Lindsey???

659 37 10
                                    



Denis Lindsey PoV

"Bakit hindi ka pa nakaayos?" Biglang sita sakin ni Sir Yvan habang tinatanggal konsa pamamagitan ng net ang dumi ng pool.

"Ah eh.. Sir... Pasensya na po... Hindi po ako makakasama... Madami pa po kasi akong gagawin..." Dahan dahang sagot ko sa kanya.

"Diba sinabi ko na isasama kita? Iwanan mo na yan at ayusin mo na ang gamit mo. Aalis na tayo" -Sir Yvan

"Sir baka po kasi ako ang pagalitan ni Sir An-"

"Its okay Denis. Mag-ayos ka na. Mas okay sakin na samahan mo si Yvan" biglang sulpot naman ni Sir Anton sa likuran ko.

"Opo Sir.." Sagot ko at kaagad na akong nagpunta sa kwarto ko at nag-ayos ng gamit.

"Heres my bag. Put your things here" sabi ni Sir Yvan sabay hagis ng bag niya.

"Sir wag na po... Mero-"

"Do what I say.."

Kaya no choice ako at nilipat ko ang gamit ko sa bag na inihagis ni Sir Yvan.

"Sir Anton alis na po kami..." Paalam ko kay Sir Anton.

"Okay sige Denis. Ikaw na bahala diyan kay Yvan Marcus... Saktan mo kapag may ginawang kalokohan" pabirong bilin sakin ni Sir.

"Sit here" sabi sakin ni Sir Yvan nung akmang bubuksan ko na ang pintuan sa likod ng sasakyan niya.

Ayy garabe siya oh! Ginawa pa akong aso! Lakas maka-sit here!

Sinunod ko ang sinabi niya. Baka kasi barahin nanaman ako ng diablong ito eh.

Pareho kaming tahimik sa loob ng sasakyan. Wala naman kasi kaming pwedeng pag-usapan eh. Isa pa - baka maingayan lang sa bibig ko itong di Sir kapag kinausap ko siya.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya kaagad kong kinuha sa kaliwang bulsa iyon.

"Hello..." Pagsagot ko.

"Saan na kayo?" Tanong sakin ni Powell.

"On the way na po... Ikaw?" Sagot ko naman. Sadyang hinihinaan ko ang boses ko dahil ayokong marinig ng taong kasama ko ang pag-uusap namin ni Powell.

"Nandito na kami... Nandito lang ako sa CR kaya nakatawag ako sayo... Magkita tayo mamaya ha... Namimiss na kita eh.." -Powell.

Napansin kong naglagay ng earphone sa magkabilang tainga si Sir at nakita kong parang bumubuka buka ang bibig. Baka narindi sakin kaya naglagay nun. Ang yabang naman netong taong ito!

"Ayy... Hindi na nagsalita... Hindi mo siguro ako namimiss..." Sabi ulit ni Powell sa kabilang linya.

"Syempre naman... Namimiss na kita... Kita nalang tayo mamaya... Sige po. Ingat ka po" sabi ko sa kanya para matapos na ang usapan namin.

"Labyu..." Masayang sabi niya.

"Sige na..." -Ako

"Ayy! Ang daya naman ee... Sabi ko labyu..." Pangungulit niya.

Takte! Kinikilig ako!

"Labyu tu po... Kita nalang tayo mamaya..." Pagsagot ko sa kanya.

Mabilis ko ng tinago ang cellphone ko sa bulsa ko pagkatapos ng pag-uusap naming dalawa.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Akala ko hindi kayo dadating eh" bati samin ni Danica. Nginitian ko silang magkakaibigan at ganun din kay Powell na malawak ang pagkakangiti nung nakita niya ako.

Si Sir Yvan ang may dala ng bag na may lamang gamit namin. Kinukuha ko nga yun kanina kaso sabi niya siya na daw ang magdadala. Bipolar noh?

"Kain muna kayo Yvan. Sabay na kayo dito kina Mike" sabi ulit samin ni Danica habang inilalapag ni Sir Yvan ang bag sa gilid ng table. Nasa isang bungalo type cottage kami kaya malaki. Ang luwag luwag nga eh. May sariling ihawan. Si Powell ang nagiihaw at sila Mike naman ay nakain na.

"Sige. Magbibihis muna ako" tipid na sagot ni Sir Yvan.

"Denis tara kain ka na muna" yaya naman sakin ni Mike.

"Sige na Denis kain ka na. Pagbalik na ako." Sabi ni Sir sakin. Kaya naupo na ako. Nagugutom narin kasi ako eh. Di kasi ako nakakain kanina sa pagmamadali dahil sa kanya.

Habang nakain ako ay biglang tumunog ang cellphone ko.

Damihan mo kain ha.. Ako nagtimpla ng bbq kaya sigurado akong masasarapan ka dyan.
Sender: Powell

Lihim akong napangiti nung nabasa ko yun.

Wag ka na muna mgtxt. Bka mkita pa ni Danica at mkahalata satin. Tara kain ka narin...

Reply ko naman sa kanya.
Ewan ko ba sa sarili ko at nagawa kong pumasok sa ganiton klaseng relasyon. Minsan nga tinatanong ko ang sarili ko kung ganito na ba talaga ako kadesperado, pero may parang nagbubulong naman sakin na kung masaya ako walang problema.

Aktong kakagat ako sa bbq na hawak ko nung napadako ang tingin ko kay Sir.

Oh shit!
Si Sir nga ba to?

Nakaputing fitted na sando, board shorts at nakablack na shades.

Shit! Ang hot ni Sir!

Nakita ko rin na pinagtitinginan siya ng mga babaeng nakababad sa pool at ilang nasa ibang cottage.

Nakatingin lang ako sa kanya.
Hanggang sa hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya. Nabuka ang bibig niya pero parang wala akong naririnig na kahit ano sa kanya.

"Denis?? Are you okay?" Untag sakin ni Danica na nagpabalik sa katinuan ko.

"Ahh... Okay lang... Okay lang ako..." Tarantang sagot ko at ibinalik ko ang atensyon ko sa kinakain ko.

"Eto pang bbq oh! Tara kain na tayo tol" biglang singit ni Powell tukoy kay Sir Yvan.

Nakisabay na samin sa pagkain si Sir. Kwentuhan lang at napagkasunduan naming mag-inom. Di naman talaga nawawala ang alak sa mga ganitong okasyon diba? (agree ka ba author?)

"Ako na bibili... Malapit lang naman" prisinta ko nung napagkasunduan kung anong alak ang iinumin.

"Samahan na kita Lindsey!" Biglang segunda ni Powell.

"Lindsey??" Takang tanong ni Danica.

"Lindsey?" Halos sabay na patanong ni Lorenze at Mike.

Si Sir naman ay walang reaksyon.

Takte! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh!

Author: sensya po. Late update. Dami lang po ginagawa. :)

Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon