Yvan Marcus PoV"Can I kiss you?" Seryosong tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sakin kung bakit ako nagkakaganito ngayon.
Naalala ko tuloy yung nangyari samin nung ganing magkasama kami sa isang room sa resort. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinalikan ko siya. Kakaiba yung nararamdaman ko sa katawan ko nung kasama ko siya. Natigilan lang ako nung biglang tumunog ang cellphone niya. Hindi na ako nagsalita non. Tinakpan ko nalang ang mukha ko dahil sa hiyang nararamdaman ko sa kanya. Nahihiya ako kasi parang nabastos ko siya. Pero sa totoo lang iba na yung nararamdaman ko sa kanya. Pinili ko itong kontrolin dahil alam kong mali pero wala akong laban sa puso ko. Talo ako ng nararamdaman ko.
Kusang nalapit ang katawan ko sa kanya.
"Sir..." mahinang tugon niya sakin habang nananatiling nakatingin lang sakin.
Nararamdaman ko na ang mainit niyang paghinga. Inilapat ko ang labi ko sa labi niya.
Ang lambot.
Wala na akong nakikita dahil napapikit ako sa sensasyong nararamdaman ko. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi.
Naramdaman ko nalang na umawang na ang labi niya sa pagkakalapat ng labi ko.
"I'm sorry..." mahinang sabi ko at umayos na ako ng pagkakaupo.
Tama nga.
Tama nga ang pakiramdam ko. Napatunayan ko na sa sarili ko na gusto ko siya. Iba kasi yung pakiramdam ko habang magkalapat ang mga labi namin. Ang hirap ipaliwanag. Ang tanging masasabi ko lang ay may parang may kuryente na paikot ikot sa katawan ko.Ang sarap sa pakiramdam.
Pinagpatuloy ko na ang pagmamaneho. Kapwa kami tahimik. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tugtog na nagmumula sa component ng sasakyan ko.
(Pls play - You take my breath away)
Alam ko kaya umalis kanina si Denis sa loob ng fastfood ay dahil sa tingin na binibigay ni Pj sa kanya. Alam ko rin na hindi na siya babalik kaya ang ginawa ko ay tumayo ako at palihim akong sumunod sa kanya. Nagulat nalang ako nung nakita kong biglang dumating si Pj. Hinalikan niya si Denis. May kung ano ngang bagay ang tumusok sa dibdib ko. Ewan ko. Selos na yata ang nararamdaman ko. Kitang kita ko ang lahat ng nangyari. May isang parte nga sa isipan ko na hinihiling na sana ako nalang si Pj. Na sana labi ko nalang ang nakalapat sa labi ni Denis.
"Sir yung cellphone niyo po..." bigla akong napabalik sa katinuan nung dalawang beses akong tinawag ni Denis. Tinuro niya yung cellphone ko.
"Yvan pakitanong nga kay Denis kung lampas pa ng parke yung sa kanila?" -Danica.
Tinanong ko agad si Denis. Pinaliwanag niya ang daan at sinabi niya umuna nalang kami para hindi sila maligaw.
"Okay sige. Susundan nalang namin kayo" huling sabi ni Danica at mabilis ng naputol ang linya.
Nalampasan na namin sila Danica at Lorenze. Nasa unahan na kami ngayon.
"Diretso po Sir tapos sa pangatlong kanto liliko na po" turo ni Denis.
Sinunod ko siya.
"Lampas mo po ng kaunti Sir tapos dun niyo po parada sa gilid" dugtong niya nung makapasok na kami sa ikatlong kanto.
Tumingin ako sa digital clock ng sasakyan ko. Mag-uumaga na pala. Kaya pala may nakita na kaming mga taong may bitbit na mga kahoy at yung iba naman ay mga sako.
Matapos kong ipark ang sasakyan ko ay bumaba na kami ni Denis. Nagpark narin ang iba naming kasama at nagbabaan narin sila.
"Ang lamig naman dito Denis..." sabi ni Lorenze at nagsuot ng jacket.
Hinubad ko ang jacket na suot ko at ipinatong ko sa balikat niya. Tiningnan niya lang ako at bahagyang tumango.
Nakita kong nakatingin samin si Pj at nakatitig iyon sakin."Sey hindi ka man lang nagpasabi na uuwe ka. Sana ay nakapaghanda ako ng pagkain" narinig kong sabi nung lalakeng lumabas sa bahay na nasa tapat namin.
"Biglaan po Tito Roy. Ito nga po pala ang mga kaibigan ko" pagpapakilala niya kina Danica na nasa likuran namin.
"At ito naman po si Sir Yvan. Anak po ng amo namin ni Nanay sa Cavite" dugtong niyang pakilala sakin.
"Magandang umaga po Mam at Sir. Pasok po kayo sa loob. Pasensya na po at maliit lang po ang tahanan namin" magalang na yaya samin nung Roy. Ayy.. Tito Roy pala.
Pumasok na kami sa loob. Ako na ang nagdala ng mga gamit namin ni Denis. Dapat maging gentleman ako lalo sa kanya ngayon. Nandito kami sa lugar nila. Kailangan magustuhan ako ng mga kamag-anak niya.
"Sey magpahinga muna kayo. Maghahanda lang muna ako ng agahan niyo" paalam ni Tito Roy.
Sey? Yun ba ang tawag sa kanya dito? Ayos ah. Ang sweet pakinggan.
"Grabe yung biyahe natin. Para ayaw ko na muna tuloy bumalik ng Cavite" -Lorenze.
"Sinabi mo pa Lorenze! Dapat sulitin natin ang bakasyon natin dito" sagot sagot naman ni Danica.
Si Mike at Pj ay kapwa tahimik. Si Denis naman ay nasa kusina nag-aayos ng lamesa.
"Mam at Sir kumain na po muna kayo. Nandon na po si Sey" yakag niya samin.
"Halika na. Huwag na tayo mahiya. Para matikman din natin ang luto dito" -Lorenze.
"Nuknukan ka talaga ng siba!" Pang-aasar sa kanya ni Danica.
Sabay sabay na kaming tumayo at nagpunta sa kusina.
"Ganito po ang fried rice dito, ito po ang danggit, inihaw na pusit, itlog na pula at dilis po" sabay turo ni Denis sa nga pagkaing nakahain.
"Wow!!!" -Lorenze.
Naupo na kami. Sinadya ko talagang sa tabi ni Denis maupo. Katabi niya sa kabila si Pj at si Danica. Paikot kasi ang lamesa. Pinaggigitnaan namin si Denis.
Nagsimula na kaming kumain.
"Nga pala Denis saan tayo unang pupunta mamaya?" Masayang tanong ni Lorenze.
"Igagala ko muna kayo mamaya dun sa sakahan. Mapresko dun. Sigurado akong magugustuhan niyo dun" nakangiting sagot ni Denis.
Hindi ko sinasadyang natabig ko ang tinidor na nasa tabi ko dahilan para mahulog ito. Kaagad akong yumuko para kunin ito. Pagyuko nakita kong nakapatong ang kamay ni Pj sa hita ni Denis.
"Hala! May bisitang dadating!" -Lorenze.
"Mike bakit ba napakatahimik mo? Masama ba pakiramdam mo?" Dugtong ni Lorenze habang ngasab ngasab ang inihaw na pusit.
Napatingin si Pj kay Mike. Nagkatinginan silang dalawa.
"Napagod lang ako sa biyahe." Tipid niyang sagot.
"Pati itong si Pj tahimik din" pansin din ni Lorenze.
"Oo nga bhe. Para kayong kakaiba ni Mike ngayon" -Danica.
"Nakakapagod lang ang biyahe. Mamaya okay na ako. Pahinga lang" sagot naman ni Pj.
Dahan dahan kong ibinaba ang kamay ko at unti unti kong inilalapit sa kamay ni Denis na nasa ilalim ng lamesa.
"Kuya Roy! Eto na po yung pinapa-"
Napatigil bigla yung lalake nung napadako ang tingin niya sa taong katabi ko.
"Sey?"
"Makoy?"
Author: Salamat sa pagbabasa.
Tara! Shot! Nainom po kami ni Mike.
Pengeng comments at votes.
Maraming salamat po!BubeiYebeb
BINABASA MO ANG
Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong Love
RomanceMagandang Araw! Eto po yung susunod na story na gagawin ko pagkatapos ng AMKB. Chapter I lang po muna ang ipa-publish ko. Kapag po marami nagka-interes po dito - itutuloy ko po. Maraming Samalat po!