Bakit hindi ka crush ng crush mo?

788 38 4
                                    

Same ground.

Powell Jake PoV

Alas tres na ng madaling araw hindi parin ako makatulog. Kainis! Tumagilid, dumapa, tumihaya at nagtalukbong na ako ay hindi parin ako dinadalaw ng antok. Pakiramdam ko kasi ay parang may umiikot sa katawan kong kuryente.

Napapraning na yata ako.

Senyales na ba ito na nadedevelop na ang mga abnormal cells ko?
.
.
.
.
.
.
.
At dahil hindi ako nakatulog maaga akong pumasok. Hindi kami magkasabay ngayon ni Danica kase mamaya pang hapon ang klase niya. Wala daw kasi yung prof nila ngayong umaga.

Nakaupo ako ngayon dito sa gilid ng open court at gilid ng chapel.

"Tol pakopya naman ng takehome exam natin sa algebra" bati sakin ni Lorenze sabay upo sa tabi ko.

Ayy shit! Nakalimutan kong sagutan yun! Nawala sa isip ko na may takehome exam kami.

"Tol wala akong sagot dun, diba kapag walang sagot tinatawag sa recitation?" Pagkukumpirma ko.

"Oo tol! Isa nalang pag-asa natin. Si Mike. Dapat may gawa siya" -Lorenze.

"Oh mukhang ako pinag-uusapan niyo ah!" Biglang sulpot ni Mike sa likuran namin.

"May sagot ka ba sa takehome exam?" Halos sabay naming tanong ni Lorenze.

Pumusturang tabang si Mike.

"Ako pa!!"

Haaay salamat naman.

"Syempre walaaaa! Malay ko ba sa mga punyetang numbers at letters na yun!" Mabilis niyang dugtong.

Kulang nalang ay batukan naming dalawa si Mike nung sabihin niya yun. Siya na nga lang kasi ang pag-asa naming kopyahan - wala pa! Sabagay kelan nga ba gumawa ng mga ganoon itong lalaking ito!

"Uyy tara sama ka nalang samin Pj" -Mike.

"Ha? Saan pupunta?" Takang tanong ko sa kanya.

"Huwag na tayo pumasok. Mag-SM nalang tayo. May bagong movie ngayon, marvel" dugtong na sabi ni Lorenze.

"Ahh... Pase-"

"Haaay... Asa pa kaming sasama ka. Goodboy ka nga pala at kami ang bad" ngising sabi ni Mike.

"Baka magbago pa isip mo Pj, sunod ka ha o kaya itext mo ako" -Lorenze.

Umalis na sila agad. Naiwan akong mag-isang nakaupo at kaharap ang takehome exam ko na walang sagot.

20mins nalang time na ng algebra. Bahala na. Sana may magpakopya sakin sa mga kaklase ko.

Akmang tatayo na ako nung tumunog ang cellphone ko. Notification tune.
Nagtext si Mike at pilit akong pinapasunod. Hindi ko na nireplayan. Bahala sila. Hindi naman kasi ako sanay na gumala kapag may pasok. Di ko sinasadyang ma-tap yung pangalan ni Lindsey at mabilis na lumabas sa screen yung calling.

Hindi ko na nagawang i-cancel yung tawag ko sa kanya.

Oh.. Ang aga mo tumawag ah!" Bungad niya sakin.

"Hi! Goodmorning!" Bati ko sa kanya. Ewan ko ba pero alam ko sa sarili ko na nakangiti ako.

"Ayy.. Sorry.. Goodmorning pala" malambing na sagot niya.

"Anong oras ang klase mo?" -Ako

"Ahh.. 9:30 pa. Bakit?"

"Pwede bang turuan mo ako sa algebra? Hindi ko kasi masyadong naintindihan yung discussion kaya hindi ko nasagutan yung takehome exam namin" mahabang sabi ko sa kanya.

Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon