Yumapos ka saken Denis para hindi ka mahulog

578 33 2
                                    



Yvan Marcus PoV

"Hala Shir! Medyo lasheng na ako ah!" Sabi sakin ni Denis habang akay akay ko siya pabalik ng kwarto.

Anong medyo!?
Laseng na talaga!
Ayaw kasi magpaawat kanina!

"Oh dahan dahan! Kumapit ka sakin para mabuksan ko ang pinto!" Sabi ko sa kanya. Pasuray suray na kasi!

"Ayos na ba itong kapit ko Shir?" Tanong niya at mabilis niyang isinukbit ang magkabilang kamay niya sa leeg ko.

Hindi agad ako nakakilos dahil sa bigla niyang ginawa.

Takte! Ano nanaman itong lintik na nararamdaman ko? Bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko.

"Oyy! Denis.. Dahan dahan.." Sabi ko sa kanya sabay higa ko sa kanya sa kama.

Matapos yun ay wala na akong narinig sa kanya. Nakahilata na siya sa kama at nakatulog na.

Dumiretso na muna ako sa comfort room para magshower. Kakahiya naman sa kanya kung tatabi ako sa kanya na amoy dagat at amoy alak ako.

Mabilis kong tinapos ang pagkukuskos ko sa katawan ko. Sinuot ko na ang boxer short ko at ang sando kong puti naman.

Aktong hihiga na ako nung narinig kong nagriring ang cellphone ni Denis.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at mabilis kong in-slide ang answer.

"Hello beyb-"

"Kanina pa natutulog si Denis" putol ko sa taong nagsasalita. Kay PJ.

"Saan siya natutulog? Magkasama ba kayo sa kwarto?" Biglang pagbabago ng boses niya.

Buset na lalakeng to ah! Hindi ko ata gusto ang tono ng pananalita niya saken!

"Magkatabi kami ngayon. Nalasing siya at hindi na niya kinaya" sabi ko kahit na hindi pa kami magkatabi ni Denis. Hindi ko alam pero gusto ko siyang galitin at pagselosin.

"Gusto ko lang malaman mo pre na kami na ni Denis. Alam ko na nakukuha mo na ang ibig kong sabihin dahil lalake ka rin" -Pj

"I know what I am doing and what I am going to do Pj and I think ikaw dapat ang mag-isip kung ano ba talaga ang dapat mong gawin" sagot ko sa kanya sabay end ko ng tawag.

Tangnang lalakeng to!
May gana pa akong sabihan ng ganoon samantalang siya ang gumagawa ng mali. Kung talagang pagmamay-ari niya si Denis dapat hiwalayan niya si Danica. Buset siya!

Ni-turn off ko ang cellphone ni Denis. Sigurado kasi ako na tatawag at tatawag pa yung lalakeng yun. Napansin ko rin kasi na nakainom siya base sa tono ng pananalita niya.

Humiga na ako.
Katabi ko na si Denis.

Nakatagilid ako habang nakaharap sa kanya.

Ano nga bang meron sayo Denis?
Bakit kaya nakakaramdam ako ng kakaiba sa tuwing magkasama tayo?
Hindi naman ako ganito dati sayo.

Ano bang meron kay Pj na hindi mo makita saken?

Pareho naman kaming matangkad.
Mas gwapo ako sa kanya.
Ako single.
Diba mas okay pa ako sa kanya?

Bahagya akong natigilan sa pag-iisip ko sa kanya nung bigla siyang gumalaw at iniyakap niya sakin ang kanang kamay niya.

Takte! Kahit naka-aircon itong room namin ay nag-iinit ang katawan ko. Kaya bago pa ako di nakapagpigil ay ipinikit ko na ang mga mata ko at pinilit kong matulog.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Goodmorning! Bangon ka na. Ready na ang breakfast natin. Pagkatapos natin kumain ay lalabas na tayo. Kanina pa nasa labas sila Luis" sabi ko sa kanya nung napansin kong nakamulat na ang mata niya.

Aga ko nagising?
De noh! Hindi talaga ako nakatulog kagabi dahil sa nararamdaman ko. Kaya eto ako ngayon - bangag ang dalawang mata. Bawas pogi points tuloy.

Mabilis kaming natapos ni Denis sa pagkain. Nag-ayos na agad kami para makapag-enjoy na ulit. Kailangan masulit na namin itong pangalawang araw. Kasi mamayang gabi uuwe na kami. Kung pwede nga lang mag-extend pa gagawin ko eh. Kaso pare-pareho kaming may mga pasok.

"Isuot mo ito" sabi ko sa kanya sabay abot ng damit ko.

"Sir may dala po ak-"

"Bilisan mo na para makalabas na tayo" putol ko sa sasabihin niya. Ayoko ngang bigyan pa siya ng pagkakataon para tumanggi saken.

"Oh ang tagal niyo naman.. Kanina pa kami nag-aantay dito" sabi ni Marvin habang nakapamewang.

"Halatang puyat na puyat ka Yvan ah! Ano ginawa niyo ha!?" Sita naman ni Wilbert.

"Nakahomebase na ba si Yvan, Denis?" Diretsong tanong ni Luis sa kanya.

"Hala Kuya!" Gulat na reaksyon ni Denis. Napansin ko rin na namula ang mukha niya.

"Biro lang.. Tara na Denis.." Dugtong ni Luis habang nakalahad ang kamay niya kay Denis.

"Tara na. Sulitin natin ang araw na ito" sabi ko at mabilis kong hinawakan ang kamay ni Denis at isinabay ko siya sa paglalakad.

Takteng Luis to ah!
Kagabi pa siya!

Sumakay na kami sa kanya kanyang motorboat.

Kasama ko si Denis. Syempre saken kang siya dapat sumama.

Nagsimula na naming paandarin ang motor boat.

"Kapit ka lang ng mahigpit saken Denis" sabi ko sa kanya.

"Sir dahan dahan baka tumaob tayo" sagot niya na halatang natatakot. Hindi ko nga alam kung matatawa ako o maaawa sa kanya eh.

"Yumapos ka saken Denis para hindi ka mahulog"

Naramdaman kong yumapos saken si Denis at mahigpit iyon. Kaya mas lalo ko pang binilisan at iniba ko ang ruta ng dinadaanan namin.

"Sir pahinga muna tayo.. Napagod ako kakasigaw don eh" reklamo niya matapos namin sa motor boat.

Nandito na kami ngayon sa tabi ng dagat. May mga payong na nagbibigay lilim sa inuupuan namin. Nag-iihaw ng bbq si Marvin at nakikipaglaro naman si Wilbert ng volleyball sa mga babaeng kasama namin.

"Denis eto oh" sabay abot ni Luis ng bbq.

"Sige po. Sir gusto mo?" Tanong niya saken habang inaabot saken ang hawak niyang bbq.

"Ayy ikukuha nalang kita Sir.. May laway ko na eh" nahihiyang sabi niya nung aabutin ko na iyon.

Mabilis siyang tumayo at naglakad papunta sa ihawan nung napansin kong bigla siyang natigilan at nadako ang tingin sa lalakeng naglalakad papunta sa kinalalagyan namin.

Si Pj.

Author: Sensya po late update. Thank you po sa pag-aantay. Salamat po sa comments and Votes.

BubeiYebeb

Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon