Can't say I don't love you - still I can't pretend.
Powell Jake PoV
"Oh pano? Uwe na ako..." Nakangiting sabi ko sa kanya nung nasa tapat na kami ng napakalaking bahay ng amo niya.
Nasabi niya kanina sakin na dito sila tumutuloy kase ito daw ang bahay ng amo nila ng nanay niya. Ayaw pa nga niyang ihatid ko siya pero di ako pumayag. Gusto ko rin kasing malaman kung saan siya nauwe.
"Sige... Maraming salamat nga pala ha..." Nakangiti ring sagot niya sakin. Aktong tatalikod na siya at magsisimulang ihakbang ang paa niya papasok ng gate ay awtomatikong tinawag ko siya. Ewan ko bigla ko nalang binigkas ang pangalan niya.
"Bakit?" Tanong niya nung tumigil siya sa paghakbang at lumingon ulit sakin.
Kusang humakbang ang dalawang paa ko palapit sa kanya.
Hindi ko na alam pero parang may sariling isip ang katawan ko at bigla ko nalang dinampi ang labi ko sa kaliwang pisngi niya.
"Sige... Uwe na ako... Tawagan nalang kita maya..." Mahinang sabi ko sa kanya at tumalikod na ako at nagsimula na akong maglakad palayo.
Shit! Ano ba yung ginawa ko?
Bakit ko ginawa yun?
Takte! Ano bang nangyayari saken!!?
Pero...pero... Bakit parang ang saya ko? Pakiramdam ko nakalutang ako.. Korni? Pero totoo. Promise. Yung tipong hindi ko ma-explain kung ano yung nararamdaman ko. Masayang ewan. Yung parang may kumikiliti sa kalooban ko.
"Oh anak bakit pangiti ngiti ka diyan?" -Mama.
Hindi ko na namalayan na nasa bahay na pala ako. Para kasi akong adik - iniisip kong nakasakay ako sa time machine at binalikan ko yung nangyari simula kaninang umaga. Sana maulit.
"Ayy Ma!" Gulat na reaksyon ko.
Hinipo ni Mama ang magkabilang leeg ko at kinumpara sa kanya. Kengkoy din eh noh? Yan ang mama ko! Hahaha!
"Ma wala akong sakit noh! Normal lang ako" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Mukhang napakasaya mo ah! Saan naman kayo nag-date ni Danica ngayon?" Kantyaw sakin ni Mama.
Hindi ko alam pero parang nag-iba ang timpla ng emosyon ko nung narinig ko ang pangalan ni Danica mula kay Mama.
Sasabihin ko ba kay Mama na hindi si Danica ang kasama ko?
Sasabihin ko ba kay Mama na si Lindsey ang kasama ko maghapon?
"Oh natulala ka diyan! Lakad na nga PJ at magbihis ka na" sabi ni Mama at kaagad ng umalis sa harapan ko.
Matapos kong magbihis ay naupo ako sa isang upuan na nakalagay sa garden namin.
Alam ko sa sarili kong mahal ko si Danica. Girlfriend ko siya eh. Pero may hindi ako maintindihan sa nararamdaman ko. Normal lang ba ito? Normal lang ba na... Magkagusto ako sa iba? Gusto lang naman eh. Hanggang dun lang. Hindi naman ibig sabihin ng ginagawa ko ay niloloko ko na si Danica. Kumbaga parang nakakilala lang ako ng panibagong kaibigan. Malapit na kaibigan.
Biglang naputol ang pag-iisip ko nung biglang tumunog ang cellphone ko.
Maraming Salamat kanina. Nag-enjoy ako 🤗🤗🤗
Sender: LindseyNi-tap ko ang call at itinapat ko sa kaliwang tainga ko.
"Hello..."
Napakalambing talaga ng boses niya."Hi... May ginagawa ka?" Tanong ko sa kanya.
"Katatapos lang. Nandito ako ngayon sa garden ng amo ko kaharap ang laptop ko" malambing niyang sagot.
BINABASA MO ANG
Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong Love
RomanceMagandang Araw! Eto po yung susunod na story na gagawin ko pagkatapos ng AMKB. Chapter I lang po muna ang ipa-publish ko. Kapag po marami nagka-interes po dito - itutuloy ko po. Maraming Samalat po!