Gaano na katagal?

174 9 1
                                    


Yvan Marcus Point of View

Mabilis kong tinapos ang agahan ko. Naglakad lakad ako sa garden namin. Palihim kong tinitingnan si Denis. Suot niya yung singsing na binigay sa kanya ni Pj.

Hindi ko maipaliwanag ang sarili ko pero parang pakiramdam ko ay ang saya ko. Ramdam na ramdam ko kasi yung emosyon ni Denis kagabi. Kasi kung wala siyang nararamdaman para sakin ay dapat parang wala lang iyon yung excitement ng parehong katawan namin. Iba...

"Wala lang sayo yung nangyari satin kagabi?" tanong ko sa kanya nung naririnig ko siyang bulong ng bulong sa sarili niya.

"Tabi tayong matutulog mamaya ha..." sabi ko sa kanya at nagsimula na ulit akong maglakad.

"Nga pala, maganda yang suot mong singsing..." nakangising puri ko sa kanya nung makalampas na ako sa kanya. Gusto ko rin kasing ipaalam sa kanya na may alam ako sa ginawa ni Pj kahapon.

.

.

.

"Goodmorning po sir!" bati sakin ni Rose habang inilalapag ang breakfast sa lamesa. May pasok na uli. Second sem na. Kaya eto kailangan nanaman gumising ng maaga.

"Nasaan si Denis?" tanong ko kay Rose.

"Kalalabas lang. Nagpaalam kanina na maaga daw siyang papasok" sagot naman ni Daddy habang nagsscroll sa kanyang cellphone.

"Dy, pasok na ako. Sa school na ako kakain" paalam ko at mabilis na akong tumayo at tinakbo ko na ang sasakyan ko.

"Go sir! Aabutan mo pa si Denis!" malakas na sigaw na narinig ko mula kay Rose dahilan para mapangiti ako.

Tama nga. Eto si Denis. Nag-aabang ng sasakyan habang nakatayo malapit sa kanto. Itinigil ko ang sasakyan ko sa harapan niya at ibinaba ko ang salamin ng bintana.

"Hindi mo man lang ako inantay" mapang-akit na sabi ko sa kanya.

"Sir..."

"Tara na... Sabay ulit tayo" yaya ko sa kanya.

Hindi ko na hinayaan pang makatanggi pa siya. Iginiya ko siya papasok sa loob ng sasakyan at pinagpatuloy ko na ang pagdadrive hanggang sa makarating kami dito sa loob ng eskwelahan.

"Salamat po Sir..." paalam niya at halatang halata na nahihiya siya sakin. Hindi rin siguro mawala sa isipan niya yung nangyari samin. Bigla nanaman tuloy nag-iinit ang katawan ko.

Nahagip ng dalawang mata ko si Powell. Nakaupo siya sa bleachers kasama sila Danica. Kitang kita ko mula rito ang tingin na binibigay niya kay Denis. Matapos ang ilang minutong pagtayo ko dito sa gilid ng sasakyan ko ay nagsimula na rin akong maglakad papunta sa room ko.

Discussion

Discussion

Discussion

Discussion

Puro discussion lang ang session namin ngayong umaga. Kumbaga preview sa mga bagong subject namin.

Lumipas ang buong tanghali na paulit ulit lang ang mga sinabi samin ng mga bagong professor namin. Kaya eto ako ngayon nagpapalipas nalang ng oras habang pinapanuod ang mga naglalaro ng basketball.

"Teka Danica nasa third floor si Pj kasama nila Jake" narinig kong sabi ni Mike habang habol habol si Danica.

"Eto oh nagreply na si Pj. Pabalik na daw siya. Dun nalang daw siya sa gate antayin" pigil ni Lorenze kay Danica habang papalapit dito sa lugar kung saan ako nakaupo. Napadako ang tingin ko sa pintuan sa gilid ko.

Shit!

Siguradong magkasama si Denis at ang siraulong si Pj sa itaas.

Nakaramdam ako ng pag-alala kay Denis kaya tumayo ako at nilapitan ko sila.

"Ano ba! Kung talagang wala kayong tinatago sakin bakit pinipigilan niyo ako!" sigaw ni Danica kay Mike at Lorenze dahilan para mapatigil sila sa pagsasalita.

"Anong proble-"

Hindi ko na naituloy ang dapat na itatanong ko nung biglang bumukas ang pintuan at sabay na inilabas ng pintuan si Pj at si Denis.

Natigilan sa paghakbang ng paa si Pj gayon din si Denis. Bakas sa mukha nilang dalawa ang pagkagulat sa bumungad sa kanilang harapan. Si Danica.

"Akala ko ba Mike nasa third floor si Pj at kasama nila Jake?" diretsong tanong ni Danica kay Mike na nasa likuran.

"Saka pakitingnan ngang mabuti ang cellphone mo Lorenze kung talagang may reply sayo si Pj. Eto kasi sakin ang cellphone niya" sabi naman niya kay Lorenze.

Kapwa walang naisagot yung dalawa. Nanatiling nakatingin si Danica kay Pj. Si Denis naman ay nakayuko at halatang nahihiya sa kanyang nasa harapan. Kay Danica.

"Kanina pa kita hinahanap Denis. Buti nakita ka ni Pj. Tara na" singit ko sa usapan nila. Wala na kasi akong ibang maisip na paraan para mailigtas ko si Denis sa posibleng kahinatnan ng ginawa nila.

"Tama na Yvan. Huwag ka ng gumawa ng paraan para pagtakpan pa sila" pigil sakin ni Danica dahilan rin para mapatigil ako sa paglapit kay Denis.

"Mali ka ng iniisip Danica... Ipapaliwanag ko" sabi ni Pj.

"Sige Pj. Ipaliwanag mo ito" sabay abot ni Danica ng mga pictures na magkasama silang dalawa ni Denis.

Walang naisagot si Pj.

"Gaano na katagal?" nanginginig na boses ni Danica.

"Danica pakinggan mo muna ako..." mahinahong pakiusap ni Pj.

Lumapit si Danica sa kanilang dalawa ni Denis.

"Sagutin mo ako, gaano niyo na akong katagal niloloko Pj!?" napapalakas na boses na ni Danica dahilan para mapunta samin ang ibang atensyon ng mga taong nasa paligid namin.

"Danica calm down... nakakahiya sa mga taong nasa paligid natin..." muling pakiusap ni Pj.

Sa pagkakataong ito gusting gusto kong sapukin ang mukha nitong si Pj. Ito yung bagay na hindi niya inisip na pwedeng mangyari. Hindi niya alam na Malaki ang magiging epekto nito kay Denis.

"Akala ko kaibigan kita Denis... Akala ko totoong nag-aalala ka samin... Wala ka rin palang pinagkaiba sa ibang baklang kilala ko!" galit na sabi ni Danica kay Denis.

Hindi ko na kayang marinig pa ang mga sasabihin ni Danica kay Denis kaya mabilis kong kinuha ang kamay ni Denis at hinila ko na siya papalayo kina Pj.

"Iced tea oh...habang malamig..." sabay abot ko sa kanya habang nakatayo kami parehas dito sa tulay at nakaharap sa ilog.

"Sir pwede payapos?" paalam niya pero hindi na niya inantay ang sagot ko. Niyapos niya ako at iniyuko niya ang mukha niya sa dibdib ko.



Author: Comments naman and Votes :) Salamat :) 

Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon