin. Sana naman hindi mareklamo ang mga ito. Sa itsura kasi nila mukhang hindi sila sanay sa pamumuhay na meron sa probinsya.
.
.
.
.
.
.
"Hala! Sir baket nandito tayo?" Takang tanong ko kay Sir Yvan.

"Wala ng ibang available na room. Ayusin mo na yung gamit mo at magsa-shower na muna ako" diretsong sagot niya sakin matapos ilapag ang gamit namin sa kama.

Inayos ko ang gamit namin ni Sir.

Takte! Isa lang ang kama at walang sofa. Tanging dalawang upuan lang na pinapagitnaan ng maliit na bilog na table. May nakapatong na wine sa gitna, ice cube at dalawang maliit na baso.

"Lakad na magshower ka na. Ilalagay ko nalang yung towel sa gilid" diretsong sabi nanaman ni Sir Yvan sakin.

Nagpunta na ako sa banyo at nagshower na ako. Laman parin ng isipan ko ang pagsama nila sa probinsya. Sigurado kasi ako na hindi nila magugustuhan don eh. At isa pa... Ayoko makilala nila yung taong pilit kong iniiwasan at kinakalimutan don.

"Oyy! Denis okay ka lang ba diyan!" Malakas na tanong ni Sir Yvan.

"Okay lang po Sir. Bakit po?" Takang tanong ko.

Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon