Denis Lindsey Blancaflor Point of View
Hindi ko alam kung tama itong desisyon ko pero alam ko sinusunod ko lang ang gusto ko. Yung makakapagpasaya sakin.
"Okay na ba?" tanong ng kasama ko.
"Sige... Pasensya na medyo marami ang dala kong damit" sagot ko.
"Sir Yvan?" tawag ko sa kanya nung makilala ko ang lalakeng naglalakad papalayo sa kinatatayuan ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Kilalang kilala ko ang tindig at katawan ni Sir. Hindi ko tuloy maiwasan isipin yung gabing paulit ulit na nagpipicture sa isipan ko.
Dahan dahan niyang inikot ang kanyang katawan at humarap sakin.
"Sir ano pong ginagawa niyo dito?" takang tanong ko sa kanya dahil wala namang ibang nakakaalam kung nasan ako sa mga oras na ito bukod kay Rose.
"You mean more to me than anything in this whole world..."
"Sir...." mahinang tawag ko sa kanya.
"Palipas muna tayo ng kaunting minuto dito. Maaga pa naman" sabi ng kasama ko at bumaba ulit siya ng sasakyan.
"Tama si Peter Pan Denis..." dugtong ni Sir.
Flashback
Natatanaw ko na si Powell.
Naupo siya sa isang bench na nasisinagan ng ilaw na nanggagaling sa poste.
Sana tama itong naging desisyon ko.
Totoo nga yung kasabihan na kapag talaga mahal mo ang isang tao ay lahat magagawa mo para sa kanya.
Dahan dahang siyang tumunghay at nagtama ang aming mga mata. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero nararamdaman kong tumutulo na sa magkabilang pisngi ang luha ko.
Mabilis siyang tumayo. Sinalubong niya ako at niyapos niya ako ng napakahigpit.
Matagal.
Ramdam na ramdam ko ang pagkasabik niya sa pagkakayakap niya sakin.
"Akala ko hindi ka na dadating Lindsey..." bulong niya sakin dahilan upang lalong hindi tumigil ang pagdaloy ng mga luha ko.
"Sobrang miss na kita..." dugtong niya habang nananatili siyang nakayakap sakin.
"Halika na... Akina na yang mga gamit mo" sabi niya sakin nung umawang na ang katawan niya sa katawan ko.
Ako naman ngayon ang yumapos sa kanya.
Mahigpit.
Makahulugan.
"Lindsey..."
"Sobra akong nagpapasalamat dahil nakilala kita Powell..." sabi ko habang patuloy na nagdadaloy ang luha ko.
"Akala ko dati sa mga kwento, libro o sa nababasa ko lang nangyayari yung mga ganitong uri ng relasyon... Akala ko hanggang hiling nalang ako..." dugtong ko.
Inawang ko ang pagkakayakap ko sa kanya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Nanatili lang siyang nakatingin sakin.
"Napakasaya ko dahil naranasan kong mahalin ng katulad mo. Yung totoong pagmamahal mo. Dun palang panalo na ako..." pagpapatuloy ko.
"Lindsey... Ano ba yang mga sinasabi mo? Okay naman tayo diba? Naayos na natin..."
Idinampi ko ang daliri ko sa labi niya dahilan para hindi na niya madugtungan pa ang sinasabi niya.
"Gusto kong itama ang pagkakamaling nagawa ko Powell... Gusto kong maging totoo sa nararamdaman ko..." dugtong ko at dahan dahan kong hinubad ang suot kong singsing na bigay niya sakin.
Inilagay ko iyon sa kanyang palad.
"Lindsey..."
"Mahal na mahal kita Powell... Maraming salamat..." huling sinabi ko sa kanya matapos ko siyang yakapin ulit ng mahigpit na mahigpit. At nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanya habang walang tigil ang pagdaloy ng mga luha ko sa pisngi ko.
End of Flashback
"Tama si Peter Pan Denis... You mean more to me than anything in this whole world..."
"Sir..." tanging nasagot ko sa kanya.
"Sir Yvan napakatagal niyo naman pong dumating hindi ko na alam kung paano wiwilihin itong si Denis" sabi ng kasama ko.
"Kuya Fred?" takang tanong ni Sir nung makalapit na siya saming dalawa.
"Iiwan mo na ba talaga ako Denis?" malumanay na tanong sakin ni Sir na nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa katawan ko.
"Sir gagaw-"
"Nakalimutan mo na ba yung ginawa natin? Wala ka man lang bang naramdaman kahit kaunting pagmamahal sakin dun?" tanong niya na may halong pang-aakit. Bigla tuloy nagpicture nanaman sa utak ko ang lahat ng nangyari nung gabing iyon.
"Sir!!! Nakakahiya!" sigaw ko sa kanya nung nakita kong nakangisi si Kuya Fred sa gilid ko.
"Talaga bang wala kang nararamdaman sakin?" muling tanong niya sakin.
"Sir hindi po tayo pwe-" hindi ko naituloy ang sinasabi ko nung biglang may nag-flash sa gilid namin ni Sir.
"Kahit kailan talaga tatanga-tanga ka Rose! Akina nga ako na kukuha!" sabay kaming napatingin dun ni Sir Yvan.
Sir Anton?
Maam?
Jovert?
Rose?
Nanay?
"Yvan mas bagay kay Denis to oh!" sabay hagis ni Sir Anton ng isang paper bag.
Dahan dahang humahakbang papalapit sakin si Sir Yvan.
Unti unti din niyang kinakapa ang laman ng hawak niyang paper bag na ibinigay ni Sir Anton sa kanya.
Nasa harapan ko na siya.
Nakatitig sa dalawang mata ko.
Hindi ko alam kung nagkataon lang ba na may bigla may nag-play na tugtog na lalong nakapagbigay ng emosyon sa nararamdaman ko.
(Pls Play – Para Sayo FREESTYLE)
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko sayo Denis..." mapang-akit nanamang tanong sakin ni Sir Yvan.
"Bakit namumula ka? Hindi mo rin ba makalimutan yu-"
Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. Kusang kumilos ang katawan ko at pinagdikit ko ang labi naming dalawa.
Kasabay ng naririnig naming tugtog ay kasabay din ang patuloy na paggalaw ng aming labi.
"Denis..." bulong niya sakin.
"Sir...wrong time..."
...pero right love Denis..."
"Will you be mine.... Forever...."
Hindi na niya inantay pa ang sagot ko. Dahan dahan niyang kinuha ang kamay ko at isinuot ang napakagandang singsing.
"Wala ng bawian ha... Akin ka na..." dugtong niya at muli niyang pinagdikit ang labi naming dalawa.
"Tabi na tayong matutulog ha...." Nakangising pahabol niya.
WAKAS
Author: Pahingi naman po ng reaction sa story na ito :) Maraming salamat po.
Maraming salamat sa sumubaybay sa story na ito :) Sana ay nagustuhan niyo po.
Sana ay suportahan niyo pa rin po ang mga upcoming story ko po. THANK YOU!!
BINABASA MO ANG
Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong Love
RomanceMagandang Araw! Eto po yung susunod na story na gagawin ko pagkatapos ng AMKB. Chapter I lang po muna ang ipa-publish ko. Kapag po marami nagka-interes po dito - itutuloy ko po. Maraming Samalat po!