Sayang noh... swerte ka sana

205 8 2
                                    

Denis Lindsey PoV

"Sey ipatikim mo sa mga kaibigan mo itong niluto ni Koy na ginataang laing at sinigang na alimasag ha" sabi ni Tito habang inaayos namin ang pagkain.

Nandito kami ngayon sa tabing ilog. Huling araw na pag-stay namin ngayon dito sa probinsya namin dahil napag-usapan namin kagabi na bumalik na kami sa Cavite. May kanya kanya kasing lakad itong mga kaibigan ko eh. Mas okay na rin yun kasi baka lalong magkagulo pa dahil sa iringan ni Powell at Sir Yvan. Hindi nga nagpapansinan ang dalawa eh. Buti hindi napapansin ng iba naming kaibigan maliban kay Mike. Hindi ko pa nakakausap si Mike pero balak ko talagang kausapin siya pagkabalik namin sa Cavite.

"Tara na guys! Ligong ligo na ako!" masayang sigaw ni Danica samin.

"Taraaaaaaaa!" malakas na sagot naman ni Lorenze habang hawak hawak ang inihaw na manok.

"Oooops Sey! Hindi ka pwede maligo sa ilog" pigil sakin ni Koy nung aktong lalakad ako palapit sa mga kaibigan ko.

"Matanda na ako Koy saka mababaw naman ang ilog ngayon oh" sabay turo ko sa kanya.

"Kahit na hin-"

"Its okay. Nandito ako. Ako bahala sa kanya" biglang singit ni Sir Yvan at mabilis hinawakan ang kamay ko at iginiya papunta sa ilog.

"Tsss.." reaksyon naman ni Powell at sumunod narin samin papunta dito sa ilog. Tiningnan ko si Powell at pinaparating ko sa kanyang huwag na siyang gumawa ng pwedeng pagawayan uli nila ni Sir Yvan.

"Ang saya at ang ganda dito Denis.. Promise sa bakasyon ulit babalik kami dito" sabi ni Danica habang kinukuyakoy ang dalawang paa sa tubig.

"Oo nga Denis. Ang sasarap din ng pagkain dito" singit naman ni Lorenze na nakalusong sa tubig.

"Denis kanina ko pa napapasin, para iba ka ngayon. Ang ganda mo.. Bagay sayo ang ayos mo ngayon" puri sakin ni Danica.

"Mukhang inlababo ka Denis ah.." kantiyaw naman ni Lorenze.

"Naku hindi po. Nagpagupit lang po ako ng buhok at medyo nag-ayos ng konti" sagot ko naman sa kanila pero sa totoo lang natutuwa ako sa mga komento nila.

"Yvan dapat pagbalik natin sa Cavite eh i-date mo na yang si Denis. Baka mamaya maunahan ka pa ng iba" sabi ni Danica kay Sir Yvan matapos umupo sa tabi ko.

Nginitian lang siya ni Sir Yvan.

"Bhe lika na dito. Masama pa rin ba pakiramdam mo?" pagtawag ni Danica kay Powell.

Halatang halata kay Powell na wala siya sa mood. Mukhang malaki ang naging epekto ng hindi nila pagkakaunawaan ni Sir Yvan. Ramdam ko rin na ako ang may kasalanan. Pero sa totoo lang hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Gusto ko na ayaw ko ang nangyayari.

"Sir excuse lang po..." paalam ko kay Sir Yvan ang tumayo ako.

Huling araw na namin dito sa probinsya namin at sigurado akong matagal na uli bago ako makabalik dito.

"Koy..." pagtawag ko sa kanya. Naupo ako sa tabi niya habang patuloy siya sa pagkuyakoy sa tubig.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan sabihin sa kanya ang lahat. Hindi ako makaisip ng tamang salita upang masimulan ko ang matagal ko ng gustong sabihin sa kanya.

"Siya na ba?" diretsong tanong niya sakin habang nakatuon ang tingin niya kay Sir Yvan.

"Koy... humihingi ako ng sorry sa nangyari dati... sa biglaang pag-alis ko. Alam ko kasalanan ko. Alam ko rin ang pagkakamaling nagawa ko sayo..." panimula ko.

"Ang dami ng nagbago Koy..." dugtong ko.

"Pati nararamdaman mo nagbago na Sey..." mahinahong sagot niya.

"Sorry Koy..." tanging nasabi ko sa kanya.

"Sey naiintindihan kita. Pero sana kung ano man ang magiging desisyon mo ay dapat maging masaya ka. Yun lang masaya na rin ako" -Koy

"Sa totoo lang Koy kahit ako naguguluhan na rin eh. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sundin ko" sabi ko ulit sa kanya.

"Pakiramdaman mo ang sarili mo Sey. Kung saan ang alam mong masaya ka, yun ang gawin mo. Huwag mong hayaan na may pagsisihan ka. Kasi kung masaya ka sa ginagawa mo at alam mong wala kang maling ginagawa, yun ang totoong masaya" mahabang paliwanag sakin ni Koy.

"Maraming Salamat Koy... Sigurado ako napakaswerte ng magiging girlfriend mo" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Sayang noh... swerte ka sana" pabirong sagot niya dahilan para sabay kaming tumawa.

"Loko!" sagot ko at tumakbo ako sa ilalim ng puno. Naglakas loob ulit akong sumabit sa nakabitin na lubid.

"Sey!!!!!!" narinig kong malakas na sigaw ni Koy dahilan para mapunta sakin ang atensyon ng mga kasama namin.

Hanggang sa nakabitaw nanaman ako sa pagkakahawak ko sa lubid at bumagsak ako sa malalim na parte ng ilog. Ikinampay ko ang dalawa kong paa kasabay ng dalawa kong kamay. Naramdaman ko nalang na may brasong pumulupot sa itaas na bahagi ng katawan ko at namalayan ko nalang na nasa mababaw na bahagi na kami ng ilog.

"Okay ka lang Denis?" narinig kong tanong ni Danica.



Author: Pasensya na po at matagal maka-update ngayon. Actually tapos ko na po itong story na ito. :) Maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa. Comments, Likes at reaction sa story ko po ay napakasaya ko na. Maraming salamat po uli! :)

Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon