Denis ilang oras pa ba?

588 30 3
                                    



Powell Jake PoV

"Paalis nko ng bhay beyb.. mmya n aq mgttxt. Sa sskyan q sskay c Danica eh. Qng pde nga lng ikaw ang isabay q.. :(" text ko kay Lindsey.

"Ok lng po. Alm mo nmn sitwasyon ntn eh. Ska issbay ak ni Sir Yvan" mabilis na reply na natanggap ko mula sa kanya.

Kapag talaga naririnig ko ang pangalan ni Yvan na yan mula kay Lindsey, nabubwiset talaga ako. Ewan ko. Pakiramdam ko ay may kakaibang siyang pagtingin kay Lindsey. Lalake din ako kaya alam ko yung nga ganoong kilos.

Sembreak na namin. Kaya tuloy yung napag-usapan namin dati na sa probinsya nila Lindsey kami magbabakasyon. Akala ko nga hindi pa matutuloy dahil nagbaback out si Lindsey nung isang araw, pero sa huli wala na siyang nagawa dahil sa pangungunsensya ni Danica.

"Beyb pde b wag k msyado dumikit kay Yvan?" Text ko sa kanya.

"Nku! Ngseselos k lng eh.. wala yun. Boss q yun kya bwat utos nun kailangan qng gawin" mahabang reply niya.

Naputol na ang text namin dahil nagsimula na akong magdrive papunta sa napagusapang meeting place namin. Sa tapat ng Jollibee Tanza.

Tumawag na nga rin sila Lorenze at Mike at sinabi nilang kanina pa sila nandun. Excited masyado!

Si Lindsey naman at si Yvan ay on the way na. Ako? Eto dinaanan ko pa si Danica kaya sigurado akong kami ang huling makakarating.

"Gusto mo munang kumain bhe?" Tanong sakin ni Danica habang inaayos ang shoulder bag niya.

"Kumain na ako sa bahay. Saka dadaan tayo sa fastfood sigurado gawa ni Lorenze. Alam mo naman yun" sagot ko sa kanya sabay kuha ko ng maliit na bag niya at nilagay ko iyon sa compartment ng sasakyan ko.

Sumakay narin si Danica at pinaandar ko na ang sasakyan. Ilang sandali ang lumipas ay nakarating narin kami sa tapat ng jollibee.

"Ano pa ba ang ginawa niyo ni Danica? Baket ngayon lang kayo?" Pang-asar na tanong ni Mike sakin.

"Tumigil ka nga Mike!" Suway ko sa kanya.

"Dumating na ba sila Yvan?" Agad na tanong naman ni Danica na nasa tabi ko.

"Ah.. oo.. nauna pa mga samin eh. Nandun sa loob ng jollibee" singit naman ni Lorenze na may subo subong burger.

"Kanina pa kayo? Pasensya na. Ang haba ng pila sa loob eh" biglang sabi ni Yvan habang hawak hawak ang paperbag ng Jollibee.

"Kararating lang din namin. So, shall we go?" Sagot naman ni Danica.

Kanina pa pala kayo dito tapos di mo agad naisipan ma bumili kanina! Bwiset na lalake to!

"Denis na-download ko na yung way papunta sa Baler. Naiforward ko narin kay Mike at Lorenze. Si Yvan nalang ang walang copy, kasama ka naman kaya pwede mong ituro sa kanya ang way" nakangiting paliwanag ni Danica.

"Iforward mo nalang kay Yvan ang picture ng map pa-"

"No its okay. Kasama ko naman sa sasakyan ko si Denis. Madali na saming dalawa yun" biglang putol ni Yvan sa sinasabi ko.

Aba! Talagang ginagalit ako ng tukmol na to ah! Nananadya ang hudyo! Tiningnan ko si Lindsey.

"Lets go" sabay hila ni Danica sa kamay ko.

Sumakay na kami sa kanya kanya naming sasakyan. Bago ako tuluyang sumakay ay sinulyapan ko muna si Lindsey.

Namimiss ko na kasi siya.

"Beh nakita ko picture mo sa uploaded pictures ni Sean sa fb, VillaNuevo ang hashtag niya" biglang sabi ni Danica habang tinatahak namin ang daan.

"Ah Oo beyb niya-"

"Beyb?" Takang putol niya sa dapat na isasagot ko.

"Baket Bhe?" Patay malisya kong tanong.

Takte naman! Si Danica nga pala ang kausap ko. Nasanay na kasi ako na beyb ang palaging tinatawag ko kapag kausap at kasama ko si Denis eh.

"Ah wala.. nga pala, nakita ko din sa pictures si Denis. Magkasama kayong nagpunta don?" Mabilis na tanong uli ni Danica.

Patay tayo neto! Bakit ba kasi upload ng upload agad ng pictures si Sean! Di man lang sinasabi sakin kung pwede o hindi.

"Ahh.. sinama ni Yvan si Lynd-Denis. Tapos ayun nagkataon na magkakakilala pala ang tropa" -Ako.

Takte! Muntik nanaman ako don ah! Kailangan ko ng maging mas maingat. Baka lalong hindi kami makapagkita ni Lindsey.

Ilang oras din ang lumipas nung napagpasyahan namin kumain muna sa isang fastfood. Medyo malayo pa kasi kami kaya siguradong magugutom kami kapag di pa kami kumain.

"Denis ilang oras pa ba?" Tanong ni Lorenze habang patuloy sa pagkain mg tapsilog dito sa San Fernando.

"Hindi ko po ma-estimate pero malayo pa po tayo. Madadaanan pa po natin ang Tarlac at Cabanatuan City" malambing na sagot naman ni Lindsey.

Kahit gusto kong kausapin si Lindsey ay di ko magawa. Syempre naiwas din ako para walang makahalata sa mga ibang kasama namin. Ang nakakaalam lang naman ng relasyon namin ni Lindsey ay itong ugok na katabi ni Lindsey. Kapag nagkaroon talaga ako ng pagkakataon kakausapin ko itong luko luko na to. Personal kong sasabihin sa kanya na iwasan niya si Lindsey ko. Halata naman kasi sa kanya na may gusto siya kay Lindsey. Sorry ka nalang Yvan! Saken si Lindsey!

"Ayy.. excuse me po.. may nakalimutan lang po ako sa sasakyan.." biglang sabi ni Lindsey.

"Ano yun? Ang layo ng parking lot" tanong naman ni Mike.

"Nakalimutan ko po yung pitaka ko sa bag... wait lang po kukuha-"

"Stay here. Ako na bahala sa pagkain natin." Mabilis na putol ni Yvan kay Lindsey.

Wala ng nagawa si Lindsey kundi ipagpatuloy ang kanyang pagkain. Nakakapuno na tong lalakeng to ah! Humanda ka talaga saken.

"Pre bakit ba kanina pa nakasambakol ang pagmumukha mo? May problema ka ba sa tapsilog?" Sita sakin ni Mike.

"Oo nga pre. Kanina ka parin titig na titig kay Denis. Saka napapansin ko hindi kayo mag-uusap, magkaaway ba kayo?" Dugtong na tanong naman ni Lorenze.


Author: Salamat po sa mga nagbabasa nito. Sana marami din po ang bumasa nito. Salamat po ng marami.

BubeiYebeb

Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon