Oyy Denis!! Shot mo na oh!

653 32 4
                                    

Feels like I'm walking in the rain.

Yvan Marcus PoV

Energetic ako ngayon.
Halata ko nga ang pagtataka sa mukha ng mga kasama ko sa bahay eh. Pati sila Daddy ay nagtanong sakin kung ano ba daw ang nangyayari sakin. Ako rin eh hindi ko alam, ang tanging alam ko lang ay masaya ako at gusto ko itong ginagawa ko.

"Oh Denis shot mo!!" Sabi ni Manong Driver ni Daddy. Si Kuya Rod. Siya kasi ang nagprisinta na maging tanggero.

"Hoy Rodrigo! Huwag mong taasan ang shot ni Denis! Kapag yan nalaseng!" Saway naman ni Rose. Isa sa mga kasambahay namin.

"Okay lang ako nu! Kaya ko. Di na ako bata!" Mayabang naman niyang sagot.

Katabi ko siya ngayon sa upuan. Pero hindi kami gaano nag-uusap kasi may iba pang pinag-uusapan itong mga kasama ko.

"Sir Yvan eto po shot niyo..." Magalang na sabi ni Kuya Rod sabay abot sakin ng baso.

Mabilis kong ininom yung tagay ko at umayos ako ng pagkakaupo. Hininaan ko ng bahagya ang ipad ko na nakakonek sa speaker para magkakwentuhan ng maayos itong mga kasama ko.

"Denis sino nga pala yung lalakeng naghatid sayo nung isang araw ata yun?" Singit na tanong ni Rose.

Bakit ba napakadaming pwedeng itanong nitong si Rose, bakit iyon pa! Nakakaramdam tuloy ako ng inis pero hindi ko alam kung bakit.

"Ahh.. Si Powell yun. Kaibigan ko" sagot naman ni Denis.

"Kaibigan? Eh bakit ka kinisan sa pisngi?" Kantyaw naman ni Rose.

Takte to ah!

Napansin kong namula ang mukha ni Denis. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa alak o dahil sa pagtatanong ni Rose.

"Denis oh shot mo!" Singit naman ni Kuya Rod dahilan para hindi masagot ni Denis yung tanong ni Rose.

Matapos inumin ni Denis yung tagay na iniabot ni Kuya Rod ay nagpatuloy na uli ang kwentuhan. Nakikinig lang ako. Gusto ko rin kasi malaman yung mga bagay na pinagkukwentuhan nila kapag ganitong nag-iinom sila.

"Ano ang mga tipo mo sa isang lalake Denis?" Biglang tanong ni Jovert. Isa sa mga katulong din naman dito sa bahay. Natuon ang atensyon ko bigla kay Denis ganoon din si Jovert na nakatitig sa kanya.

"Teka bago mo sagutin yung tanong Denis i-shot mo muna ito" sabay lapag ni Kuya Rod ng tagay na madami ang nakalagay.

"Aba Kuya Rod ang dami naman niyan! Medyo laseng na ako eh" reklamo naman niya.

"Ganyan lahat ang shot noh! Kahit itanong mo pa kay Sir Yvan" sabay tingin sakin ni Kuya Rod na pinapahiwatig na sumang-ayon ako sa sinasabi niya.

"Oo nga Denis. Ganyan lahat ang tagay" sang-ayon ko naman.

Mabilis inangat ni Denis ang tagay. Halos maduwal na nga siya buti nalang at agad niyang nakuha ang basong may lamang chaser at kaagad ininom yun.

"Oh ano? Sagutin mo na yung tanong ko" giit ulit ni Jovert.

"Ahh... Simpleng lang... Gusto ko masarap magluto, mahilig kasi akong kumain... Gusto ko malaki mata!" Biglang napatigil si Denis sa pagsagot dahil napatawa siya sa sinagot niya.

Sino ba naman ang hindi matatawa? Gusto niya malaki mata! Kahit ako napangiti nung narinig ko siya.

"Bakit gusto mo malaki ang mata?" Singit na tanong ni Rose.

"Wala.. Gusto ko lang.. Ayoko kasi sa singkit.. Nakakatakot!" Sagot ulit niya.

"De.. Ang totoo nyan - wala naman talagang kailangan hanapin sa isang tao bago mo siya magustuhan... Ang importante ay nararamdaman mong gusto at mahal mo siya..." Muling sagot niya. Halatang may tama na siya ng alak.

"Teka teka... Bakit ako ng ako ang tinatanong niyo dito? Eto si Sir Yvan oh!" Sabi niya at kinuha yung nakalapag na basong may lamang alak at mabilis iyong ininom.

"Ikaw Sir ano ang tipo mo sa mga babae?" Lakad loob na tanong niya sakin.

Aba! Iba ang tama ng alak sa kanya ah! Mukhang nawala yung hiyang nararamdaman niya sa tuwing nagkakasama kami.

"Ahh... Gusto ko.... Weird..." Sagot ko. Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.

"Weird??" Halos sabay sabay nilang tanong sakin. Tumango ako at ininom ko yung tagay na nag-aantay sakin.

"Pak na pak ka Denis Lindsey! Ikaw kasi ang alam kong pinakaWeird na tao dito!!" Malakas na sigaw ni Rose.

"Oyy Rose! Ang bibig mo! Hindi ka na nahiya kay Sir Yvan" saway sa kanya ni Jovert.

Si Denis? Walang naisagot. Napatahimik lang.

"De.. Okay lang.. Katuwaan lang naman ito" nakangiti kong sabi sa kanila.

Nagpatuloy ang katuwaan namin. Bumalik na sa dating aura si Denis. Pero mas laseng na siya ngayon. Kwento ng kwento narin tungkol sa mga kalokohan niya sa probinsya.

Hindi niya nababanggit ang tungkol kay PJ. Mukhang ayaw niyang ipaalam kung anong meron sa kanila ni PJ.

Ilang gabi narin paulit-ulit sumasagi sa isipan ko ang tungkol sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung bakit. Minsan nga naiisip kong komprontahin si PJ o si Denis kaso nga lang magmumukha lang akong tanga dahil baka sabihin nila sakin na wala akong pakialam.

Hindi kasi ako naniniwala sa sinagot ni Denis kanina na magkaibigan lang silang dalawa. Halata ko naman kay PJ ang pagkagusto niya kay Denis. Obvious.

"Denis may Boyf-"

"Hello???"

Biglang naputol ang dapat na itatanong ko sa kanya nung bigla niyang itinapat sa tainga niya ang kanyang cellphone.

"Medyo.. Pero okay lang ako..." Sabi niya sa taong kausap niya. Sigurado ako si PJ nanaman yun. Wala namang ibang natawag sa kanya kundi si PJ at ako. Oo. Natawag ako sa kanya pero hindi ako nagsasalita. Pinapakinggan ko lang ang boses niya. Abnormal ako noh? Hindi ko kasi maipaliwanag kung bakit ako nagkakaganito eh.

"Ha!!? Hala! Huwag... Promise hindi na ako sa-shot..." Gulat na sabi niya sa kausap niya.

"Oyy Denis! Shot mo na oh!! Katagal tagal!" Malakas nanamang sabi ni Rose.

Sinenyasan siya ni Denis na huwag maingay.

"Anong huwag maingay!! Shot mo na!!!" Sabi nanaman ni Rose.

Biglang ibinaba ni Denis ang cellphone niya. Tapos na yatang mag-usap ang lovebirds!

"Kahit kailan talaga ang ingay ingay mo! Mapapahamak tuloy ako sa kagagawan mo eh!" Inis na sabi ni Denis.

"Eh bakit ba? Ano bang konek ng pag-iingay ko sa pag-uusap niyo!?" Pang-iinis lalo ni Rose.

"Wala!" Sagot ni Denis at ininom na ang tagay niya.

Pinatong ni Denis ang cellphone niya sa lamesa at nagpatuloy na kami sa pagiinom at kwentuhan. Si Jovert ang walang tigil ang tanong kay Denis ng kung anu-ano at si Rose naman ang pagkalakas lakas ng boses.

"Denis may naghahanap sayo... Pinapasok ko na.. Sabi kasi ni Sir Anton papasukin ko na..." Biglang singit ng Driver ni Mommy.

Aktong tatayo na sana si Denis nung may taong nagsalita sa likuran ko.

"Hi Lindsey... Sabi ko sayo - pupunta ako eh"

"Powell???"

Author: short update ulit :)

Penge namang votes and comments dito :( :( :(

Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon