Shout out sa Group Page ng Wattpad Warriors :)
Denis Lindsey Point of View
"Sige na Denis. Magpahinga ka na. Kami na bahala mag-antay kay Yvan" sabi ni Sir Anton. Hindi na ako nagsalita pa. Dumiretso na ako sa kwarto ko at nagbihis na ako ng pambahay. Kinuha ko ang laptop ko at nagtungo ako dito sa garden. Hindi pa naman kasi ako inaantok kaya eto nag-aabang nalang ako ng update sa AMKB Book V. (Chrien Story)
Aktong magla-log-in palang ako sa wattpad ko nung maagaw uli ang atensyon ko ng suot kong singsing. Nanariwa tuloy sa isipan ko ang nangyari kanina. Yung ginawa ni Powell. Kinikilig ako. Ang saya saya ko.
Kaso hanggang kailan kaya kami ganito?
Totoo kaya yung happy ending? Saka yung they lived happily ever after?
Paano magiging happily ever after kung ako yung kontrabida sa kwento ni Powell. Iniisip ko palang mali na ako eh. Si Danica kasi ang totoong prinsesa. Parang maling istorya yung napasukan ko. Pakiramdam ko ay pinakain ko ng apple ang prinsipe para mahumaling sakin tapos darating ang oras na dadating ang tunay na prinsesa at babawiin sakin ang prinsipe.
Grabe na imahinasyon ko.
Natigilan ako sa pag-iimagine ko nung narinig ko ang mabilis na pagpreno ng sasakyan sa harapan ng bahay. Dahan dahan ako tumayo at nagtago ako dito sa likod ng puno.
Si Sir Yvan.
Nakikita kong parang nagagalit si Sir Anton dahil sa pustura ng mukha nito. Pati na rin si Maam.
Mukhang nakainom yata si Sir Yvan dahil iba ang paglakad nito. Pasuray suray! Tumingin ako sa orasan ko. 11pm. Sigurado ako tulog na ibang kasambahay dito. Ang tanging gising nalang ay ako at si nanay.
Hindi na ako nagdalawang isip. Lumapit ako sa kanila. Nilapitan ko si Sir Yvan at inakay ko siya.
"Kaya ko! Hindi ako lasenggggg!" sigaw ni Sir Yvan sakin habang inaalis ang pagkakakapit ko sa kanya.
"Yvan! Huwag kang bastos!" suway sa kanya ni Sir Anton.
"Sir tara na po sa kwarto niyo para makapagpahinga na po kayo" sabi ko ulit sa kanya at sinubukan ko ulit ilagay sa balikat ko ang kamay niya.
"I'm okay!!!! Kaya koooo!"muli niyang sigaw at inalis ulit niya ang kamay niya sa balikat ko.
Hinayaan ko na si Sir Yvan. Mukhang laseng na laseng nga dahil sa ginagawa niya at sinasabi niya. Hinayaan na rin siya nila Sir.
"Pasensya na Denis ha..." hinging paumanhin ni Sir Anton.
"Ay! Wala po iyon Sir... Saka halata naman pong nakainom si Sir Yvan..." sagot ko.
"Denis pakiasikaso naman si Yvan... Sigurado akong hindi na nakapag-ayos ng sarili iyon" utos naman ni Maam sakin.
"Opo.." sagot ko at kaagad na akong sumunod sa kwarto ni Sir Yvan.
Tama nga si Maam. Eto si Sir Yvan. Nakadapa sa higaan niya at hindi man lang nagawang tanggalin ang sapatos niya pati ang suot niyang polo. Kumuha ako sa kusina ng bimpo. Binasa ko iyon ng medyo malamig na tubig. Yun kasi ang alam kong medyo nakakapagpawala ng tama ng alak sa katawan ng tao.
Hinubad ko muna ang sapatos ni Sir Yvan at iniayos ko siya sa pagkakahiga niya.
Nagsimula na ako sa pagtatanggal sa butones ng kanyang suot suot na polo. Hindi ko maintindihan pero kahit naka-on ang aircon ay nararamdaman kong pinagpapawisan ako. Unti unti kong tinanggal ang suot niyang polo at nakabungad na ngayon sakin ang malaking katawan ni Sir Yvan.
BINABASA MO ANG
Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong Love
RomanceMagandang Araw! Eto po yung susunod na story na gagawin ko pagkatapos ng AMKB. Chapter I lang po muna ang ipa-publish ko. Kapag po marami nagka-interes po dito - itutuloy ko po. Maraming Samalat po!