Eh tarantado ka pala eh!

802 41 4
                                    

Pasubali.

Denis Lindsey Blancaflor

Denis dito ka sa unahan - di mo makikita diyan, ang tatangkad ng nasa unahan mo oh!" Malakas na sabi sakin ni Milazhel.

Wow ha! Lakas neto ah!
Oo na! Ako na pandak!

Hindi na ako nagsalita at kaagad na akong lumipat sa unahan. SALAMAT SA CONCERN AH! Capslock yan para dama!

Ako nga pala si Denis Lindsey Blancaflor. 16 years old. Bata ko pa noh? Nabibilang ako sa ikatlong kasarian. Pero hindi ako nagsusuot ng mga pambabaeng damit. Malabo ang mata ko kaya may suot akong salamin. Medyo may kalumaan na nga ang salamin ko eh. First year college palang ako. Bago lang kasi ako dito sa Cavite.

Kung hindi nga lang dahil kay Nanay ay hindi ako pupunta dito. Isa kasing kasambahay si Nanay dito. Mabait daw ang amo niya. Sinabi daw ng amo ni nanay na papuntahin ako dito sa Cavite at sila na daw ang bahalang magpaaral sakin.

Sa totoo lang ayaw ko talaga kaso mukhang kailangan talaga ng katulong ni nanay sa mga gawain dun sa bahay ng amo niya. Ang laki laki kasi eh. Mansyon na yata ang tawag don.

Nung huling dalawang linggo lang ako dumating dito. Nahihiya pa nga ako at sinamahan pa ako ni Sir Anton dito sa school para mag-enroll. Sabi ko nga hindi na nila ako kailangan pa pag-aralin kasi malaki naman ang sweldo ni nanay at pati ako ay sinuswelduhan rin.

At dahil sa sobrang kabusilakan ng puso ni Sir Anton ay hindi siya pumayag na hindi ako mag-aral ng kolehiyo. Para sakin din naman daw iyon kaya huwag na daw ako tumanggi.

Dumating na ang prof namin at dire-diretsong nagdiscuss tungkol sa gestalt. Syempre naman nakikinig ako. Ayoko kayang bumagsak. Nakakahiya sa nagpapaaral sakin kung babagsak ako. Sayang din yung pera na binabayad dito sa school.

Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. Palihim kong kinuha sa kaliwang bulsa ko iyon.

Lindsey una n aq umuwe. Ddaan p aq ke Angel eh
Sender: Edz

Si Edz? Ahh.. Yung kasama ko kanina sa Jollibee. Nagkakilala kami nun nung nagkataon na nagpunta ako sa palengke. Naligaw ako. Tapos nagmagandang loob siyang ituro sakin ang daan at sinamahan niya pa ako sa sakayan. Simula nun naging magkaibigan na kami. Oh wag mag-isip ng masama - may girlfriend na yun noh!

"Okay Class. See you" pagpapaalam ng prof namin.

Hala! See you agad? Ang bilis ah! Mabilis kong tiningnan ang orasan. Tapos na nga. Hindi ko napansin ang oras ah.

Pagkatapos kong maiayos ang gamit ko ay lumabas na ako ng room at bumaba ng hagdan.

Haaay... Eto nanaman yung isang tropang laging nangtitrip sakin. Ayoko naman rin patulan kasi, una bago palang ako dito. Pangalawa, ayoko talaga ng nakikipag-away. Pangatlo, nakakahiya kina Sir Anton kung malalaman nilang nakikipag-away ako. Ano nalang ang sasabihin nila sakin, diba?

Kaya hinahayaan ko nalang sila. Tiis lang. Dadating din naman ang araw na magsasawa rin itong mga to.

Nakayuko akong naglakad hanggang sa makalampas sa kanila. Naririnig koboa ngang sumisitsit yung isa sa kanila pero hindi ko nalang iniintindi.

"Malabo na mata - bingi pa!" Sigaw nung isang lalaki at pagkatapos nun ay nagtawanan sila.

Hindi ako nalingon. Hindi ako natigil sa paglalakad. Dire-diretso lang ako.

"Diba kanina pa kita tinatawag?" Biglang may humawak sa kamay ko dahilan para mapatigil ako at bumagsak nanaman ang hawak kong libro.

Hindi ako nagsasalita.
Nakayuko lang ako. Ayokong tingnan ang mukha ng taong mahigpit ang pagkakahawak sa braso ko.

Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon